Chapter 11

2.2K 47 0
                                    

SEARCHING FOR MR.RIGHT

written by: Lorna Tulisana

Gumuhit sa mukha ni Sheiica ang kakaibang kasiyahan ng marating nito ang burol. Tama lang ang kanyang pagdating sa papalubog na araw kung saan tanaw niya ang mala-ginto silahis na lalong nagbigay sa kanya ng ibayong kaligayahan at pag-asa.

Napangiti ang dalaga ng makita nito ang nakalatag na tela sa damuhan kung saan naroon ang isang 'di kalakihang picnic basket. Mukhang pinaghandaan nga ni Ervien ang araw na iyon. Siguro ay gustong gawing espesyal ng binata ang pagtatapat ng pag-ibig sa kanya.

Muli na namang nakaramdam ng kilig si Sheiica. Halos hindi na siya nakatulog sa pag-iisip para sa araw na iyon. Matutuldukan na nga yata ang SEARCHING FOR MR. RIGHT nila ng kaibigang si Anne. Magkaroon na kaya ng tugon ang panunuyo niya kay Ervien? Sana may dala na itong singsing para isang pasada na lang. Bakit kailangan pang patagalin kung pareho naman sila ng nararamdaman? At hindi na nito maitatanggi pa sa kanya ang katotohanan na mahal rin siya nito sa naging pagtugon nito sa halik niya kahapon.

Napansin ng dalaga ang paglantad ng isang paa mula sa likuran ng malapad na katawan ng punongkahoy na madalas nilang tambayan ni Jamuel. Sa tingin niya ay nakasandal ito habang nakatanaw sa papalubog na araw at kanina pa hinihintay ang kanyang pagdating. Ang suwerte nga naman!

Hindi na pinatagal pa ni Sheiica ang pag-usad ng minuto na sinasayang niya sa pagtayo lang. She feel the intense and excitement habang tinungo ang kinaroroonan ng binata. Ang nais ng dalaga ay gulatin niya ito. Ngunit,siya ang nagulat sa nabungaran. " Jamuel?! "

" Hi,Sheii! Mabuti at dumating ka na, " magiliw na pagbati nito. " How are you? "

" Anong ginagawa mo dito? " Nakaramdam ng pagtaas ng dugo ang dalaga. Ang kaninang kasiyahan nito ay napalitan ng galit.

" Pinapunta ako dito ni Kuya! Sinabi mo raw sa kanya na magkikita tayo! I'm so happy to be with again,Sheii! I really missed you! "

" Nasaan siya? "

" Sa bahay! Bakit? " Aninag ni Jamuel sa mukha ng kaharap ang biglang pagbabago ng emosyon nito.

Mabilis nang tumalikod si Sheiica.

" Wait! " Tumayo ang binata at agad na sinundan ang kaibigan. " Sheii,where are you going? Sheii? "

Huminto sa paghakbang ang dalaga at nilingon si Jamuel. Pinukol niya ito ng matalim na tingin. " Huwag kang susunod! Uupakan kita! " Itinaas pa nito ang kamao sa binitiwang pagbabanta.

Natigilan si Jamuel. Hatid-tanaw na lamang nito ang pag-angkas ng dalaga sa bisikleta at paglayo. Nagsinungaling sa kanya ang kapatid. Batid niyang hindi siya ang inaasahan ni Sheiica na makikita sa burol kundi si Ervien.

-------

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Ervien ng marating ang sala kung saan ayon sa katulong ay naghihintay sa kanya si Sheiica na ipinagtaka niya dahil dapat kasama nito ang kapatid sa burol.

" Ano ang gusto mong palabasin? Gusto mong magmukha akong tanga? Pinapunta mo ako sa burol na iba ang dadatnan kong naghihintay sa akin! "

" Y-you misunderstood it, " panimula ng binata na hindi alam kung paano ipapaliwanang dito ang kanyang intensyon. " Sinabi ko sa'yo na pumunta ka sa burol,pero hindi ko sinabing ako ang magiging kasama mo! "

Lumagapak uli ang malakas na sampal sa pisngi ni Ervien na tinanggap lamang nito. He deserve it.

" Porke't alam mo na mahal kita kaya okay lang sa'yo na saktan mo ako ng ganito? " Pinigil nito ang pagbagsak ng mga luha dahil ayaw niyang lalong magmukhang tanga sa harap ng binata.

" I'm so sorry. I don't want to,believe me! "

Marahas na itinulak ni Sheiica ang binata at mabilis nang tumalikod.

" Mahal din kita! "

Napatigil sa paghakbang ang dalaga.

" Mahal kita,pero mahal ka rin ni Jamuel. "

Nilingon ni Sheiica ang binata at sinalubong ang mga mata nito, " Bakit kailangan mo akong ipagtulakan sa taong hindi ko mahal? "

" D-dahil kailangan ka niya, " napayuko ito.

" At ikaw? Hindi mo ako kailangan? Gan'un ba 'yon,Ervien? "

" Mas kailangan ka niya. May sakit siya,Sheii. Bone Cancer. "

Napipilan ang dalaga.

" The Bone Marrow Transplant could no longer saved him. It was acute already when they found the right Marrow Donor. Dalawang buwan na lang ang natitira sa anim na buwang ibinigay na taning sa kanya, " he could still the pain of knowing na malapit ng mawala sa kanya ang kapatid. And he'll do anything para makabawi siya sa naging pagtrato niya dito. He wanted to be a good brother.

" At ano ang gusto mong gawin ko,Ervien? "

" Mahal ka niya. Pasayahin mo sana ang mga huling araw niya dito. "

" Gusto mong magkunwari ako? "

" Alam ko na naging espesyal din siya sa'yo. "

" Oo,bilang kaibigan. "

" Then,do what i want...para na lang sa pagkakaibigan ninyo. "

" Anong kapalit? "

" You can have me as long as you want. 'Yon naman ang gusto mo,'di ba? "

Sumilay sa labi ng dalaga ang mapait na ngiti. She was totally hurt. Nagkamali pala siya ng inaakala.

" Please? Let him... "

Halos takbuhin ni Sheiica ang kinatatayuan ng binata at pinutol ang iba pa nitong sasabihin ng lumipad ang kamao niya sa mukha nito.

SEARCHING FOR MR.RIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon