Facts & Trivias

397 7 12
                                    


Author: Gusto ko lang bigyan ng bonus yung story ko, kahit na hindi naman ganon karami ang reads, gusto ko paring mag-share ng ilang mga info about sa story para naman updated kayo sa kung anong mga ka-etchosan ang nalalaman ko hahaha.

.

.

.

Fact #1: "Your Shoulder"

---> ito ang pinaka first title ng story na 'to. Habang sinusulat ko ang first part ng story eh ito na agad ang naisip kong title, dahil sa reason na takot masaktan si Rinn, at dahil may kahaharapin s'yang pasakit eh nandun si Senri para sa kanya, he can be her shoulder to cry/lean on.

Fact #2: "One shot"

---> Ang totoong genre ng story na ito ay One shot lang talaga, pero napansin kong sobrang haba ng story ko para maging isang one shot lang kaya naisip kong gawing novella nalang, at dahil sa naging desisyon ko eh mas humaba ang story at nagkaroon ng maraming changes sa flow ng storya.

Fact #3: "Surnames"

---> As you can see my dear reader, wala silang surnames, puro first names lang. Dahil kasi dati syang one shot kaya hindi ko na sila binigyan ng surnames. (Pero baka dumating ang panahon na i-reveal ko rin ang mga apelyido nilang lahat, sana).

Fact #4: "Names"

Rinn ---> Okay, saan ko nga ba galing ang name ng ating bida? Well inspired sya sa Vocaloid character/singer na si Rin Kagamine. Dinagdagan ko lang ng isa pang letter "n" sa dulo ng 'Rin' para medyo unique kuno hahaha.

Senri ---> Ang pinagmulan ng name ng BBF ni Rinn na si Senri ay nagmula sa anime character na si Senri Shiki sa Vampire Knight haha. Nung una kasi 'Shiki' lang ang alam kong name nya, then nung nabasa ko na ang full name nya is Senri Shiki ayun, nagandahan ako sa name na 'Senri' kaya kinuha ko at ipinangalan sa character ko.

Shin ---> Wala lang, naisip ko lang na ipangalan sa kanya yan hahaha!

Misa ---> Kung anime lover ka at napanood mo na ang anime na Death Note, mapepredict mong may kapangalan doon si Misa, at yun ay si Misa Amane, ang isa sa mga characters sa anime na 'yon.

Allen ---> Ang president sa klase nina Rinn, Senri, at Misa (namention s'ya ni Rinn sa Chapter 3 nung Valentine's Day). Galing ang name nya kay Allen Walker ng anime na D.Gray-Man.

Margo ---> Ang vice pres. ng klase nina Rinn, ang GF ni Allen na namention din kasabay nya. Galing ang name nya sa character ni John Green sa libro nyang 'Paper Towns' at yun ay si Margo Roth Spiegelman.

CJ ---> Ang best friend ni Senri na namention sa chapter 5, yung tagahawak nung bulaklak na para kay Rinn. Bigla lang sumulpot sa isip ko ang name na yan kaya CJ nalang ang isinulat ko, saka nagmamadali ako nun eh, kung ano agad pumasok sa isip ko yun na hahaha.

(Courtesy to the rightful owners of the names I've mentioned that are inspired from)

Fact #5: "Written" 

---> Ginawa ko 'tong story na 'to habang nag-rereview ako para sa exam namin sa Math, oh diba matinde, nagrereview na nga nakagawa pa ng story hahaha.

Fact #6: "Time posted and ended"

---> Natapos ko 'tong story na ito around October 2014, and that same month and year ang time na pinost ko ito sa Wattpad as a one shot. Then nung April 24, 2015 nirepost ko sya as a Short Story and at the same time posted it as ended (meaning nabigyan ko na sya ng epilogue).

Fact #7: "Cover"

---> Marami ng naging cover ang story na 'to, and the current cover is the 3rd version nya. Galing ang cover sa google, inspired sa anime movie na Kimi no Na Wa (Your Name). Kakatapos ko lang kasing mapanood ang movie non this year 2017 kaya ayun, nahooked ako sa movie kaya nagsearch ako ng mga wallpapers, and napansin kong magaganda ang mga fanarts kaya I've decided na gumamit ng isa (courtesy to the rightful owner of the picture).

---> UPDATE! Nawala yung cover na Kimi no Na Wa huhuhu, bigla nalang napalitan, kaya ayan no choice ako, gumawa ulit ako ng cover, kaya pang 4th version na 'to ng cover for the story (well maganda rin naman kinalabasan nung bagong cover eh, pero mas bet ko parin yung dati kong ginawang cover! Bakit mo kasi inalis Wattpad? Nakakainis ka.


Fact #8: "Cellphone"

---> Sinulat ko ang pinaka unang version ng story na ito sa cellphone kong iPhone (na ngayon ay wala na huhuhu) kaya ayun, lahat ng stories ko na nakasulat doon ay hindi ko man lang nasave. Buti nalang napost ko na 'tong story na ito bago mangyari ang pagkawala nya :( . At tama ka ng basa, mga stories, marami akong stories na nakasulat doon, mostly are one shots, pero wala na sila lahat, nalimutan ko narin ang mga kwento nila. Kalungkot no?

Fact #9: "Revisions"

---> Maraming beses ko ng nirevised ang story na ito, like this time lang (August 20, 2017) nirevised ko nanaman. Para kasing may kulang, saka ineedit ko para gumanda ang kwento. May mga twist narin at maraming pagbabago (na isasarili ko nalang para hindi masira ang flow na ginawa ko hehehe).

Fact #10: "The Warmth of Love"

---> Last September 26, 2015, nire-title ko ang story as: The Warmth of Love. Galing/inspired ang title mula sa isang Japanese song na nakita ko, English kasi ang title nung kanta, Warmth of Love yata yung title? Basta galing yun doon. Pinili ko rin ang title dahil parang message din yun para kay Rinn na may warmth sa love, at hindi nya kailangang matakot magmahal dahil lang sa ayaw nyang masaktan.

The Warmth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon