Chapter 11 *getting-to-know*

10 0 0
                                    

Pagbangon ko , para akong naka kita ng halimaw . Ikaw ba namang may katapat na salamin diba? Gabi gabi na lang mugto ang mata ko .

Kagabi naisip ko na dapat di na ako naiyak , ipapakita ko sa kanilang malakas ako pero di ibig sabihin nun na napapatawad ko na sila , pagtutuunan ko na lang ng pansin yung pag aaral ko . Pagsisikapan ko yun para kay mama. Kahit wala na siya , gagawin ko pa rin ito . Sabi niya kasi ang pangarap niya daw para sa akin ay maging isang flight attendant ang sabi ko naman sa kanya gusto kong maging isang sikat na chef o baker at kahit anong may kaugnay sa pagkain , pero di talaga ako magaling dun .

Naaalala ko na naman si mama :/ . Ma , masaya ka ba sa langit? yaan mo ma kapag may chance susundan kita , nagsasawa na ako dito eh , gusto ko nang mamatay . Naisip ko kahit anong pangarap ko ang makamit ko , anong saysay kung wala ka Mama? anong saysay? kailangan ko bang magpatuloy mama? pero paano? kung gusto mo akong magpatuloy bigyan mo ako ng signs . Ayan kasi yung mga napapanood ko eh .

biglang humangin . Napangiti ako kasi alam kong nandito lang si mama . 'I love you mama' sabi ko sa sarili ko.

Paglabas ko nakita ko na naman yung slut . Si sophia yung tinutukoy ko.

" trill , anak -- " nanliit ang mata ko

" Ilang beses ko ba dapat ulitin na hindi mo ako anak , at lalong di kita ina , kung gusto mong respetuhin kita , pwede ba wag mo na lang ako kausapin . Kasi sa tuwing naririnig ko yang boses mo mas lalo kita kinamumuhian " sinabi ko yun nang di nakatingin sa kanya . Ayaw ko sana siyang sagutin pero mas mabuti na ang malinaw.

pagkatapos nun di na siya nagsalita . Umupo ako at tinignan ang pagkain . Nakita kong lumabas si nany rosa galing kusina dala ang isang cereal at gatas .

" Nanay rosa , kayo po ba ang nagluto niyang cereal saka nagtimpla ng gatas? " tanong ko .

" Oo anak " sagot naman ni nanay rosa . Buti naman ayokong kainin ang kahit sa anong hinanda ng sophia na 'to

Kinain ko na yung cereal at ininom yung gatas.

" Trill anak , kumaen ka ng sinangag at pancake na niluto ni sophia masarap mag- "

" Ok na ako dito nay " sabi ko at nilagok ang gatas at dumiretso sa banyo para mag toothbrush .

Ayokong kainin ang kahit anong niluto ng slut na yun . hindi ko maaatim .

Paglabas ko nandoon na yung asawa dati ng mama ko . Ano ba ang dapat kong itawag sa kanya? kung yung sophia na yun ang isang slut pwede ko na siguro siyang tawaging manloloko . K Fine . Mas madaling sabihin . Nakita ko yung manloloko na masayang kumakain kasama yung slut , 'What a picture' sa sobrang saya nilang tignan ang sarap sirain .

Lumabas na lang ako sa bahay ng di nila namamalayan . Mukhang masaya eh , hayaan mo sila yun yung pinili nila eh .

Pagdating ko ng school naalala kong may tampuhan pala kami ng mga kaibigan ko . Napag isipan ko ren na makipag bati kasi masyado akong naging OA .

Nakita ko sila na papasok na sa room , tatakbo na sana ako sa kanila nang sinalubong ako nila vanessa , marina , katelyne , mariah at aira .

" Oh Good Morning Medie dear " sabi bigla ni vanessa . Gusto ko sanang umalis kasi nakita na ako nila shanine . Pero ayoko namang talikuran sila vanessa kasi tinulungan rin naman nila ako kahapon .

" ah good morning din " sabi ko

" Okay na ba you? " tanong ni marina . Conyo pa ren sila . Nature na siguro nila . Actually lahat sila maganda at mukhang may sinasabi sa buhay , di ko nga alam kung bakit sila lumalapit sa akin . maybe , they are just too friendly .

Wishes do come trueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon