Chapter 9 *pangarap ko*

16 0 3
                                    

Medie's POV

papatayin ba ako nito? *dug* *dug* *dug* *dug* , kinabahan na ako , parang ayoko nang mamatay . Pero pag iniisip ko si itay gusto ko na ule. , anlakas ng tibok ng puso ko , tinanggal niya yung kamay niya sa bibig ko pero di niya tinanggal yung pagkayakap niya . Kaya nakapagsalita ako .

" Kung papatayin mo ako wag mo na akong pagsamantalahan , patayin mo na ako agad . Pero sinasabi ko sayo wala kang mapapala sa akin . Kunsabagay kahit pangarap wala ako kaya walang katuturan itong buhay ko . Kaya go , patayin mo na ako ." sabi ko ng tuloy tuloy , walang emosyon , kahit tulo ng tulo yung luha ko nasabi ko yun ng tuloy tuloy . Unti unti niya akong inikot at hinarap sa kanya . Pero dahil madilim di ko maaninag ang mukha niya .

" Kung papatayin kita , paano naman pangarap ko? " b-boses to ni paul ah?

" P-paul? " nung sinambit ko yung pangalan niya di ko alam pero naramdaman kong may kakampi ako kaya nanlambot ako lalo at mas lalong umiyak.

" Sssshhhhh tahan na tahan na " sinasabi niya yun habang tinatayo ako at nilalabas sa iskinita .

Dinala niya ako sa isang waiting shed habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa balikat ko para alalayan ako. Nang umupo na ako , di ko na napigilang mapahagulgol , tinakpan ko ng dalawang palad ang mukha ko , sa dinami dami ba naman ng taong makakakita sa akin na para akong patapon , bakit si paul pa?

Hinagod niya ang likod ko .

" N-nakahi-ya n-nakita mo akong g-ganito , s-siguro iniisip m-mong mukha na akong p-patapon no? " sabi ko sa kanya.

" Hindi nu ! Bakit ko naman iisipin yun? saka bakit ka ba naiyak? " tanong niya .

Siguro naman pwede niyang malaman , alam niya na nga yung tungkol kay mama eh . Kaya kinuwento ko kahit nahihirapan ako kasi naiyak ako. ..

" Diba ?!  walang kwenta siyang ama! Napaka hayop niya! Magsama sila ng kabet niya !!" galit kong sabi , kumukulo talaga ang dugo ko.

" Tatay mo pa rin siya trill , saka alam kong Mahal ka niya " sabi niya habang nakatingin sa mata ko at ngumiti kaya nag iwas ako ng tingin .

" Mahal?! pagmamahal ba lahat ng pinakita niya sa akin sa labing apat na taon ko sa mundong to?!! Kung pagmamahal yun bakit di ako masaya ... " sabi ko sa kanya at umiyak na naman . Nakaka asar tong luhang to .

" Pero siya ba Mahal mo?  " tanong niya . m-mahal ??

" Sa lahat ng pinakita niya sa akin Mamahalin ko ba siya??! Hindi ko siya Mahal! Wala siyang karapatang mahalin ! " sabi ko

" Bakit ka naiyak? " tanong niya . B-bakit nga ba??

" k-kasa n-nagagalit ako! tama , galit na galit talaga ako sa kanya! , nasasaktan ako sa tuwing di anak ang trato niya sa akin!  " sabi ko .

" Alam mo Trill , di ka magagalit at masasaktan kung di mo siya Mahal . At kung Mahal mo talaga siya iintindihin mo siya at susuportahan sa lahat ng bagay . Buksan mo ang puso mo sa muling pagtanggap at pagpapatawad . " sabi niya

b-buksan ko ang p-puso ko? yan ang sinabi ni mama sa panaginip ko diba? imbis sagutin ko siya

" Bakit mo to sinasabi? " tanong ko

" Kasi ayun ang totoo , wag mong ikulong ang sarili mo sa poot , mahirap yan dalhin lalo na't wala kang paglalabasan ." sabi niya

" s-salamat " sabi ko sabay yuko . Medyo nabawasan na yung bigat sa puso ko . Pero kailangan ko pang mag isip .

Natahimik kami ng ilang minuto , di siya nagsalita . Siguro hinahayan niya akong mag isip . Ambaet mo Paul , maraming salamat.

Inisip ko lahat ng nangyari ngayon araw , yung pagkakapasok ko sa TC , si tatay , Si Sophia , pati yung paghila sa akin ni P-paul . Nalala ko yung sinabi niya nung hinila niya ako .

Wishes do come trueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon