FAITH

25 0 0
                                    

HINDI KAYANG MAWALAY

Simula noong nakilala ko sila

hindi ko inasahang masaya pala.

Di rin nagtagal napamahal na sila,

di kaya makitang malungkot ang isa.

Alaala ay pinapahalagahan,

itinatago pa sa puso't isipan.

Ang bawat araw ay nagiging masaya

sapagkat puno ng pagpapahalaga.

Kung minsan man ay hindi maunawaan

nananalagin upang maayos lahat.

Kapit bisig na nilulutas ang lahat.

Sama sama sa kahit ano manglaban.

Ang tanging pangako ay magiging isa,

ituring na kapatid ang bawat isa.

Ang isang pamilya na binuklod ng Diyos

kailanman hindi magkakawatak-watak.

Makilala sila'y di pinagsisihan.

Ako'y sa kanila humugot ng lakas.

Alam ng puso na magtatagal kami.

Ito ay magiging panghabangbuhay na.

Ang tulang ito ay ginawa ko para sa

cell group ko ginamit ko lang dito

bagay kasi e. hehe

by MS. AUTHOR

FAITH OR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon