Chapter 3

2.9K 56 2
                                    

SEARCHING FOR MR. RIGHT

written by: Lorna Tulisana

" Mang Nando! ".

" O,Sheiica! Nahuli ka yata ngayon? Akala ko,hindi ka na darating! ".

" Nasira po kasi ang bisikleta ko kaya naglakad lang ako! ".

Binuksan ni Mang Nando ang malapad at malaking gate, " Pasok ka na! ".

Inabot ni Sheiica sa matanda ang dala nitong lambanog at isang kaha ng sigarilyo.

" Baka ito na ang huling beses na matitikman ko ang lambanog mo! ", may lungkot sa tinig nito.

" Ho? Bakit? May problema po ba? ".

" May nakabili na nitong bahay! ".

" Hah?! Teka! 'Di ba po sabi ko sainyo na ako ang bibili nito! ".

Napatitig si Mang Nando sa dalaga, " Naku,iha! Ang halaga nitong bahay,sampung bilyon! Baka namatay na ako at nabulok na ang katawan ko,wala ka pa rin kahit sampung libo! ".

Napatingin si Sheiica sa tatlong palapag na bahay. Kahit pitong taon nang walang naninirahan dito ay hindi mababakas dito ang kalumaan dahil alagang-alaga ito ng matandang katiwala.

Isa itong European Style na may magarang asotea bawat palapag. Habang sa harapan ng pangunahing entrada ay naroon naman ang isang malaking beranda.

Malawak ang harden na nakapaligid dito na puno rin ng iba't ibang halaman at bulaklak.

Tuwing araw ng Sabado ay dito siya nagpapalipas ng oras. Ito ang kanyang PALASYO. Ang pangarap sana niyang maging tahanan nila ng kanyang lola.

" Bukas ay lilipat na dito ang mga may-ari kaya baka hindi na kita papasukin dahil alam mo naman ang mga mayayaman,sigurista sa kanilang kaligtasan at ari-arian! ".

Marahan lang tumango ang dalaga.

" Sige na! Pumasok ka na! ".

Mabibigat ang mga hakbang ni Sheiica habang tinatahak nito ang direksyon ng bahay. Huminto ito sa tapat ng entrada. Ninamnam ang huling pagkakataon na makakatapak siya dito.

Wala pa nga ang kanyang prinsepe,mawawalan na agad siya ng palasyo.

-------

" Sis! ".

Hindi man lang nilingon ni Sheiica ang pagtawag ng kaibigan. Isinandal nito ang bisikleta at matamlay na naglakad patungo sa silid-aralan.

" Hoy! ", sabay tapik ni Anne sa braso ng kaibigan.

" Bakit ba? ", asik nito.

" Aba! Masama yata ang gising mo ngayon? Bakit hindi ka pumunta kahapon sa bahay? Sayang,nagluto pa naman si Nana ng ginataang tilapia! ".

Hindi umimik ang dalaga. Tuwing araw ng linggo ay nasa bahay siya ng kaibigan,pero wala siyang ganang lumabas ng bahay kahapon. Sa halip ay tinulungan na lamang niya ang kanyang lola sa pagbabalot ng mga kakanin na ikinatuwa naman ng matanda.

" Masama ba ang pakiramdam mo? ".

" May bago ng may-ari ang Palasyo! ", malungkot nitong balita.

" Ha? Sayang naman! 'Di bale,sis,may maganda naman akong balita sa'yo! ", nasisiyahang wika ni Anne.

Napahinto sa paghakbang ang dalaga. Hinarap ang kaibigan, " Ano? ".

" Nahanap ko na sa wakas ang magiging Mr. Right mo! ", napatili pa ito.

" Saang kanto mo na naman ng mga bara-barangay natagpuan? ".

" Medyo may kalayuan! ", nakangiti nitong tugon, " Amoy imported! ".

SEARCHING FOR MR.RIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon