Chapter 29

543 17 0
                                    

Xylie Pov

Nag ready na ako para pumasok sa school pero dumaan muna ako ospital

"Good morning po" Bati ko kay mama at tita habang kinikiss ang mga pisgi nila

"Good morning too" Sabay na sabi nila

"Papasok ka na?" Tanong ni mama kaya tumango ako

"But it's too early" Sabi ni tita habang kumakain ng apple

"A-ahh may gagawin pa po kasi ako sa school" Pag sisinungaling ko pero sa totoo lang mag papahangin lang ako

Madaling araw palang kasi.Siguro mga 5:00 Am.Pumunta ako sa kama ni nips at humalik sa noo nya.Kinuha ko yung bangko saka nilagay ito sa tabi ng kama nya para umupo

"Hoy hindi ka pa ba gigising jan huh!? Tagal mo ng nakahilata sa kama na yan hindi pa ba sumasakit yung likod mo?" Sabi ko

Ang sabi kasi ng doctor,minsan kausapin namin sya para mapabilis ang pag gising nya

"Alam mo bang nag mumukha na akong tanga kakausap sayo? Pero okay lang para magising kana" Sabi ko ulit saka hinawakan ang kamay nya at pinisil pisil iyo

'Ang lambot langya'

"Alam mo bang miss na miss na kita huh!" 

Niyakap ko sya saka pumikit 

"Nandito si t-terrence..." Bulong ko habang nakapikit ako

"Paano kapag binawi nya ako sayo? Edi wala ka ng sweetie..Kaya gumising ka na jan para hindi nya ako makuha sayo" Bulong ko ulit

Umayos ako ng upo at tinitigan ang mukha nya

"Nips...M-miss na talaga kita.." 

Ngumiti ako ng mapait at kiniss ulit sya sa noo

"Papasok na ako sa school ahh..Good morning" Nakangiting sabi ko at tumayo na

"I love you..see you later" Sabi ko at nag pa alam na kina mama na aalis na ako

"Alis na po ako" 

"Ingat ka iha" Sabi ni tita kaya nag pa thank you ako

Nang makarating sa school,kakaunti palang ang estudyante.Dumiretso ako sa rooftop at nilock ang pinto.Tumayo ako sa gitna at pinalabas ang buntot ng alakdan

Tinitigan ko lang iyon at sinunod na inilabas ang galamay ng gagamba

Mga ilang minuto ko iyon tinititigan hanggang sa nakarinig ako ng mga katok kaya mabilis ko itong tinago.Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon

"Yes?" Tanong ko sa janitor

"Good morning mam..may kukuhanin lang po ako" Nakabow na sabi nya kaya binuksan ko ng malapad ang pinto at pinapasok sya

Nakatingin lang ako sa kanya habang kinukuha nya ang mga bagong kagamitan sa paglilinis sa maliit na room dito sa rooftop 

"Maiwan ko na po kayo" Sabi nya 

Nginitian ko lang sya at tumango.Pumunta ako sa may side ng rooftop at tinignan ang mga estudyanteng pumapasok.Tumingin naman ako sa itaas at pumikit

at

Huminga ako ng malalim

"I hope this is right" Bulong ko at muling huminga ng malalim 

Idinilat ko ang mata ko at nakita ang pamumuo ng itim na ulap

Tinitigan ko lang ito hanggang sa magdilim ang paligid.Umalis na ako at pumunta sa room ko.Buong klase lang akong nakatingin sa labas habang umuulan

"Ayos ka lang xy?" Napatingin ako kay Yin nang magsalita sya

Pilit na ngumiti lang ako at tumango

"Are you sure?" Nakataas na kilay na tanong nya.Hindi na ako sumagot saka tumingin ulit sa labas at nag buntong hininga

"Aray ko peste" Inis na bulong ko nang may nagbato ng crumpled paper sa mukha ko

Tumingin ako sa paligid para malaman kung sino ang nagbato 

Sinamaan ko ng tingin si Yin nang kumindat ito

"Open it" He mouthed

Chasing The Half Of Xylie EvansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon