Chapter 39

463 14 2
                                    

Xylie Pov

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Xu habang nasa dining at kumakain ng tinapay

"Nakapag desisyon na ako" Sabi ko

"Anong desisyon mo?" Tanong nya saka lumapit saakin

"H-hindi ko kaya..." Nakayuko at mahina kong sabi

Naramdaman ko nalang na niyakap nya ako.Naramdaman ko nalang na may malamig na dumaloy sa aking pisngi

"Susuportahan kita kung ano man ang desisyon mo"

"Salamat Xu" Nakangiting sabi ko at kumalas sa yakap

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti

"Alis na ako" Paalam ko

"Saan ka pupunta?"

"Sunland mental" Sagot ko at umirap

"Nanaman?" Natatawang sabi nya kaya napa chuckle ako

"Oo,doon kasi nakatira si terrence haha kidding" Natatawa ding sabi ko

"Ingat ka Xy" Seryosong sabi nya

"Kayo din,baka mawala ako ng ilang araw" Sabi ko
Kung hindi ako papayag,alam ko na idadamay nya ang mga kaibigan ko

"Bakit naman?"

"Kung papayag ako,titira sigurado ako sa bahay nya..kung hindi naman bahala na" Sabi ko

Mag sasalita pa sana sya pero nag salita na ako

"Mag pa paalam na muna ako sa iba" Nakangiting sabi ko at pumunta sa kwarto nila

*Tok* *Tok* *Tok*

Makaraan lang ang limang segundo ay bumukas ang kwarto ni sam

"B-bakit?" Inaantok na sabi nya

"Aalis muna ako" Sabi ko

Kumunot muna ang noo nya bago ngumiti ng tipid

"Ingat ka"

"Salamat sige pupunta muna ako sa kwarto nila" Paalam ko

Hindi ko na hinintay ang   sasabihin nya at tumuloy sa kwarto ni Alix

"Oh Xy" Gulat na sabi nya

"Aalis ako" Sabi ko

"San ka pupunta?"

"Sa Sunland" Sabi ko at niyakap sya.Niyakap nya naman ako pabalik

"Ingat ka ah" Sabi nya kaya tumango ako at kumalas sa pagkakayakap

"Pupunta muna ako sa kwarto ni Yin" Sabi ko

Tumango lang sya kaya umalis na ako

Tok tok tok

Pag ka bukas ng pinto,nagulat na lang ako nang may humila saakin

"Mag ingat ka" Sabi nya

"Syempre naman" Nakangiting sabi ko

"Promise?"

"P-promise.."

Kumalas ako sa pagkakayakap at bahagyang umatras

May tatlong bibe akong nak--

Agad kong kinuha ang cellphone ko at binasa ang text ni Terrence

Where the fvck are you?!

Napairap nalang ako.Tumingin ako kay Yin na nakangiti

"Alis na ako" Paalam ko

Nag aalangan naman syang tumango.Lumabas na ako ng kwarto nya at huminga ng malalim

'I can do this'

Lumabas ako ng bahay at muling tumingin sa pinto

'Mamimiss ko kayo'

Sumakay ako ng kotse at pinaandar

Sunland Mental Hospital

Katulad ng ginawa ko noong unang punta ko dito,tumalon ako agad papuntang taas

"Terrence" Bungad ko pagkalapag

"Now what?" Nakangising sabi nya

"Ano ng desisyon mo?" Nakangising sabi nya

Umatras ako ng 5 kilometro mula sakanya

"NO" Matigas na sabi ko

Chasing The Half Of Xylie EvansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon