Day 5 ♥

125 3 0
                                    

Chapter 5

Pagkatapos ng session namin ay hinatid na ako pauwi. Ganon lang naman daily routine ko simula ng maging tutor ako nitong si Park.

Kinaumagahan ay maaga na naman akong pumasok para iwas bully. Papasok palang ako ng gate ng biglang may tumawag sa akin.

Si baekhyun!. Aga nito ah.

"Good morning"hinihingal na bati nya sakin. Sino bang may sabing tumakbo sya papunta dito.

"Morning din" tska na kami nagpatuloy sa paglalakad papasok ng school.

"Bakit nga pala ang aga mong pumapasok?" Tanong nitong katabi ko.

"Para iwas sa mga bully"bakit kaya hindi ako binubully ng mga barkada nito eh sabi nila bully daw etong mga eto eh. Anong nangyari?.

"Ahh. Sa bagay" tumatango-tango pa sya nyan.

"Sabi nila bully daw kayo eh bakit hindi nyo ako binubully?" Curious din kasi ako eh.

"H-huh?. Ahhh!. Pili lang yung mga binubully namin. Tulad ng mga taong feeling maangas... Tsk,pasikat lang kasi sila" ahh!. So, yung mga taong masasama lang ang ugali ang nga binubully nila. Mabait naman pala sila eh... Pwera lang sa parke nayun. Hindi sya mabait!!!. Tandaan nya yan.

Agad akong umupo sa upuan ko ng makarating kami ng room.

"Dito muna ako ah?" Tumango nalang ako. Alam ko namang kahit na hindi ako pumayag gagawin nya parin yung gusto nya.

Tulad kahapon nagk-kwentuhan muna kami habang hinihintay yung iba. Tapos kapag nandyan na sila babalik na sya sa upuan nya tapos makikipag-kwentuhan na sa barkada nya.

"Good morning" sabay na bati ni Scarlet at Irene. Ngayon nlang ulit kami nagka-usap ah.. Pansin ko. Naging busy na kasi ako simula ng maging tutor ako ni Park. Imbis na sa bahay ako nag-aaral dito ko na ginagawa sa school tuwing vacant namin kaya hindi ko na sila masyadong nakakasama.

"Morning din."

Saglit pa kaming nagkwentuhan bago umayos ng upo dahil dunating na yung prof.

*breaktime*

Umalis na lahat ng kaklase namin pwera nalang saming apat(Scarlet,Irene,Ako,Chanyeol). Diko nga alam kung bakit nandito pa tong Parke nato eh.

"Mauna na kayo sa cafeteria. Aayusin ko muna gamit ko tska dadaan pa ako ng locker room"baka kasi gutom na sila.

"Hindi hintayin ka na namin" scarlet.

"Hindi na sige. Bibilisan ko nalang tapos susunod na ako" hanggang sa pumayag na silang mauna... Kailangan ko na talagang bilisan dahil medyo nagugutom na din kasi ako eh.

Palabas na sana ako ng room ng tawagin ako ni Park. Nandyan nga pala sya. Hehe. Hindi ko sya napasin kanina ah.

"Wala muna daw tayong tutor ngayon.. Day off mo muna daw" yun lang sinabi nya tapos naglakad na sya palabas. Hinintay nya ba ako para sabihin yun?. HINDI!  Sino kaba Audrey para hintayin nya?,ha?!.

Tumungo na ako sa locker room. Iiwan ko pa kasi yung mga libro ko dito. Ang dami kasi eh. Ang bigat!

-___-

Pagkatapos kong ilagay lahat ng gamit ko sa locker room ay dumiretso na aga ako sa cafeteria dahil nagtxt na si Scarlet sakin. Kanina pa daw nila ako hinihintay!.

Agad ko silang hinanap ng makarating ako ng cafeteria.

"Audrey!. Here!" Tumungo ako sa kinaroonan nilang dalawa. Kinain ko agad yung pagkaing nasa harap ko. Sakin naman daw yun eh tska gutom na ako. Nakakapagod din ang mag-aral ng mag-aral.. Nakakapiga ng utak.

My College Life with ExoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon