7/24 Convenience Store
Azukito's POVNgayon ang araw ng pagkikita namin sa totoong mundo ang huli ko silang nakita ay sa Granddivinity pa
Ay oo nga pala ako si Azukito isang Shut-In Neet at kasama sa pamilya Shadow ang humahawak ng 7/24 convenience store sa buong Pilipinas
Kanina pa ako nandirito dahil nasa harap lang ito ng bahay
Sobrang lamig naman dito sa loob siguro lalabas muna ako
Pero bago yun ay kumuha ako ng Sherhy Chocolate Coffee sabay inom ng kaunti
Aaaaaahhhhh sarap talaga nitong Chocolate Coffee the best dahil paborito ko ang kape at tsokolate
Maya maya pa ay lumapit ako sa counter at nginitian ang babaeng nagbabantay kinilig naman ito at pinalo pa ang katabo niyang isa ring bantay na babae
"Ah miss sigarilyo nga yung pula"
Sabi ko dito at binigyan niya ako ng isang kaha sabay ngiti ulitNapangiti ito at binayaran ko na ang nakuha ko
Maya maya pa ay lumabas ako at bumalik sa pwesto maya maya pa ay nakita kong may nakaupo dun sa pwesto ko kanina isang lalakong nakaitim ang lahat ng suot at jacket
Mukhang may dumating na at nabasa niya ang nakasulat doon
Sinulat ko lang naman ang salitang ITIM sa malaking papel at nilagay ko sa table na nakaharap sa parking lot
Nilapitan ko ito sabay higop ng kape
At napansin naman ako nito
"Mukhang pati sa totoong mundo mahilig ka mag kape pero ngayon ko lang nalaman na nag yoyosi ka pala"
Sabi ng lalaki na nakaitim na jacket at pa one side bang ang itim nitong buhok at puro leather ang suot nito"Yosi ka muna"
Sabi ko dito at umupo sa harapan niya tinitigan ko ito ng mabuto at kumuha ito ng isa sa sigarilyo ko"Nga pala pare ako si Shira ang black devoure-"
Sabi nito na di ko na pinatapos"Ssshhhh ano ka ba kilala ang black market sa lahat ng laro at pati tayo lalo na sa bansag natin kaya wag kang maingay"
Sabi ko at tumango at maya maya pa ay may dumating na isang kotse at nag park sa harapan naminNang bumaba ito ay tatlong lalaki na nakaitim din ang lahat ng suot ang isa ay kilala ko si Jhap dahil kilala na siya ng buong Pinas dahil sa nagawa niya sa loob ng Granddivinity at pati sa magagandang graphics at event sa loob ng iba't ibang larong nahahawakan ng kanilang Inkorporasyon
Ang isa naman na may mahabang buhok ay kilala ko rin yan si Luxxus ang may kakaibang apilyido may suot ito na bakal sa dibdib siguro ko galing siya ng cosplay dahil sa suot niya
At yung isa ay sigurado naman akong si David dahil siya na lang naman ang natitira ang siga ng black market
Nang bumaba ito ay nagsi tilian ang mga babaeng nasa katabi naming pwesto sa harapan ko at likod
Hays bakit ako di napansin? Kulang lang ata ako sa performance sige mamaya ako naman
Mamaya pa ay ngumiti si Shira
"Aba papogi effect insan?"
Sabi naman ni Shira at tumawa kaya naman napatawa rin ako"Aba'y minsan lang naman insan o sya dahil kumpleto na tayo ay bibili muna ako ng makakain natin sa loob at samahan mo ako Azukito"
Sabi ni Jhap na kinagulat ko dahil nagpasama siya himala
BINABASA MO ANG
Nemesis Online
Science FictionIsang lalaking laging nagugulpi at pinag t-tripan si Azukito noong siya'y bata pa pero nagbago yun paglipas ng panahon naging walang pakielam ito at naging NEET o Not In Education, Employee or Training Lumaki siyang nasa mundo lamang ng laro at adik...