Four

1.2K 28 12
                                    

Four

Dumaan ang mga araw na unti-unti na kaming nagiging malapit sa isa't isa ng future husband ko. Pero syempre hindi niya pa alam ang future ko para sa aming dalawa. Konting landi pa. De, joke. Konting pakikipaglapit pa, baka makumbinsi rin siyang kami talaga ang para sa isa't isa.

Nasa canteen kami ngayon. Lunch time kasi. Palagi na kaming nagsasabay mag-lunch nitong mga huling araw kasama si Sir Andrew.

And speaking of  Sir Andrew, ewan ko pero parang biglang lumala ang pagiging tahimik niya. Parang lumalala rin ang pagiging suplado niya. O baka ako lang ang nakakapansin?

I remembered he was such a gentleman with me before. He even liked to talk to me every lunch break. Pero ngayon, umaalis na lang siya bigla 'pag kumakain kami sa canteen. Hindi na rin niya ako kinikibo, not that palagi niya akong kinakausap since hindi naman talaga siya mahilig makipag-usap sa mga tao bukod sa mga estudyante niya. There's just... something different.

"Ma'am Angeline."

And that very manly voice broke my line of thought. A perfect voice for a perfect face with a perfect profession. I sigh. What a perfect man for a perfect woman. At hindi ko na siguro kailangang sabihin kung sino ang perfect woman na tinutukoy ko. Hindi na kailangan.

Pero ang problema, hindi niya pa rin tinatanggal ang pagtawag sa akin ng ma'am. That has to change. Pag naging kami na, ayokong tawagin niya pa rin akong ma'am. Awkward.

Itinaas ko ang ulo ko mula sa kinakain ko para salubungin ang mga magagandang mata ng future hubby ko. "Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa'yo na wag mo na akong tawaging ma'am, Doc Trevor?"

"Yeah. Like that is going to happen. I respect you too much to drop the ma'am, Ma'am Angeline." He said, teasing me.

I laughed. I really, really like him. "Babaan mo na lang ng konti ang respeto mo sa akin, Doc Trevor. I'd really prefer it if you'd just call me Angeline. Kahit outside work lang."

He smiled. Lumabas tuloy ang dimples niya sa magkabilang pisngi. "Angeline, it is." I smiled at him. "Outside work," he added.

I grinned.

He grinned.

We grinned at each other.

We stared at each other for...

1

2

3 seconds.

He cleared his throat. At ibinaba ang tingin pero nakangiti pa rin.

Shet. Sayang. Gusto ko pang magtagal ang titigan na yun. Pero mabuti na rin at tinapos niya ang sandali. Baka isang segundo pang nagtagal ang titigan, napatili na ako sa sobrang kilig. And that would be a crazy thing for a teacher to do. Sa canteen pa.

Itinaas uli ni future hubby ang ulo niya, still smiling, "Anyway, um..."

Uy, feeling awkward siya. May effect ako sa kanya.

"Nasaan nga pala si Sir Andrew?" pagpapatuloy niya sa sasabihin niya kanina. Pero pakiramdam ko para may maitanong lang kaya niya naitanong yan. Para mawala ang pagkailang sa hangin.

I shrugged. "Niyaya ko siya kanina pero busog pa raw siya." I answered. "Tayong dalawa na lang daw. Ewan ko dun." At nagpatuloy sa pagkain.

Sa totoo lang, medyo nagpapasalamat ako at wala si Andrew ngayon. 'Pag kasama kasi namin siya, tahimik lang kaming kumakain. Parang nakakahiyang mag-ingay sa presensya niya. Paano ako ngayon mapapalapit sa mapapangasawa ko kung ganun lagi ang set-up. Mabuti nga at wala siya ngayon. One step closer na ako. I finally convinced my future hubby to call me by my given name na walang kalakip na ma'am.

"Is Sir Andrew mad at me or something?" tanong ni Doc Trevor, na nagpalingon sa akin sa kanya.

"Huh? Bakit naman siya magagalit sa'yo?"

"I don't know."

"Oh. Don't worry about it. Ganun lang talaga si Sir Andrew. Tahimik at mukhang suplado," sagot ko sa kanya.

"Parang ano lang..." he started to say.

"Parang ano?" I ask.

He looked at me. Ilang segundo rin yun pagkatapos nagkibit-balikat lang siya at sinabing, "Never mind."

Nagkibit-balikat na lang din ako.

Not long after that, tumunog ang bell na senyales nang magsisilula na ang klaseng pang-hapon. Tumayo si Trevor at pumunta sa likod ko bago ako tuluyang makatayo.

Wow. Gentleman.

Napangiti ako sa ginawa niya. Yung ngiting malapad. Nilingon ko siya para magpasalamat. Pero sa paglingon ko, nahagip ng mga mata ko si Andrew sa may pintuan ng canteen. Nakakunot ang noo sa amin ni Doc Trevor.

Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya, bigla na lang siyang tumalikod at umalis.

Napakunot din tuloy ang noo ko, Anong nangyari dun?

Napansin siguro ng future hubby ko ang pangungunot ng ulo ko kaya nagtanong, "Bakit? Anong problema?"

I smiled. "Wala naman. Nakita ko lang si Sir Andrew sa may pintuan ngayon lang. Kakain ata pero biglang umalis." I shrugged. "Baka may nakalimutan. Salamat nga pala." I said, changing the subject. "You're such a gentleman, Doc."

He chuckled. "You want me to call you by your given name pero Doc pa rin ang tawag mo sa akin. I don 't think that's fair."

Oh, my god.

Two steps closer na ba agad ako?

He looked at me. "Well? Angeline?" he teased.

Feeling ko namula ako sa pagtawag niya sa akin sa pangalan ko. I cleared my throat. "Well, uh, yeah, sure," sagot ko.

Pero nakatayo lang siya na tila may hinihintay pang marinig.

"Trevor." I said. Finally dropping the Doc.

He smiled.

And the world is perfect.

Everything is going on perfectly in my life right now. My friends, my family, my profession, and, the highlight of all, my love life.


I CANNOT WAIT TO SEE WHAT'S GOING TO HAPPEN NEXT.

My Future Husband Is A DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon