Day 4 ♥

177 2 0
                                    

A/N: Happy 1k nga pala. Thanks sa lahat ng bumabasa nito. Mas lalo pa sanang dumami yung mga nagbabasa nitong MCLWE.

Belated Happy B-day din pala sa aking Bestfriend. Para sayo to Bhang..Haha labyow.

Chapter 4:

Pagkatapos ng klase ay agad akong lumabas ng room namin. Dumiretso ako sa main gate dahil naghihintay na daw yung susundo sakin.

Maya-maya lang din ay may lumapit saking lalaking medyo may katandaan na.

"Kayo po ba si Ms. Audrey Kim?"

"Opo. Kayo po ba yung susundo sakin?"

"Opo" tapos pumasok na ako sa kotse. Mayaman!!

Mahigit kalahating oras bago kami huminto sa isang malaking bahay.

Grabe ang laki!!.

Bkit kaya pag mayaman dapat malaki ang bahay?.

Diba pwedeng simple lang?.

Ewan ko sayo Audrey!. Akala mo naman may sasagot sa isip mo!.

"Nasa loob na po si Young Master. Diretso nalang po kayo sa kwarto nya"sabi ni Manong Driver sakin.

Ngumiti ako tska pumasok sa loob. Inalalayan ako ng katulong nila papunta sa kwarto ng Chanyeol nayun.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob.

Sumilip muna ako baka kasi kung ano makita ko eh. Haha. Joke. Clear!!!. Dahan-dahan akong naglakad papasok. Wala namang tao eh. Akala ko ba nandito na si Park Chanyeol?.

Nilagay ko muna sa study table yung mga gamit ko. Magtitingin-tingin muna ako sa kwarto nya.. Nyahaha!!.

Ano bayan!. Halos panglalaki lahat ng gamit nya. Ayy malamang! Lalaki may-ari ng kwarto kaya panlalaki gamit.Malay mo naman kasi may tinatago palang sikreto yang si Park.

Palakad-lakad lang ako sa kwarto nya ng biglang bumukas yung pintuan sa banyo.

Owshet!!. Ulalam!.

O__O

>_____>

>///

Whats the meaning of that... Six packs na pandesal.. Pengeng kape!!!. Huwat!!. Ang inosente kong mata't utak.. Nadumihan na!.

Tumalikod ako agad kahit na gusto ko pang tignan yung katawan nya!. Shet!. Saan kayo nakakita ng nerd na mahilig sa pandesal?. Ako lang yun!. walang iba.

Lakad-takbo kong tinungo yung study table nya at nagkunwaring nagbabasa ako ng notes.

Inosente ka!!!. Audrey!. Hindi mo nakita yun!. Fighting!.

Nagbasa-basa lang ako ng notes habang nagbibihis sya sa likod ko.

Naiisip ko palang na nagbibihis sya sa likod ko.. OHMYGOD!. Ang landi mong nerd ka!

Maya-maya lang din ay naupo na sya sa tabi ko.

"M-magsimula na tayo para matapos agad" sabi ko ng hindi nakatingin sakanya. Ang awkward!.

Sinimulan ko ng magdiscuss pero sya mukhang hindi nakikinig kaya napatingin ako sknya.

Naka-earphones pala ang mokong. Agad kong hinablot yung earphones nya. Napadilat sya at binigyan ako ng masamang tingin. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Ano nanamang problema mo ha?" May bahid ng inis yung boses nya.. Tss. Sya pa may ganang magalit ngayon?.

"Ikaw!. Ikaw ang problema ko. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?. Pinakiusapan ako ng Dean para turuan ka at hindi inisin ako. Imbes na nag-aaral ako ngayon sa bahay namin nandito ako ngayon tinuturuan ka tapos ikaw nags-sitting pretty lang dyan with matching earphones pa. Alam mo bang ayokong sinasayang ang oras ko" ang ayoko kasi sa lahat yung sinasayang yung oras ko. Ok lang sakin na ibully nya ako wag nya lang sayangin ang effort at oras ko sa wala.

My College Life with ExoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon