Chapter 16 *Cake*

4 0 0
                                    

Medie's POV

Simula nung niyaya ako ni Raph mag date akala ko susuko na siya akala ko iiwasan niya na ako pero nagkamali ako ...

" Goood Mooorning my princess " masiglang bati ni Raphael isang umaga pagpasok ko

Naiilang akong ngumiti kasi para bang walang nangyari kung kumilos siya . Pero alam kong nasasaktan siya

" eh G-Good Morning din Raph" sagot ko

" Pwede bang sabay tayo mag lunch mamaya ? " sabi niya sabay ngiti

Jusko! Ano ba to? tatanggihan ko ba siya ? pag sumama kasi ako baka magkaroon pa siya ng idea na may pag asa siya

" Hep hep ! Wag ka tumanggi , alam ko namang sinabi mo na friend mo na lang ako . Kaya eto! Friends na lang tayo , Hindi ba pwedeng ayain ko ang kaibigan ko mag lunch?" sabi niya ng naka pout

>///< Ang cute ng lalakeng to matatanggihan ko ba? Friends lang naman daw diba?

" S-sige na nga! Pero Raph sinasabi ko sayo ah , ayoko ng ulitin na 'friends' lang tayo ." Ayoko namang ulit ulitin siyang i-basted

" Opo boss! No more No less " Nakasaludo pa . haha , nakakatuwa ka Raph bakit kasi ako pa? tumalikod na siya at namulsa .

Nagtuloy ang araw nilibre ako ni Raph ng lunch. Wala namang kakaiba sa kanya . Madaldal pa rin siya at nagkakasundo naman kami.

" Ah medie. gusto sana kitang ihatid mamaya kaso may gagawin ako eh, Ok lang ba kahit mag isa ka ? Napapansin ko kasi di mo kasama sila shan o sila Christie lagi"

Nalungkot ako ng maalala ko yun . Wala pa rin akong lakas ng loob na kausapin sila

" Okay lang Raph , ano ka ba? Sanay na naman ako mag isa eh wag ka nang mag abalang ihatid ako saka isa pa di ako sanay" sabi ko na lang .

" Ah! Alam ko na! Si Paul , di ba magka kilala na kayo ? Ipapahatid na lang kita dun. Wag ka nang tumanggi medie , Pleaseee" hayyy ang kulit!

" S-sige na nga . Hay naku raph , ok lang naman ako mag isa eh '"

Si paul pa ang maghahatid at parang tiwala siya . Para tuloy ako nangangaliwa . Di niya alam na gusto ko si Paul . Haixt anu ba yan . Hay , di naman ako nangangaliwa nu Duh! ano bang iniisip mo medie .

Ayun nga at si Paul ang nag antay sa akin . Naka pamulsa siya at nakasandal sa pader at may naka salpak na headset sa tenga niya at dala niya na naman yung gitara .

Ang gwapo!!!

Lumapit ako sa kanya at napansin niya ako kaya tumingin siya sa akin at umalis sa pagkakasandal niya at naglakad na.

o.o?? Bakit ang sungit nun? wala man hi ? o hello?

Sumunod ako sa kanya , at sinubukan siyang kausapin

" P-paul. Ok lang naman kahit wag mo ako ihatid . OK lang naman ako" nakayuko ako habang sinasabi ko yun , para kasing bad trip siya eh

" Ginagawa ko to para kay raph hindi para sayo. "

Natigilan ako sa paglalakad ng sabihin niya yun . Para akong natauhan, Kanina kasi iniisip ko na nandito siya kasi magkaibigan kami akala ko Ugh! Oo na! nag assume na ako na may gusto siya sa akin! Nung araw na lumabas kami sa school para kumaen ang sweet niya! Syempre iisipin kong may gusto siya sa akin . Ang tanga mo medie! ang tanga tanga mo!

Napansin niya atang di na ako sumusunod sa kanya kaya lumingon siya .

Naiiyak ako pero hindi pwede , ambabaw mo medie! Sino ba kasing nagsabing mag assume ka?

Wishes do come trueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon