Foreword: Hi Guys, salamat kung binabasa mo ito ngayon, kasi ibig sabihin nun ay finofollow mo ako, personally gusto ko lang iparating na hindi dahil naghahakot ako ng followers kaya ko ito ginawang private, gusto ko lang kasi na magbigay ng special gift para sa mga present followers ko syempre. Kaya please don't think too bad of me. Kapag ako naman ay nagbabasa at nagustuhan ko talaga yung story ay nagfofollow din naman ako sa kanila, nag vovote at minsan nagcocomment din. Ayun lang ang gusto kong iparating.
Thank you din kasi nagustuhan niyo yung Outbox, at binasa pati itong Special Chapter/Epilogue ng story. Vote, and Comment na lang kung nagustuhan niyo din ito. Last na plug -in ko na to for this Story Yun lang.
-- Seydee
---
Outbox Special Chapter/Epilogue: Towards Happily Ever After
© written by: Seydeefied 2014
Anim na taon na pala ang nakalipas mula nung maging kami ni Lucas. Ang tagal na pala namin. Iisipin mong imposible na nalagpasan namin yun, na nakatapos kami ng college pareho at kami pa rin. Ewan ko ba kung paano, kahit ako rin hindi ko alam. Gaya naman ng sinabi ko noon sa kanya ay hindi namin maiiwasan yung pagkakaroon ng tampuhan, at away. Minsan din naman ay nagseselos ako dahil sa dami ng mga babaeng umaaligid sa kanya, pero at the end of the day ay aayusin namin ang lahat sa isa't isa at hindi natutulog hangga't sa hindi namin naayos. Naging maintindihin na rin naman ako sa kanya, kahit na minsan ay parang mas bata pa ang kanyang pag-iisip kaysa sakin, pero isa yun sa mga bagay kung bakit mahal na mahal ko siya hanggang ngayon.
Pagka graduate ko ay pumasok ako sa isang magandang university at nag-take ng BS Chemical Engineering, medyo mahirap, pero nagawa ko namang matapos ito at makakuha ng lisensya sa una kong pag take ng bar exam. Todo suporta nga sakin si Lucas nung mga panahong yun eh, yung kailangang kailangang ko talagang mag-review, na nakakatulog na ako sa desk ko, nandoon siya lagi ililipat ako sa kama, at pag gising ko magkatabi na kami.
Medyo mahirap din ang naging relasyon namin nung college ako, dahil nga mas advanced siya sakin ng dalawang taon at magkaiba pa kami ng school na pinasukan, pero sa tingin ko ay nakabuti yun samin, dahil hindi kami masyadong nagkikita, at kapag nagkakaroon naman ng pagkakataong nagkikita kami ay para bang miss na miss namin ang isa't isa.
Madalas din naman kaming magka-text at minsan tumatawag siya sakin kapag matutulog na ako para sabihan ako ng 'Goodnight' 'I Love You' mga ganun. Ewan ko parang High school parin ako kung kiligin sa mga ginagawa niyang ganun hanggang ngayon.
Si Lucas ay nagawang makapagpatayo ng sarili niyang restobar, at ngayo'y business partners sila ni Sir Ivo, na ngayo'y nasa Korea na nagtuturo ng English parin syempre. Huling beses ko siyang nakita two years ago, nung opening ng restobar ni Lucas. Alam ko ay may girlfriend na rin siyang Koreana.
Ngayon ako nama'y nagtatrabaho sa isang pharmaceutical company, bilang isang lab analyst. Medyo boring kasi tahimik sa workplace lalo na sa laboratory kapag may mga test samples na kailangan ng analysis, kaya minsan ay tinatawagan ako ni Lucas para siguraduhing hindi ako nababato.
Nag-aayos ako ng mga analysis reports nang biglang nag-ring yung phone ko.
Si Lucas pala, tumatawag. "Hello?" Panglimang beses na niya akong tinatawagan ngayong araw.
"Hello. Open mo yung video gusto kitang makita Baby." Ewan ko ba kung bakit parang High school student ako kiligin pag tinatawag niya akong Baby.
"Kamusta work Baby ko? Anong ginagawa mo?" Inilagay ko sa stand yung phone ko at bumalik sa pag-aayos ng mga files.
"Ito, nag-aayos ko lang yung mga reports. Ikaw anong ginagawa mo? Bakit wala ka pang video?" Isinalansan ko na sa loob ng mga folders yung mga papeles at inayos na ang arrangement, para maipadala sa head ng department.
BINABASA MO ANG
Outbox (ONE-SHOT)
RomanceMay mga bagay na hindi ko kayang sabihin. Natatakot akong malaman mo, pero mukhang huli na pala ako. Sa pagkakataong ito hindi ito natapos sa "Sent to Outbox" - Outbox © By: Seydeefied 2014