Five

1.1K 24 8
                                    

Five

Abala ang lahat ng guro dahil patapos na ang second grading. Maraming papel ng mga estudyante ang nakapatong sa mga mesa ng mga guro sa lahat ng department. Lalo na sa mesa ko. Nakakalat ang mga requirements and projects ng mga estudyante ko, pati mga exam papers nitong grading na ito. Kailangan ko nang i-finalize ang lahat ng ito para makapagbigay na ng grades para sa second grading.

Ngayon ko na kasi balak tapusin ang lahat nang dapat tapusin para libre na ang oras ko sa susunod na linggo. May mga balak na ako para sa amin ng future hubby ko. I'd clear my schedule for my date plans with him. Pero di pa alam ng future hubby ko ang plano ko para sa aming dalawa. Hindi ko pa talaga siya naaaya. Hindi ko alam kung paano.

Ako pa rin naman ang babae. Kahit pa pakiramdam ko may intindihan na kaming dalawa, it would be awkward to ask him so I have to think of a way for him to ask me first.

"Ma'am Angeline?" narinig kong tawag sa akin ng isang teacher na kasama ko sa English department na nagputol sa linya ng pag-iisip ko. Napalingon ako sa kanya. "Mauna na ako sa'yo, ha," the older teacher said.

Napatingin ako sa orasan sa sinabi ni Ma'am Abella. Alas otso na pala. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Kami na lang pala ang naiiwang teachers sa loob ng department. "Okay lang, ma'am. Ingat," sagot ko sa kanya nang nakangiti.

"Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi? Late na ah," tanong ng nakatatandang guro.

"Hindi pa po. Tatapusin ko po 'to ngayong gabi."

"Ganun ba? O, siya, sige. Sana walang multong magparamdam ngayong gabi," Ma'am Abella said in a teasing voice.

"Ma'am, naman," sagot ko na rin sa tonong nakikibiro sa nakakatandang guro.

I never believed in ghosts. At hindi rin ako matatakutin. Pero may matagal ng tsismis ang umiikot sa paaralang ito na marami rawng multong gumagala-gala sa mga classrooms. At nitong huli lang, may isang guro na pinamamalitang may white lady raw siyang nakita sa isa sa mga comfort rooms ng paaralan.

I don't believe such things existed. But I did have a personal experience of creepiness ten years ago so I couldn't help thinking of the possibility of a white lady showing up in front of me.

I shook my head.

No. Of course, white ladies don't exist. They can't. There is no logical reason for them to.

At hindi ko talaga maintindihan bakit nakaputi sila. I get that they are called white ladies because they are wearing white showing up to people and all. Pero nung namatay ba ang mga white ladies, nakaputi rin? Di ba ganyan daw ang mga kaluluwa? Kung ano ang huling isinuot mo nung namatay ka, yun din ang suot mo pag naging kaluluwa na? 

Sobrang dami naman ata ng mga white ladies na 'yan na namatay nang nakaputi. Paano yun? Plinano nilang lahat na mamatay nang nakaputi maging white lady lang? Kina-career? At bakit tinatawag ang mga multo na gumagala-galang kaluluwa? Ano yan, naglalakwatsa lang? Shopping? Dora the Explorer?

I sighed.

I just don't buy these things.

And I couldn't afford thinking of white ladies right now. I needed to finish these paperworks tonight. I have to. This is for my future (love life).

Mga tatlumpung minuto na ang lumipas nang makaalis si Ma'am Abella at abala na ako sa harap ng kompyuter nang biglang may kumatok galing sa labas ng pinto ng English department.

"Ay shet!" Napasigaw ako sa gulat. Tahimik na kasi ang buong paligid.

Hindi tumigil ang mahinang katok.

My Future Husband Is A DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon