Chapter 12 *Alone*

7 0 0
                                    

(a/n: hello readers (if meron) sorry for the long wait sa pag uupdate ko. Nag alangan kasi ako if itutuloy ko pa kasi wala naman akong na re-receive na feedback kaya parang wala akong inspiration at nawalan ako ng gana pero , tinuloy ko kasi naisip kong wala akong karapatang mag inarte xD enjoy reading , sorry sa typhographicals error )

Medie's POV

Nung nag lunch naalala kong sasabay pala ako kila vanessa kumain . Di ako maka tiyempo na makipag bati kila shan .

Pagdating ko sa canteen nandun sila shan sa lagi naming pwesto . Pupunta na sana ako kaso-

" MEDIE! here! " sigaw ni mariah sabay kaway . Nakita kong napatingin halos lahat ng tao sa Canteen . Anlakas kasi ng sigaw ni Mariah . Nakita ko rin nag igting yung bagang nila shanine .

Hindi ko alam ang gagawin kaya pumunta ako kila mariah . Pagka upo ko sabay labas naman nila shanine . Tatayo na sana ako nang hawakan ni Vanessa yung kamay ko.

" where are you going? " tanong niya.

" e-eh?"

" Are you going to make bili the foods? No need medie , our treat since you are our new friend " biglang sabi ni katelyne .

Di na ako naka kibo , feeling ko lagi akong walang kawala sa kanila .

" Is there any problem medie . you don't galaw galaw the food oh " sabi ni marina .

" ay pasensya na " sabi ko . Inaalala ko kasi sila Shanine , baka akala nila galit pa ako sa kanila .

" I know there's something wrong with you . Are you bothered? maybe , nag aalala ka sa situation niyo ng mga friends mo no? " sabi ni vanessa . Di ko alam kung pano niya nalaman ang iniisip ko .

" You want us ba to tulong tulong? Walang problem if you want to " sabi ni marina .

" Wag na , nakakahiya naman . Kaya ko naman sigurong i-handle yun " sabi ko sa kanila

" No it's nothing , Wag ka nang ma-shy . Do you want us to kausap them ? " sabi ni marina

" w-wag na . Ok lang ako ." sabi ko

" No , we insist , we'll help you no matter what " sabi ni katelyne .

Siguro makakatulong naman sila diba? Sana ...

Pagkatapos ng buong araw sa school, matamlay ako . Parang wala kasi akong kaibigan . Though nakasama ko sila vanessa still , iba parin pag sila shan.

As usual , uuwi na naman akong mag isa . Ganun naman palagi .Ano kayang pwedeng gawin ngayon? tumalon sa building o magpasagasa ? masyado na kasi akong bored . Nami-miss ko na talaga yung mga kaibigan ko , hindi ako vocal sa kanila kaya siguro nangyayari to eh, I mean sa pamilya ko. Di ako open sa kanila sa mga bagay bagay tungkol sa pamilya ko. Kasalanan ko naman eh kundi dahil sa bracelet- hayy ... Kelan ko kaya sila makaka usap? Anong pwede kong gawin para patawarin nila ako? Sa pagkaka alam ko di naman sila nagkikimkim ng sama ng loob eh . Nung 2nd year kasi kami sinumbong ko si shan na nangopya kaya napagalitan siya ng teacher at pinunta sa guidance office pero di niya kinmkim yun . Siguro naman ngayon na nasigawan ko sila di rin nila iintindihin yun diba? di naman si ganung kaibigan .

Sa pag iisip ko , dinala ako ng paa ko sa science garden . Oo , sa science garden kung saan ko nakausap ng matagal si Chikito . Siguro kung maayos kami ngayon nila Shan kinuwento ko sa kanila na nagiging 'close' na kami ni chikito . Pero di kagaya ng inaasahan ko walang chikito na nakaupo at nag-gigitara. Naisip ko nga na sa mga panahon na nag iisa ako bigla siyang sumusulpot at dahil sa presence niya pakiramdam ko kahit papaano may kakampi ako .

Napapikita na lang ako sa dami ng iniisip ko . Sa dami ng iniisip ko gusti ko umiyak. Itong mga nakaraang araw ay parang isang bangungot. Hindi ganun kahalata sa kilos ko na malungkot ako . Magaling akong magtago ng nararamdaman pero minsan di ko kaya. Dadating talaga tayo sa puntong kahit gusto mong itago may magtutulak sayo para ipakita mo yun.

Nararamdaman kong nag iinit na yung gilid ng mata ko pero kailangan kong pigilan hindi lang dahil baka may maka kita na mahina ako kundi dahil gusto ko masaya ako sa lugar na 'to.

In thr first place , bakit ba kailangan kong umiyak ng umiyak? Di lang naman ako yung may problema sa mundo. Sa totoo lang baka napakababaw lang ng problema ko. Baka nga sa mga oras ba to may tao nang nag aagaw buhay o kaya naman may tao nang sinasalvage. Pero ang hirap talaga isipin na yung tatay mo ay may babae na at yung mga kaibigan mo ay iniiwasan ka. Ang masama pa nun walang kang taong mapaglabasan ng kung anong nararamdaman mo. Sana andito ka ngayon mama. Sana andito ka sa tabi ko . I don't want to be Alone in this world full of lies , in this world full of sadness , in this world full of obstacles , simply saying

I want you here ...

Wishes do come trueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon