Chapter 2

3.5K 64 6
                                    

SEARCHING FOR MR. RIGHT

written by: Lorna Tulisana

Napabalikwas mula sa pagkakahimbing si Sheiica dahil sa pamilyar na ingay na bagama't tuwing umaga na niyang naririnig ay hindi pa rin siya nasasanay.

" Kung nakakasunog lang ang sikat ng araw,kanina ka pa natupok d'yan! ".

Lalong nilakasan ni Lola Beba ang paghampas ng sandok nito sa takip ng kaserola. Kung maiksi lang ang pasensiya niya sa apo,hahayaan niyang uminit ang katawan nito sa higaan. Pero,kung hindi niya ito bubulabugin araw-araw,wala itong mararating sa buhay.

Sadyang mahal lamang niya ito kaya napagtitiisan pa rin niya ang katamaran nito at pagiging iresponsable.

Maglalabing-walong taon na ito,ngunit hindi pa rin nakakapagtapos ng sekondarya dahil sa pagiging bulakbol na kahit oras-oras niyang litanyahan ng pangaral at sermon ay wala din namang nangyayari.

" Lola,Sabado po ngayon! ", muling itong pabagsak na nahiga sa papag at itinakip ang unan sa mukha.

Natigilan naman ang matanda sa narinig. Sandali itong napaisip ng malalim.

Nakalimutan na ba niya ang araw?

Mabilis na dinampot ni Lola Beba ang salamin nito sa mata na nakapatong sa tabi ng altar at tinungo ang kalendaryong nakasabit sa dingding. Sinipat nitong mabuti ang araw at ang bawat numero.

LUNES-naghatid siya ng labahin kay Misis Alcantara.

MARTES-nagpagiling siya ng malagkit sa kabilang bayan para sa paggawa niya ng kakanin.

MIYERKULES-naglako siya ng paninda.

HUWEBES-araw ng kanyang pahinga at boluntaryo siyang naglilinis sa maliit nilang kapilya.

BIYERNES....BIYERNES.....BIYERNES.....

Hinahagilap ng matanda sa utak kung nagawa na ba niya ang pamamalantsa ng mga nilabhang damit ng pamilya Armante?

Napasulyap ito sa tambak na mga damit na nasa maliit nilang sala.

" Good morning,Lola! ".

Napapitlag ang matanda sa biglang paglabas ni Sheiica na nakasuot na ng fatigue uniform kung saan tuwing biyernes ay araw ng ROTC nito.

" Dyasking,bata ka! ".

" Ano ba ang meron sa araw na ito at napakaganda yata ng aura mo,Lola? ".

Biglang nalusaw ang galit sa dibdib ng matanda. Napasapo ito sa buhok at pasimpleng hinawi ang ilang hibla na tumatabing sa kulubot nitong mukha.

" May manliligaw ka sa bayan, 'no? ", pambubuska ng dalaga na sinabayan pa ng pagsundot sa tagiliran ng abuwela.

" Tumigil ka nga! ", nakikiliti at nangingiting saway ng matanda, " Kung anu-anong naiisip mong bata ka! Bilisan mo at mahuhuli ka na sa klase! ".

Mahigpit na niyakap ni Sheiica ang matanda at ginawaran ito ng halik sa magkabilang pisngi, " Ikaw talaga ang pinaka-the best ever na lola sa buong mundo! ".

" Tama na ang pambobola mo! Larga na! Mag-iingat ka sa daan! ".

" Ingat ka din,Lola! ".

" O,ang baon mo! Baka makalimutan mo! ".

Dinampot ng dalaga ang nakahanda nang isang supot na nakapatong sa mesa at muli itong nagpaalam sa matanda.

Hatid-tanaw ni Lola Beba ang pag-angkas ng apo sa bisikleta nito.

" Bye,Lola! ".

" Mag-iingat ka! ".

" Sila ang mag-iingat sa akin! ".

SEARCHING FOR MR.RIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon