Jaden Claire’s POV
*birds chirping*
*dogs barking*
The sunlight… Its so bright… Why is it kind of noisy this early in the morning? Aish… Ang ingay talaga! Bakit ayaw manahimik ng mga aso nila.
*opens one eye* o.-
*looks at clock*
“OMO!!! LATE NA AKO!! OUT OF TRACK NA NAMAN AKO SA WORK OUT KO!!!” I huddled up from my bed and ran towards the cr. Oo late ako pero kailangan ko pa din ayusin face ko nuh.
Hilamos here, toothbrush there. Finally feeling fresh. Sinuot ko na pang work out ko. Jogging pants lang naman tska t-shirt at rubber shoes. Nagtali na din ako ng buhok. Tumakbo na ako pababa at uminom ng gatas then off to Green Vast. Doon ako lagi lagi nag jojogging. Halos wala kasing tao doon tuwing umaga. Madami pang puno, fresh air! Hahaha.
Finally I’m here. Since late ako ngayon hindi na ako nag sight seeing at nag jogging na agad. Himala may nakita akong lalaki sa kabilang side ng Green Vast. Mukhang ginawang track and field ‘tong lugar na ‘to. Haha. Ang bilis niya kasi tumabo naka-ilang ikot na din siya ha.
Hinayaan ko na lang yung guy since wala naman siyang ginagawang masama sakin. Nag jogging ako for 30 minutes. “Sapat na siguro ‘to.” Bulong ko sa sarili ko habang umupo sa may malaking puno malapit sa lake.
15 Sit-ups, 15 push-ups at 25 criss cross. Oha! Tapo na ako!! Pang abs din yan nuh. Para pag pinakita ko ang aking tiyan ay maganda naman tingnan diba? ;)
Ayan paalis na sana ako ng Green Vast ng may napansin ako. Si Mr. Runner, yung guy na nakita ko kanina, bumagsak ata. Instincts ko nag kick in na. Tumakbo ako ng pinaka mabilis kong takbo papunta sa kanya. Grabe akala ko nag pass out na siya hindi naman pala. Humiga lang ng diretsuhan sa kalsada.
Pagka lapit ko sakanya tinanong ko, “uhmmm… Excuse me? Mister, okay ka lang ba?” Habang palapit ako ng palapit sakanya nag kneel ako sa tabi niya.
“Ayoko na ng ganito!! Bakit ba ngayon pa nagkaganito yun!”, nakapikit siya habang sinasabi yun. Hindi niya siguro narinig yung pagtanong ko.
Tinapik ko siya, mahina lang naman.
Mr. Runner’s POV
Aish… Sino ba ‘tong tumatapik sa akin? Waaaah! Kung anu-ano na nararamdaman ko!
“Saan naman ako makakahanap ng gusto nila sa isang araw!!!!????” wala naman siguro makakarinig ng sinasabi ko dito. Sa pagkakaalam ko walang tao ngayon dito eh.
“Ano ba yung kailangan mong hanapin?” aba okay ‘to, may pwede akong kausapin, multo siguro. Kausapin ko na nga lang wala namang masama eh.
“Gusto kasi ng family ko na makilala nila ang girlfriend ko. Ang masama dun, wala naman talaga akong girlfriend.”
“Hahahaha. Bakit di mo na lang kasi sabihin na wala ka talagang girlfriend?” Parang ang weird naman ng magsalita ng multong ‘to. Pero malambing magsalita ha. “Kasi pag ginawa ko yun, iseset up na naman nila ako sa kung sinong babae. Ayoko pa naman ng ganun. Hindi mo pwede iset up ang nararamdaman ng isang puso nuh!” Teka… Ang lalim naman ng sinabi ko.
“WOW! HUGOOOOOOOT!! Hahaha. Hoy, bumangon ka na po diyan sa kalsada baka mamaya may dumaan pa na kotse at sagasaan ka.” Sabi niya. Teka… Kalsada?
*mulat isang mata* -.O
*mulat yung isa pa* O.O
Napatayo ako ng wala sa oras… Pagpag ng damit. “Hehehe. Sorry miss ha? Akala ko multo ka.” Grabe na talaga kalagayan ko ngayon. Ang tanga ko talaga, bakit naman ako kakausapin ng multo. Hay. ERASE! ERASE! ERASE!
BINABASA MO ANG
Love From Revenge
Teen FictionItong story na 'to umiikot sa isang babae na gustong maghiganti sa taong sumira sa pagkakaibigan nila. Habang pinaplano ni Jaden Claire ang kanyang plano para maghiganti, may makikilala siyang lalaki. Si Anj, siya na kaya ang magpapalambot sa puso n...