Chapter 3: La Familia Dela Costa!

66 3 0
                                    

Susan Dela Costa POV

“HONEY! Pumayag na yung girlfriend ng anak natin na bumisita dito sa atin!!” ako nga pala ang mother ni Andrew si Susan Dela Costa.

“That’s great news. Sabihin mo kay chef na maghanda ng best dishes niya for next Saturday.” Ayan naman ang papa ni Andrew si Richard Dela Costa. May-ari ng Dela Costa Residences. Halata naman sa pangalan hind iba? Ahaha.

“Yes of course. Ipapalinis ko na din kanila manang ang bahay. Hon, bumili kaya tayo ng bagong curtains and sala set?” Syempre gusto ko pag punta dito ang girlfriend ni Seph ko ay magandahan sa bahay. Plus old school na masyado ang furniture sa sala namin pati yung curtains. Gusto kong gawing modern kahit papaano.

“Okay sige. Mag-ayos ka na. May aasikasuhin lang ako sandali sa study tapos umalis na tayo ngayon. Isama na din natin si Tiffany matagal ko na ding hindi nakakasama yang anak natin na yan.”

“Okay honey.” Si Tiffany Dela Costa naman ang nakababatang kapatid ni Andrew.

Umali na si Chard at pumunta sa study niya. Buti naman at aalis kami ngayon, medyo matagal tagal na din kaming hindi nagbonding kasama si Tiffany. Parati kasing inaasikaso ni Chard yung iba pa niyang business.

“Fany! Halika anak. Ayusan ka ni mommy. Aalis tayo ngayon kasama si papa ha? Bibili tayo ng bagong furniture para sa sala natin.”

“Yehey! Okay mommy. Pwede n’yo po ba akong bilhan ng bagong toy? Don’t worry ma, idodonate ko naman yung worn out toys ko para hindi naman po sayang.” Ganyan yang si Fany namin, bawat bagong toy na magkakaroon siya, idodonate niya yung luma niyang laruan.

“WOW! Ma, pa! Ang gaganda ng mga furniture!” Nakangiting sabi ni Fany. Andito kami ngayon sa mall. Ang hirap naman pumili ng magandang ipalit sa luma naming sala set. Ang dami kasing magaganda ngayon.

“Hon, ayun kaya sa tingin mo? Pwede kaya yun?” Yung tinuro ko kay Chard ay isang sala set na may isang malaking paikot na sofa tapos may glass table sa gitna nito. May nakatabi pa na bean bag sa isang gilid.

“Masyado ata ‘yang pang teenager. Ayon na lang kaya kung saan nakaupo si Fany.” Eto namang tinuturo ni Chard ay may L-shaped sofa with a multi colored box side table on one end and a potted plant on the other. May glass center table din siya.

“PERFECT! Okay sige hon yan na din pipiliin ko. Ikaw Fany? Ano ba nagustuhan mo sa mga nakita natin ngayon?”

“Eto din mommy! Papa, eto na po bibilhin natin?” Excited na tanong ni Fany sa papa niya.

“Yes anak. After this would you like to buy a new toy? Your mommy told me na gusto mo daw bumili ng bago?” Sagot naman ni Chard. Kahit ano talaga hilingin netong si Fany sa papa niya siya namang ibibigay ni Chard.

“Okay papa! Yehey! New sala set, new toy, and we get to see kuya’s girlfriend!!!” sigaw ni Fany.

“Hon, mauna na kami sa Toys ‘R’ Us ha?” Panigurado mahaba habang usapan ‘to pag nagbayad siya kaya mauuna na lang kami sa toy store total alam naman ni Chard yun. Plus matagal tagal na makakapili ng laruan si Fany namin.

“Sige. Go ahead. I’ll meet you there. Babayaran ko lang ‘to.”

Richard Dela Costa’s POV

Nauna na yung mag ina sa toy store mabuti na din yun para makapili ng maganda gandang laruan itong si Fany habang inaantay nila ako.

“Excuse me?” Tinawag ko yung isang saleslady para mabili ko na ‘to at sumunod sa mag ina.

“Yes sir?”

“I would like to purchase this set and have it delivered today.”

Mukhang naghesitate ata yung saleslady. Ano naman siguro ang problema. “Uhmm sir this set may cost you 50,000 pesos. Are you sure you want to purchase this? Do you want to talk with one of my associate to explain to you how you can pay this monthly?”

Love From RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon