SEARCHING FOR MR. RIGHT
written by: Lorna Tulisana
" So,how's your first week? "
Napaangat ng mukha si Jamuel mula sa tahimik na pagkain at tumingin sa kapatid na nasa kabilang dulo ng mesa, " Okay lang,Kuya! "
" Ervien! ", may tigas sa tinig nito sa naging pagtutuwid.
Napayuko si Jamuel at ibinalik ang atensyon sa pagkain, " Okay lang,E-ervien! ".
" How do you find public school? ", iniwasan nitong maging sarkastiko ang tinig.
He won't waste money to send him in an exclusive or private school. Tama lang dito na maranasan ang mabalewala katulad ng ginawa sa kanya ng ina. He wanted him to suffer katulad ng ipinaranas sa kanya ng ina ng iwan sila nito at ipalit sa iba.
" Great! "
Namula ang mukha ni Ervien dahil sa hindi inaasahang sagot. Ang buong akala niya ay uulanin siya nito ng reklamo at tanong. Nagkamali siya.
Sa pagkakatitig niya dito ay mababasa niya sa mga mata nito ang tila kasiyahan. Hindi man lang ito kababakasan ng pagsisisi.
Itinago ng binata ang pagkapahiya sa sarili, " Kaya pala sa buong isang linggo mo,tatlong beses ka lang pumasok! "
Natigil sa pagsubo si Jamuel. Bigla itong kinabahan. Hindi siya dapat magbigay ng rason sa kapatid para paalisin siya nito sa poder at ibalik sa Canada. Wala na siyang babalikan doon.
" Sinabi sa akin ni Manang Edna na maaga kang umuuwi! Bakit? ".
Nakahinga ng maluwang si Jamuel. Sana ay hindi makarating dito ang ginagawa niyang pagtakas sa klase para makapamasyal kasama ni Sheiica. Sa susunod ay gabi na siyang uuwi para hindi mahalata ng mga kasama sa bahay.
" I'm not feeling well this past few days. " May katotohanan man,ngunit hindi ito ang dahilan. " I think it's the climate! Naninibago pa ako, "dagdag pagsisinungaling nito.
Nakaramdam naman ng kaunting habag si Ervien. Pero,hindi niya ito kailangang ipakita sa kapatid, " I'm warning you. Sa oras na bigyan mo ako ng kahihiyan sa eskuwelahan o sakit sa ulo,i'll send you back straight to Toronto! "
Marahan lang ang naging pagtango ng binata, " How many days you'll stay here? "
" Bakit? " matabang nitong tanong.
" Can you have time to take me around the place? Mamasyal tayo! Sabi ni Mommy mahilig ka......".
Malakas na napahampas sa mesa si Ervien dahilan upang mapapitlag ang kapatid maging ang dalawang katulong na nasa likuran. " How many times i told you not to mention that woman in front of me?! Lalong-lalo na sa loob mismo ng pamamahay ko! "
" I--i'm.....I'm sorry! ".
Pabagsak na inilapag ni Ervien ang kubyertos at tumayo, " Manang Edna,pakidalhan ako ng tsaa sa kuwarto. I lost my appetite! ", pinukol nito ng matalim na tingin ang kapatid na lalong napayuko.
Hindi inalis ni Jamuel ang tingin sa pagkakatitig sa platong nasa harap. Pinigil ang sarili sa nagbabantang emosyon.
Hindi siya dapat agad sumuko. Batid niya ang galit ng kapatid sa kanilang ina. At napaalalahanan na siya tungkol dito.
Kailangan lang niyang magtiis kung ang magiging kapalit nito ay ang pagtanggap sa kanya ng kapatid balang-araw.
Sana!
Napaigtad ang binata ng maramdaman nito ang pagtigas ng magkabilang hita. Napapikit ito. Napakagat ng labi sa pagdaloy ng matinding sakit na tila pumupunit sa kanyang kalamnan at sumasagad sa kaibuturan ng mga buto.
BINABASA MO ANG
SEARCHING FOR MR.RIGHT
HumorAno ba ang handa mong gawin para sa pag-ibig? Magagawa mo bang talikuran ang iyong minamahal para sa kaligayahan ng iba? Si Elvien.... A very well-known and one of the country's youngest entrepreneur. A very responsible young man. No time for leisur...