Day 3 ♥

188 3 0
                                    

Chapter 3

Hayy. May pasok na naman.

Naglalakad ako ngayon papuntang school namin. Walking distance lang naman kasi papuntang school. Maarte lang talaga si Kuya kaya sinundo pa ako.

Nasa tapat na ako ngayon ang school namin... Sana nman hindi ako mabully. Nakaligtas na ako kahapon eh.

Dahan-dahan lang ako naglalakad sa Hallway habang nakayuko.

Nakikita ko na yung room namin ng may bumanga sakin. Alam kong sinasadya na nya yun. Napaupo ako sa sahig lakas ng pagkakabanga nya sakin.

Napapikit ako sa sobrang sakit.

"Ang tanga mo naman. Ang panget mo na nga lampa ka pa. Hindi ka nababagay sa eskwelahang to. Alam mo ba yon?" Boses pa lang alam ko ng si Eunice to. Narinig ko namang nagtawanan yung mga nanonood.

Halos humagulgol na ako sa sakit ng higitin nila yung buhok ko sabay sampal sakin. Ano bang ginawa ko saknila?. Bakit nila ako sinasaktan.

Mas lalo namang lumakas ang tawanan nila ng may maramdaman akong malamig at malagkit na tumutulo sakin.

Hindi ko na napigilang umiyak. Gusto kong gumanti pero alam kong hanggang sabi lang ako dahil weak ako. Takot akong lumaban.

Naka-alis na ang Pretty Girls pero nakaupo parin sa lapag habang umiiyak. Mukha na akong basang sisiw.

"M-miss?. Ok k-ka lang?" Tanong ng kung sino man sya. Tinulungan nya akong tumayo.

"U-uy. Ikaw yung nerd sa classroom diba?. Ayos ka lang?. Halika dadalhin kita sa clinic." Tapos inakay nya ako papuntang clinic. Isa sya sa mga kaibigan ni D.o na myembro din ng exo.

"Oh?. Anong nangyari sakanya?" Tanong ng nurse na nasa clinic. Pinaupo muna ako ng nurse sa kama.

"Nabully ata. Ewan ko, di naman kasi sya nagsasalita eh" rinig kong paliwanag nya sa nurse. Narinig ko lang hindi ko nakita kasi hanggang ngayon na nakayuko parin ako. Wag naman sana ako magka-stiff neck. Hindi ako makakapag-aral ng maayos.

"Osige. Kukuha muna ako ng extra-uniform doon. Bantayan mo muna sya"

"Ikaw si Audrey diba?." Tumango ako habang nakayuko parin. Nagulat ako ng iangat nya ang mukha ko gamit ang dalawa nyang kamay na kasalukuyang nakalapat sa pisngi kong namumula na ngayon. Shet! First time ko lang mahawakan sa pisngi ng ibang tao.

"Masyado ka nmang mahiyain. Ako nga pla si Byun Baekhyun. Tinulungan kita kaya friends na tayo,ok?" Wala sa wisyong napatango ako. Mas lalo akong namula ng ilapit nya pa lalo yung mukha nya sakin.

"Maganda ka naman. Alisin mo lang yang salamin mo tska pakinisin lang yang mukha mo" maganda daw ako. Another first!. First time ko lang din masabihan ng maganda ako except sa family ako.

"A-ah?. Eh.. H-hehe. S-salamat" ngumiti muna sya sakin bago alisin ang kamay nyang nasa mukha ko. Sakto naman na dumating na yung nurse. Binigay nya sakin yung uniform tska ako pinapasok sa banyo para maligo.

Late na kami sa first subject namin!. Nubayan!!.

Lumabas ako ng banyo habang pilit na binababa yung palda ko. Ang iksi. Kulang nalang makita na yung kaluluwa ko eh.

"U-uhhm. W-wala bang ilalaki yang s-skirt nya?" Nakita kong nag-iwas ng tingin si Baek ng madako ang tingin nya sa legs ko. Legs ko lang ata ang maganda sakin eh. Mikinis tska maputi.

"Wala na eh. Last na nga yan eh. Bagay naman sayo eh. Ang ganda nga ng legs mo eh. Sigurado ako madaming maaakit sa legs mo" nakakahiya. Mas lalo kong hinatak pababa yung mini-skirt na to.

My College Life with ExoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon