Two

1.7K 43 12
                                    

Two

Isang linggo na rin ang lumipas nang mangyari ang insidenteng iyon sa mall. Sumasagi pa rin sa isip ko ang napakagwapong lalaking doktor na yun.

Sino ba ang makakalimot agad sa mukhang kagaya nung sa kanya? Pinagpapantasyahan ko ang mukhang yun na maging asawa sa hinaharap. But that was all there was to it. A fantasy.

A fantasy waiting to be fulfilled. I smiled to myself at the thought.

I knew I was being stupid for wishing him to be my future husband when I really hadn’t known him that much. And I so doubted we’ll see each other again. Our meeting was so short and it was nothing to him but simply doing his job. And was nothing to me but meeting a handsome doctor in an unexpected time and place.

It was anything but romantic.

Kung nag-usap man kami nang malapitan, puro tungkol naman sa kalusugan ang laman ng pag-uusap na iyon. Ni hindi ko nalaman ang pangalan niya. Ni hindi ko nalaman kung may girlfriend na siya. Ni wala akong nalamang isang bagay sa kanya maliban sa kaisipang isa siyang doktor.

A doctor. The thought thrilled me. My future husband is a doctor. I was starting to like the idea if he’s that doctor the creepy old lady talked about.

Katatapos ko lang sa isang klase ko at papunta na sa room ng susunod kong klase nang mapalingon ako sa isang room. Nakita ko si Andrew. He’s lecturing. I paused from walking and watched him teach. This was just one of those days when watching him made me feel relaxed and calm.

The thought that he loves to teach, and is serious about it, is very admirable. And inspiring, for a teacher like me.

May isinulat siya sa blackboard. May itinanong siguro siya dahil may mga estudyanteng nagsitaasan ng kamay. May tinawag siya at pumunta sa harap ng board. He’s a math teacher, though I knew he can teach any subject. He’s that intelligent.

Siguro tama ang isinagot ng estudyante niya dahil nginitian niya ‘to.

That one is rare. I mean his smile. Sa panonood ko sa kanyang magturo pag may oras ako tulad ngayon, napapansin kong sa mga ganitong pagkakataon lang siya ngumingiti. Pag nagkakasama naman kami every lunch break, he does not smile a lot. Ngumingiti naman siya pero hindi abot sa mata o kung umaabot man, minsan lang talaga nangyayari. Hindi rin siya palasalita, which I found ironic. Teacher siya, and teachers talk all the time.

Pero mukhang naka-reserve na ang mga salita niya sa mga estudyante niya. Oh well, buhay niya naman ‘yan. At wala naman akong maipipintas sa pagtuturo niya. He’s great with what he’s doing. Very dedicated.

Napansin ko namang bigla ang pagkawala ng ngiti niya. Sayang naman. Ang gwapo-gwapo pa naman niya pag nakangiti, sa isip ko.

May nilapitan siyang estudyante na namimilipit. Nakita ko na ngayon ang pag-aalala sa mukha niya.

Mabilis din naman akong pumasok sa room nila. “Anong nangyari?” tanong ko.

“Miss Dela Cruz, si Marie po masakit ang tyan!” one of the students informed me. At parang excited pa siya sa nangyayari. I wanted to shake my head. Kids nowadays, really.

Narinig kong kinakausap ni Andrew ang estudyante. His voice warm. His touch to the girl’s forehead caring. At nang mas lalong namilipit ang estudyante, siya na mismo ang kumarga rito.

Naguluhan ako sa nangyayari. “Saan mo siya dadalhin?” tanong ko. At ang tanga ko. I wanted to curse myself then for asking. Because the moment the question went out from my mouth, I already knew the answer.

“Sa clinic,” matipid niyang sagot at nilagpasan ako na karga-karga ang estudyante.

Naiwan naman akong nakatayo sa gitna ng room nila. I decided to follow them pero tinawag ko muna ang presidente ng klase nila para palistahin ng mga mag-iingay habang wala si Andrew. To maintain order while the cat is away.

Pagdating ko sa clinic, nakahiga na ang estudyante at nakapikit. Hindi tulog pero nakapikit. Probably trying to ease the pain she’s feeling by closing her eyes.

Lumingon ako kay Andrew. Nakatayo siya sa isang sulok at kausap ang doktor sa clinic na sintangkad niya. Nakahaharap sa direksyon ko si Andrew, nakatalikod naman sa akin ang doktor. Seryoso ang mukha ni Andrew na tumatango sa sinasabi ng doktor sa kanya. Na para bang mamamatay na ang bata sa seryoso ng mukha niya. Binalik ko ang atensyon sa bata.

Feeling ko naman gutom lang ang nararamdaman niya kaya sumakit ang tiyan. Uso na sa mga bata ngayon and di nag-aalmusal dahil takot ma-late sa klase. Maaaring simula na ng Ulcer ang nararamdaman niya.

“Salamat, Doc.” Narinig kong sabi ni Andrew. Parang yung programa ng ABS-CBN lang. Lumingon ulit ako sa kanila at nakita kong tinanguan lang siya ng doktor at lumapit sa isang cabinet at may kinuha.

Lumapit naman sa akin si Andrew. “Kumusta raw ang bata?” tanong ko sa kanya.

Sinagot niya ako at tama nga ang assumption ko. Sumakit ang tyan ng estudyante niya dahil malimit lang mag-almusal at late pa kung mag-lunch. Dapat lang daw kumain ng tama sa oras at inumin yung gamot na irereseta ng doktor.

“Salamat nga pala sa pag-aalala, Ma’am,” si Andrew.

Nginitian ko lang siya. Hindi ko na siguro kailangang sabihing, that’s what friends are for. At pakiramdam ko wala naman talaga akong ginawa.

Napatingin naman ako sa doktor sa likuran niya na nakaharap pa rin sa cabinet.

“He’s a good doctor,” Andrew said to me out of the blue.

I looked back at him. “He is? Akala ko ba ayaw ng ibang teachers dito sa kanya dahil incompetent siya?” Yan ang naririnig kong mga bali-balita pagsimula ko sa paaralang ito.

“Bago siya.” Yun lang ang nasabi niya at duda rin ako kung may sasabihin pa siya kahit di siya tinawag ng doktor.

“Sir Montero,” tawag nito sa kanya.

Sabay kaming napalingon ni Andrew sa doktor.

And shet (at kailangan ko na talagang itigil ang pagmumura ko, hindi ito isang magandang impluwensya sa mga bata lalo’t teacher ako)…

Siya yun.

Ang doktor na nakilala ko sa mall. Ang doktor na nag-measure sa waistline ko. Ang doktor na gwapo.

And the doctor…



THE DOCTOR I WISHED TO BE MY FUTURE HUSBAND.

My Future Husband Is A DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon