Outbox (ONE-SHOT)

628 17 2
                                    

Outbox ©

'A ONESHOT Story'

Written by: Seydeefied 2014

---

Minsan sa pag-ibig, ay nagkakaroon ang isang tao ng pangamba, takot, pagkaduwag, dahil minsan ay ayaw mo lang talagang...

Umasa...

Magpaka-tanga...

Masaktan...

At Mabigo...

Minsan ang mga salita o mensahe na gusto mong ipahiwatig sa taong lihim na minamahal, ay nananatiling nakatago, maliban na lang kung makakahalata, o malaman niya.

Sa oras naman kung saan naipon mo na ang lahat ng tapang sa iyong katawan ay tsaka naman magiging huli na ang lahat, at naunahan ka na pala.

Pero...

Paano kung ang mga mensaheng ito ay hindi pala talaga nakatakda para sa taong iyon? Na magiging daan lang ito para makita mo ang mga taong nararapat at nakatadhana para sa'yo...

Ito ang kwento ng OUTBOX.

Kwento na nagsimula sa Sending...

Sending Cancelled.

At nagtapos sa Saved to Outbox.

Ngunit, sa bawat pagtatapos ay may nakaambang simula.

~~~

Isinara na ng dalaga ang kanyang notebook, tanda ng pagtapos ng kanyang takdang aralin. Hinawi niya papunta sa likod ang kanyang buhok at nagunat-unat. Tumingin siya sa kanyang cellphone para tignan kung anong oras at nakitang may text na nanggaling sa bestfriend niyang si Mikael.

'Ano nanaman kaya kailangan ng isang 'to?' Inisip niya sa sarili kung anong laman ng mensaheng galing kay Mikael at nagkukunwari pa siyang hindi interesado, pero sa kaloob-looban naman niya'y kanina pa niya hinihintay itong mag-text sa kanya.

"Oi, Anong sagot mo" Laman ng mensahe. 'Sagot ko naman saan? Tinatanong na ba niya akong maging girlfriend niya sa wakas? Nahalata na ba niya ako? Nako pa'no kung mag-iba yung tingin niya sakin?! Anong gagawin ko?!' Hindi pa man siya nakakapag-reply ay may kasunod na text na agad si Mikael. Agad-agad naman niyang tinignan ang nilalaman nito.

"Sa No.6, yun na lang kulang ko eh, Na-send ko agad yung kanina sorry. Hehe." Agad naman siyang nanlumo, dahil muli nanaman niyang binigyan ng madaming kulay ang mensaheng putol ni Mikael. Pinatay niya ang lampshade na nasa Computer table niya at dumiretsong humiga sa kama. Nag-simula siyang mag-reply sa text ng kaibigan.

"Bukas na lang Kael, patulog na ako eh, at tsaka para makopya mo din yung solution." Reply nito sa kanya. Mabilis namang nakasagot si Mikael sa kanya.

"Talaga Eileen?! Salamat ha! Da Best ka talaga! I Love You Talaga!" Di maitago ni Eileen ang kilig na naidulot ng huling parte ng mensahe ni Kael, ngunit gumana muli an kanyang mapang-pigil na isipan na nagsasabing, baka nagkamali nanaman siya, at baka dala lang ito ng may kailangan sa kanya si Kael, at muli nanaman siyang nagpa-uto, pero para sa kanya ay wala lang iyon kung para sa pinakamamahal naman niya iyon.

Hindi nga siya nagkamali at agad nga nanamang putol ang mensahe ni Kael sa kanya, Hindi niya ito namalayan at muntik nang makapag-send ng 'I Love You Too' si Eileen. napigilan naman niya ito at dumiretso sa outbox niya ang reply.

"Bestfriend. Sira yata yung phone ko nagsesend agad haha." Ang kakabit ng naputol na mensahe. Ipinikit na lang ni Eileen ang kanyang mga mata. Iniisip na baka mapigilan nito ang mga luhang nakaambang bumagsak, ngunit nakatakas parin ito kahit nakasara na ang kanyang mga mata. Naramdaman niya ang pag-sikip ng dibdib, kalakip ng pagkaka-bestfriendzone sa kanya ng mahal niya. Idinaan na lang niya sa tulog ang naramdamang sakit.

Outbox (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon