Clyde’s POV
Heto kami naglalakad papunta ng boardroom. Salita ng salita itong si Jovs hindi ko naman maintindihan sinasabi. “Jovs…”
“Oh? Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?” Nagtanong pa ang baliw. “Nakikinig ako kaso hindi ko maintindihan. Paki klaro naman.” Sabay pat sa likod niya.
“Sorry naman. Eh kasi nga hindi ko alam kung bakit ngayon ang board meeting.” Huh? Ano daw? “Anong bakit di mo alam na ngayon yung board meeting? Pag-uusapan yung bagong game diba?” Tanong ko naman kay Jovs. Sa pagkakaalam ko kasi ngayon talaga yun, unless na may iba pang dapat pag-usapan sa araw na ‘to.
“SIR CLYDE! SIR JOVEN! KANINA PA PO KAYO HINIHINTAY SA BOARDROOM!” Sigaw nung secretary namin. “OO SIGE! OBVIOUSLY PAPUNTA NA KAMI DIYAN!” Sagot naman namin sakanya. Ahahaha. “Kailangan pa talagang sumigaw, osha ang ibig kong sabihin sa sinabi ko kanina ay magkakaroon ng bagong shareholder sa company pero hindi pa sinasabi kung sino.”
Bagong shareholder… Shareholder… Share-…. “Since when ako pumayag dito!!!!????” Tanong ko sakanya. “Last summer. Hahahaha.” Oh shi- Oo nga pala, last summer kasi napag usapan naming apat nila Jed na may madadagdag na bagong shareholder at kung okay lang ba sa lahat… I agreed to it… “Okay lang yan. Kakilala ni Jed daw yung bagong shareholder eh.”
“Sino naman? Teka mamaya na. Inaantay na tayo sa loob!” Pumasok na kami sa boardroom at nagsimula na ang meeting.
Meanwhile at Stefano’s…
“Hey Alex!” Bati sa akin nung head chef. “Hehey!! So how’s the new line of cakes goin’?” May bago na namang creation ‘tong si chef. “Going smoothly, but its not yet finished.” Wait, what? Hindi pa tapos? Akala ko ba pinapunta niya ako dito para tikman yung bagong line. Asdfghjkl…
Napansin niya siguro yung expression ko kaya sabi niya, “Oh, akala mo pinapunta kita dito para dun! Ahaha. Hindi ah, may malaking event kasi at gusto nila na tayo ang mag cater ng celebration cake pati na din ng mga pastry na iseserve sa mga guests!” Masayang sabi sa akin netong head chef namin.
“Aish, bat di mo sinabi agad. Hay, teka, e ano ang gagawin ko? Sila ang mamimili naman ng mga flavor hind iba? Gusto nila ako yung mag bake?? Hahaha.” Sabat ko sakanya. Napaka special naman nila kung ako yung magbabake nuh! Hohoho. “Ikaw ang pinapapili nila ng cake na iseserve natin.” Aba uki ah. “Osige sige. Alam mo na kung ano gusto ko diba? Yun na iseserve natin. Haha. May pupuntahan pa ako eh.”
“Sige. May isa akong bagong idadagdag sa pastry na iseserve sa guests ah.”
“Sure. Sige. Alis na ako ah. Bye bye!” Umalis na ako sa Stefano’s.
Jed’s POV
Andito ako ngayon sa opisina. May kukunin lang akong mga documents para ma organize ko na yung event. Makikipag meet na din ako dun sa tao na tumawag sa akin. Ako na daw yung bahala sa pagprepare ng buong event. Ang alam ko taga organize lang ako, kaso mukhang hanggang sa guestlist ako pa din ang may hawak. Oh well, siguraduhin lang nilang mameet nila yung price na hihingin ko.
Naayos ko na yung mga dadalhin ko, sakto namang nagtext sakin yung makikipag meet, sa Resorts World daw kami magkita, mamayang gabi. Aish… Ang layo pa naman nun, teka may text ulit.
*****: By the way, dress up formally, for a dinner, while we discuss about the event. Thank you, I’d also be sending a ride over at your place to bring you there.
