Day 7 ♥

118 2 0
                                    

Chapter 7:

Para akong zombie na naglalakad habang palabas ng clinic.

Lahat sila ay nilalagpasan ko lang. Hindi parin nags-sink in sakin yung lahat ng nangyari.

Halos matumba na ako sa pagkakabanga ko. Wala na akong pakealam kung mabully na naman ako.

"Audrey" dahan-dahan kong iniangat yung ulo ko para makita kung sino yung tumawag sakin.

Chanyeol

"B-bakit?" Walang emosyong sabi ko.

"Ok ka naba?" Tumango nlang ako tska ko sya nilagpasan.

"Sandali lang!" Rinig kong sigaw nya pero hindi ko sya pinansin. Sa halip ay nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Pero dahil sadyang malaki ang binti nitong parke na to ay naabutan nya ako.

"Teka!. Umiiyak kaba?" Tangkang hahawakan nya ang mukha ko ng iiwas ko ito. Ako lang ba o nakita ko talaga na parang nasaktan sya?.

Bakit naman sya masasaktan?. Sino kaba?. Kaano-ano kaba nya?.

"Umalis na kanina pa ang driver mo kaya ako nlang maghahatid sayo." Tumango lang ako tsaka ko ulit pinagpatuloy yung paglalakad ko. Wala akong ganang magsalita. Sa mga nalaman ko palang nanghihina na ako kaya wag ko nalang sayangin ang lakas ko.

Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya papunta samin. Ang tahimik. Ni isa saamin walamg nagtangkang magsalita. Siguro nararamdaman nya rin na wala ako sa mood.

Kapag kasi magkasama kami ako lagi ang gumagawa ng paguusapan namin.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay nagpasalamat muna ako bago bumaba pero bubuksan ko palang yung pinto ng sasakyan nya ng pigilan nya ako.

"A-anong problema mo?. B-bakit ka nagkakagayan?. Bakit ka umiiyak kanina?" Tanong nya sakin. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sakanya o ano.

"W-wala. Salamat sa paghatid." Tapos ay bumaba na ako. Hinintay ko muna syang umalis. Saktong pag-alis nya ay siya ring pagtulo ng luha ko.

Hinintay ko munang tumigil sa pagtulo ang luha ko bago ko napagdesisyunang pumasok sa loob.

"Kamusta ang school?" Bati sakin ni daddy pagpasok ko ng bahay. 8 na ng gabi kaya nandyan na si Daddy.

"Ok lang po. Aakyat na po ako sa itaas. Baka po hindi na ako makasabay sa inyong kumain,masakit po kasi yung pakiramdam ko. Sige po, goodnight" hindi ko na hinintay magsalita pa sila kuya at mommy.

Sumasakit na naman ang ulo ko. Kinuha ko sa bag ko yung pain killer tska ko yun ininom.

Inadvice sakin ng nurse na magpatingin na sa hospital pero hindi ako pumayag. Hindi nalang takot sa dugo ang dahilan ko ngayon kundi takot na malaman kung gaano katagal nalang ako mabubuhay dito sa mundo.

-----++++-----

"Ok class. Alam nyo naman siguro na every year ay nagkakaroon tayo ng beauty contest diba. Last year ay kabilang section ang representative ngayon naman ay tayo ang napiling maging representative ng course natin. So, sino ang gustong magnominate?." Tanong ng adviser namin. Kinuha ko nlang yung scratch paper ko at nagdrawing ng kung ano-ano. Wala naman akong in-nominate at mas lalong wala namang magnonominate sakin. Hinayaan ko nalang silang magsigawan tulad ngayon. Sigaw sila ng sigaw. Hayy.

"So!. Ok na. Si Ms. Audrey Miles ang magiging representative ng course natin ngayon" nanlalaking matang lumingon ako sa adviser namin?.

O____O

My College Life with ExoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon