Chapter 15

732 27 1
                                    

Xylie Pov

Napahikab ako habang nakaupo sa tabi ni nips

Lumipas na ang 3 araw simula nung nangyari noong gabing yon at wala silang nakuhang impormasyon.Sabi ni tito hayaan nalang daw at mas lalong higpitan ang seguridad

Sa sobrang bored ko,inabot ko yung remote saka binuksan ang tv pero ang papangit ng palabas.Papatayin ko nalang sana pero napadako ang tingin ko sa isang channel

Biglang nanlamig ang kamay at paa ko nang mabasa ko ang nasa ilalim nito at mas lalo pang nanlamig nang dahil sa narinig ko

'Mahigit na tatlumput pitong estudyante ang nawawala dahil sa di malamang dahilan...ang sabi ng kanilang principal ay nag camping lamang ito sa yu forest..ngunit patuloy parin ang pagiimbestiga sa pagkawala nila'

'Mystery Club..'

Mabilis akong tumayo saka lumabas

'Bakit ganon...Bakit ang pamilyar....'

"Oh anak! Saan ka pupunta?!" Rinig kong sigaw ni mama

"Sandali lang po!!" Sigaw ko rin saka tumakbo ulit

"Shit!"

Lumiko ako saka mabilis na sumakay sa kotse

'Shit! Sila Xu!!'

Pinaharurot ko agad ang kotse papunta sa Yu forest.Malapit lang naman yon sa haunted forest kaya alam ko

Pagkarating ko,tahimik na lugar ang bumungad saakin

"Xu!!! Sam!!" Sigaw ko habang nag lalakad

"Yin!!!"

"Alix!!! Nasaan na kayo?!"

After an hours

Napabuntong hininga ako saka napasabunot sa sarili nang hindi ko parin sila mahanap

"N-nasan na kayo..." Bulong ko

Namaos na rin ako kakasigaw saka sobrang sakit nadin ng paa ko kaya umupo ako sa gilid ng kalsada

Nagpahinga muna ako ng ilang minuto

Pero...

"Grrr!!!"

"Shit!"

Agad akong napatayo saka tumakbo papuntang kotse pero sobrang layo pa nito

Patuloy akong hinahabol nung sobrang laking lobo.Pinaslide ko yung paa ko para mapahinto ako at hinarap sya.Hinihintay kong makalapit muna sya bago ako umatake

Nang malapit na sya saakin,tumalon ako ng ubod ng lakas.Habang nasa ere,tinusok ko yung buntot ng alakdan sa likod nya at nag pahila.Tumayo ako sa likod habang sya nag wawala

Walang namang tao kaya malaya kong nagagamit ang kapangyarihan ko

Iwinasiwas nya ng malakas ang sarili nya dahilan para matumba sya pero bago pa nya maiwasiwas ang sarili nya tumalon na ako

Naghintay muna ako ng ilang minuto pero hindi parin ito kumikibo.Nilapitan ko sya saka hinawakan

Naramdaman kong humihinga pa ito.Nawalan lang siguro ng malay.Napailing ako saka tumakbo ng ubod ng bilis papuntang kotse

Actually kasing laki sya ng isang puno,hindi ko alam kung paano nagkaroon ng ganyan dito.Kinuha ko sa likod ng kotse yung first aid kit saka bumalik sa kinaroroonan nya

Umakyat ako sa likod nya at ginamot ang parte kung saan ko sya nasaksak.Matapos ang ilang minuto,bumaba ako saka pumunta sa kalapit na bayan.Bumili ako ng limang karne.Bumalik ako kung nasaan sya nakahiga

Naghintay lang naman ako ng
ilang oras bago sya magising

"Grrr!!!" Matapang na ungol nya saka tumayo

"Tss"

Pinakita ko yung mga karne kaya lumamlam ang mukha nya at umamo ang mga mata nya

Umiiyak syang lumapit saakin at umupo.Umupo ako sa isang bato saka nakatingalang tumingin sakanya

"Oh" Sabi ko saka naghagis ng karne

Mabilis akong napatayo saka umatras nang bigla itong tumayo at sinalo ang karne

'Kingina akala ko madadaganan ako! Phew~'

Makalipas ang ilang oras

Ubos na yung kinakain nya pero eto kami...

Naglalaro

Hahaha naging close kami eh! Mabait naman pala sya kaso nga lang may pagka childish

"Sabing wag ka maglilikot eh!" Sabi ko.Yung sugat nya nga kasi! Pero imbis na sundin nya ako,dumila sya saka iwinagayway ang buntot nya habang nakaupo

Napakamot nalang ako sa ulo saka tumingin sa itaas

'Mag gagabi na pala'

Tumayo ako saka tumingin sakanya

"Hmm tutal white at kulay abo ang kulay mo..Ash nalang pangalan mo!" Nakangiting sabi ko.Tumahol sya kaya natakpan ko yung tenga ko

"Goodbye Ash!! Babalik ako dito bukas tutulungan mo ko ah!" Nakangiting sabi ko

*Arf!* *Arf!*

"Stay here okay?!"

Iwinagayway nya ulit yung buntot nya

Bumaba ako sa bato saka tumakbo ng mabilis papuntang kotse ko

Pagkarating ko,tumingin ako ulit sakanya,nakatingin din sya saakin na para bang nagtataka

"Bye Ash! See you tomorrow!" Sigaw ko saka sumakay ng kotse at pinaharurot iyon pabalik ng ospital

Someone's Pov

Tsk! Tignan ko lang kung mahanap mo pa sila!

Chasing The Half Of Xylie EvansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon