Xiang's Temple
Azukito's POVLumipas na ang ilang linggo at halos isang buwan ang lumipas sa laro ay natapos ko na ang lahat pwera na lang kay Shen siya ang huling mag t-train sakin
Kaya pumasok na ako sa loob ng training hall at nakita ko siyang nag memeditate
"Hali ka magsisimula na ang training"
Pag yayaya sakin nito at umupo ako sa harap niya"Isipin mong magaan ang katawan mo, tanggalin ko kung ano man ang bumabagabag sa iyong isipan, at isipin mong magagawa mo kung anong gusto mo"
Sabi niya sa akin na medyo nalilito akoAlisin ang kung anong bumabagabag sa isip ko, marami kaya paano ko yun aalisin? At isipin kong magagawa ko ang gusto ko?
Ano nga ba ang gusto ko? Siguro una ang mateleport sa kung saan
"Ngayon mag buntong hininga ka sabay tanggal sa isip ng mga kung ano ano, at ngayong mag focus ka dun sa gusto mo"
Sabi niya sakin kaya ginawa koOkay focus focus, alis ng kung ano ano sa isipan sabay teleport
Minulat ko ang mata ko at nakita ko na wala namang nangyari
"Mukha atang maraming bumabagabag sayo sige tutulungan kita alisin yan tumayo ka"
Sabi niya at nag fighting poseKaya napa atras ako sabay handa
Bigla naman itong nag dash papunta sa harap ko at nakita ko aatake na siya sakin kaya umilag ako pero halos matamaan ako nito
"Focus wala ka bang natutunan sa mga nag train sayo?"
Sabi niya sakin kaya napakunot akoOo nga nuh may mga alam na akong pang atake salamat Shen
Agad kong nilabas ang baril ko at pinaulanan ng bala pero naglabas lang siya ng barrier na kulay violet na pumalibot sa kaniya kaya parang dumadaplis ito
Nakakainis paano ko ikaw matatalo, oh sige ito naman
Mabilis akong nag dash sa kaniya sabay ginawa ang natutunan kong elementong apoy na atake, hinawi hawi ako ang aking espada na pa ekis sa harapan at lumabas dun ang apoy hanggang sa makarating ako sa kaniya
Sinangga niya ito ng dalawa niyang tonfa at nabasag ang atake ko
Sa larong ito kung ang atake mo ay isang combinational skill o attack ay pag na sangga yun ng kalaban o nailagan ay magiging break ito o tinatawag na break effect
"Hunyemas dedong ako"
Sabi ko habang ang kamay ko ay nasa espada kong tumaas ang recoil dahil di ko kinaya ang lakas ng pagkakasangga niyaAt hinampas ako nito ng tonfa na tumalsik naman ako at tumama sa pader
"Aaagghhhh"
Tumama ako sa pader at ang sakit grabe akala ko ba 10-20% na maranasan mo ang sakit"Sa hall na ito ay may magic kung ang nararanasan niyong galing sa ibang mundo ay sampong pursyento lamang dito hindi sa hall na ay nasa 50% ang sakit na maranasan niyo di na namin tinaasan dahil baka masira pa ang utak niyo sa mundo niyo"
Sabi niya sa akin kaya nag taka ako dahil paano nila nagawa yun at bakit parang ang dami nilang alam tungkol sa amin akala ko ba ay napadpad lang kami dito sa mundo nila para puksain ang itim na dragon
BINABASA MO ANG
Nemesis Online
Science FictionIsang lalaking laging nagugulpi at pinag t-tripan si Azukito noong siya'y bata pa pero nagbago yun paglipas ng panahon naging walang pakielam ito at naging NEET o Not In Education, Employee or Training Lumaki siyang nasa mundo lamang ng laro at adik...