Right after namin kumain tumambay muna kami doon… Hindi ko pa kaya gumalaw masyado eh. Hahaha. Busog na busog ako!! Sarap nung pancakes.
“Jaden, pwede bang humingi ng pabor sa’yo?” sabi ni Anj. Aba okay ‘to ah. Kita mong nilalasap ko pa pagkabusog ko eh. Hahaha. Hmm.. Ano naman kayang pabor hihingin sakin neto?
“Osige. Ano ba yun?” please sana walang perang involved. Mahirap na, hindi ko pwede galawin yung iniipon ko para sa plano ko. “Pwede bang ikaw ang magpanggap na girlfriend ko?”
“A-ano Anj? Hahaha… Nababaliw ka na ba?” ANO!? GIRLFRIEND NIYA!? Kakayanin ko ba ‘to? Sa lahat pa ng pabor na pwede niyang hingin yun pa. Huhuhu. Pero aaminin ko ha, medyo nakakakilig. Gwapo kaya niya promise guys. “Sige na Jaden. Total kilala ka naman na ni mama. Wala na akong problema dun!”
“Teka nga Anj ha. Pwede hinay-hinay muna. Explain mo muna sa akin kung bakit kailangan mo talaga ng tulong ko, in exchange tutulungan kita in one condition nga lang… Tutulungan mo din ako sa plano ko? Okay?”
“Osige, ganito kasi yun…”
*FLASHBACK*
“Seph! Bilisan mo naman mag-ayos diyan!” Sigaw ni mama sa akin. Ang tagal ko kasi mag-ayos… Ang akala niya. Bwahaha. Sinet-up na naman ako sa babae eh. “Eto na ma! Patapos na ako.”
Lumabas na ako ng kwarto ko. “Ang gwapo mo talaga anak. Seph anak, ayusin mo naman ‘tong date mo na ‘to ha. Pang sampu na naming pag set up sa’yo oh, puro palpak kasi eh. Wala ka ba talaga gusto sa kanila ha?”
“Ma, wala. Bakit ba lagi n’yo na lang ako sineset up? Hindi ba pwedeng ako ang maghanap ng babaeng mamahalin ko at hindi kayo? Tska ma, ang aarte nila, nakakainis kaya. Yung isa wala pang respeto.” Nakakainis naman kasi. Sampu na oh! Sampung babae na ang nakilala ko. Sa loob lang ng dalawang buwan. Hindi sa ayaw ko makipagdate kaso kasi ang problema eh ang aarte ng mga babaeng pinipili nila mama.
"Sorry na anak, nagkamali lang naman si mama doon. Promise itong babaeng 'to hindi siya ganun!" sabi naman ni mama. Hay nako, hindi talaga naiintindihan ni mama.
Oo, magaganda sila, pero yung ugali nila? Hay tanda ko nung huling date ko, may mabagal lang na matanda sa harap namin eh sinigawan ba naman nung babaeng yun yung matanda. Bakit ang bagal daw kasi maglakad. Aba eh matanda na nga eh. Humingi na lang ako ng paumanhin sa matanda at nagpalusot ako doon sa babae na pagod na ako. Hinatid ko na lang siya sa bahay nila at umuwi.
Hindi kasi yun ang gusto ko sa isang babae. Ang gusto ko yung mabait, makulit, maalaga, hindi maarte, active tulad ko at malakas ang trip. Para naman magkasundo kami diba? Yan yung characteristics na gusto ko. Simple lang na babae, hindi yung maaarte, sosyalin at kung anu-ano pa.
“Anak, hay naku, gusto lang naman namin ay yung magiging girlfriend mo ay makilala namin? Masama ba yun?” Aba okay din ‘tong si mama. Tsk tsk tsk.
“Ma, kung yun lang din naman pala, pwede ko naman dalhin yung girlfriend ko dito at ipakilala sa inyo.” Tama naman sinabi ko diba? ;)
“Bakit kuya!? May girlfriend ka na ba?” Sumingit naman ‘tong babae kong kapatid. “Oo nga Andrew, meron ka na bang napupusuan at parati mo na lang gusting tanggihan ang mga set up ng nanay mo?” Nag second the motion pa si papa.
Wait a minute!! Si papa talaga nabigyan ako ng idea! Wahaha. Sabihin ko na lang na meron nga. Hindi naman siguro mahirap makahanap ng babae na pwedeng maging girlfriend ko diba? Sa gwapo kong ‘to?
“Oo pa. Ayaw ko lang muna sabihin kasi baka kung ano ang sabihin niyo sa akin.”
“ANAK! What great news! When can we meet her huh?” Eto namang si mama makangiti wagas wagasan. Akala mo siya yung may karelasyon eh. Excited makita eh wala pa nga. =_=
BINABASA MO ANG
Love From Revenge
Novela JuvenilItong story na 'to umiikot sa isang babae na gustong maghiganti sa taong sumira sa pagkakaibigan nila. Habang pinaplano ni Jaden Claire ang kanyang plano para maghiganti, may makikilala siyang lalaki. Si Anj, siya na kaya ang magpapalambot sa puso n...