Hanep din ‘to ah. Okay fine, nireplyan ko siya at sinabing 7:30pm sharp.
Kinagabihan…
Nagshower lang ako saglit tapos nag ayos na. Dress formally daw, edi formally. Binuksan ko yung walk in closet at pumunta dun sa side kung san nakasabit mga formal wear ko. Mehehe. Dalawa lang naman yung dinner dress dito kaya pinili ko yung Sapphire Blue yung kulay. :3
Saktong pagkatapos kong iayos lahat may pumito sa labas. Aish… So lumabas na ako at ayun na nga yung susundo sakin. So yeah, sumakay na ako at dinala na ako netong driver sa RW.
Pagdating ko dun, sa may entrance may nag aantay na familiar yung mukha, sobrang familiar. Pagbaba ko, sinalubong ako nung familiar na mukha. Tiningnan ko siya ng mabuti… “OI LUKE!!” Sabay sapok ko sakanya.
Ayos din ‘to eh. Nginitian lang ako at sinamahan na ako sa loob. So dito kami mag dinner…. Mas gugustuhin ko pa sa seaside or kung san man. Hay… Ipinakita na sa amin ng waiter yung table at umupo na kami.
*Words I Couldn't Say - Noel (BG) *
“Sencia na kung di ko sinabi agad na ako yung tumawag sa’yo. Hahaha.” Nakuha pa niyang tumawa. “Ha, ha, ha. Sige lang Luke, sige lang. Pag ako hindi pumayag dito yari ka na naman.”
“Eh kasi baka hindi ka maniwala pag sinabi kong ako yung tumatawag sa’yo eh, and besides ‘tong event na ‘to para sa 50th anniversary ng company ng papa ko.” Ah para naman pala sa company ng papa niya eh. Teka… Wait, what!?? “Company ng papa mo!?” Surprised kong tanong sakanya.
“Oo, kay papa. Ahahaha. Tapos pinatawag ka sa akin. Sabi ni papa isa ka daw kasi sa mga naipakilala sakanya na nag oorganize ng mga events kaya ikaw yung pinili. By the way, yung cake daw, si papa na yung bahala, naka order na kasi siya eh.”
“Okay so tungkol san yung event? May na suggest ba na place father mo? May naka handa na din bang guestlist?” Tanong ko kay Luke. “Hinay-hinay lang, pwede bang kumain muna tayo. Nagugutom na din ako eh.” Hanep din ‘tong si Luke eh. Pagkain din inuuna. Oh well mukhang siya naman magbabayad neto kaya keri na. Susundin ko muna s’ya. Food yan eh! Tatanggi pa ba?
Mga 20 minutes din ang lumipas, akala ko hindi siya oorder yun pala bago pa ako dumating, umorder na siya. “Dinner is served” Sabi ng waiter at umalis. “Sorry kung umorder na ako agad ah. Medyo isang oras kasi bago nila iserve isang meal dito kaya ayan. Hahaha. Shall we?” Tinuro niya ang nakahain na pagkain at kumain na kami.
AUTHOR'S NOTE:
Don't you worry guys lahat ng nabasa niyo connected sa buhay ni Jaden. Ahahaha. XD Plus yes, heir din si Luke. Kaloka nuh? Puro mayayaman, kalurkey! Ahaha. Sa mga susunod na chapter madadagdagan pa ang mga characters! ^^
Well let's see what happens next people! ;)
VOTE, COMMENT and SHARE!! :DD THANK YOU SA MGA PATULOY NA NAGBABASA NETO! Promise babawi ako sa pag update neto and sorry kung tuwing 2am ko na uupdate. XD
BINABASA MO ANG
Love From Revenge
Teen FictionItong story na 'to umiikot sa isang babae na gustong maghiganti sa taong sumira sa pagkakaibigan nila. Habang pinaplano ni Jaden Claire ang kanyang plano para maghiganti, may makikilala siyang lalaki. Si Anj, siya na kaya ang magpapalambot sa puso n...