Azukito's POV
Tatlong araw na ang lumipas sa laro at ngayon ay nasa Town of Beginnings ako para maglibot maibenta nga ang mga bagay na di naman magagamit
Buti na lang may bench na bakante
Ano kaya ang maibebenta sa mga ito
Karamihan puro Rare at Epic gagawin ko dito wala naman kasi naaalala ko na may mga nauna pang storm god kaysa kay Jishi
Flashback
"panginoon mawalang galang lang po"
Boses mula sa labas ng kwarto ko dito sa palasyo kakapahinga ko lang kasi galing sa pagpapalevel at nasa level 71 na ako at kunting level na lang makukuha ko na ang hidden skills ko bilang storm god"Bukas yan pasok"
Sagot ko dito at ng bumukas ang pinto nakita ko si Haysta"Oh, Haysta may kailangan ka? At tsaka di ba sabi ko Azukito lang di pa naman ako nagiging hari dito"
Sabi ko pa sa kaniya at nag vow ito"Opo masusunod, Azukito napag alaman kong yang gamit mo palang espada at baril ay galing sa dalawang naunang storm god na si Jishi sa mga baril at si Hiroe sa espadang yan, di pala natapos ni Jishi ang kailangan niyang gawin kaya di siya nakagawa ng sandata bilang isang hari nitong kaharian"
Sabi niya na ano namang pake ko"So ano ang ibig mong sabihin"
Sabi ko at nag vow ulit"Azukito nais ko po sana lang sabihin na kung gusto mong maging karapatdapat sa lahat sa kaharian ay dapat meron kang sariling sandata"
Sabi niya na nauunawaan ko naman pero di ko gaano maintindihan bakit niya naman sinasabi yun sakin"So ano pong ibig niyong sabihin"
Sabi ko at nag vow ULIT siya isa pang vow sisipain kita"Gusto ko lang pong kompletuhin niyo po ang lahat ng sandata ng lahat na naging storm god at para makalikha ka ng sarili mong sandatang para maging isa kang ganap na storm god"
Sabi niya at napangiti akoAdventure na naman
"Sige bukas na bukas din aalis ako, ikaw na muna ang bahala sa lahat iiwan ko lahat ng pera na nasa akin at sa pagbalik ko ay kukunin ko na ang titulo na hari nitong kaharian"
Sabi ko at bumalik sa pagtulog balak ko na kasing mag log out kanina kung di lang siya dumating"Sige po Azukito maraming salamat at tinanggap mo ang kahilingan ko at nila"
Sabi niya at dahan dahang nagsarado ang pinto ng kwarto at nag log out na akoEnd of Flashback
Ngayon ay hawak ko na ang dalawang sandata may natitira pang apat mukhang mahaba haba itong paglalakbay
Habang nakatingin ako sa inventory ko ay napansin kong may nakatingin din pala sa VS ko
Aba'y wala itong respeto, di ba siya nasabihang masama mangboso kababaeng tao
"Ay pasensya na kuya, ako nga pala si Arlantic isa ako Archer"
Sabi nito at nakita ko namang archer talaga siya pero walang dating ang suot nitog set lalo na ang sandata niya
BINABASA MO ANG
Nemesis Online
Ciencia FicciónIsang lalaking laging nagugulpi at pinag t-tripan si Azukito noong siya'y bata pa pero nagbago yun paglipas ng panahon naging walang pakielam ito at naging NEET o Not In Education, Employee or Training Lumaki siyang nasa mundo lamang ng laro at adik...