Chapter 46

575 13 0
                                    

Third Person Pov

Months Passed

Wala paring malay si xy habang si nyx naman ay binabantayan sya.Tumayo ito at hinalikan sa noo si xy bago umalis.Pumunta ito sa abandonadong building kung saan dinala noon ang dalaga

Pumasok sya sa kwarto at nakita nya ang pinagbakatan ng nasunog na plastic sa sahig.Nilibing narin noon ang matandang namatay at namatay din ang mga tauhan ni oh so called terrence.Napakuyom sya ng kamao nang maalala ang pinag gagawa ni oh so called terrence kay xy at noong nasa sementeryo sila

Oo,alam ni nyx na si terrence ang bumaril sakanya at kasabwat doon ang secretary na si Heidi

At

Galit sya dahil sa mga nangyari kay xy noong coma pa sya

Sa sobrang galit nya ay nasira nya ang buong kwarto,ni pader ay hindi pinalampas.Sinuntok nya ng malakas ang isa pang pader at nag kumawala ng buntong hininga

Tumayo ito at lumabas ng abandonadong building.Sumakay ito sa kotse at muling sumulyap sa lugar

"Fuck You" 

Bumalik ulit sya sa ospital at muling binantayan ang dalaga

Nakatitig lang sya kay Xy habang sinisisi ang sarili nya dahil sa nangyari noon

"Xxyyyy!!!"

Napalingon sya sa pintuan nang biglang may sumigaw

"Hinaan mo ang boses mo" Sabi ni Nyx at muling bumaling kay Xy

Pabagsak na humiga sa sofa si Xumie.Sya lamang mag isa dahil may kanya kanyang pinag kakaabalahan ang mga ito

"Sarrehh" Sabi nya habang  nakatingin sa kisame

Ilang minutong nabalot ng katahimikan buong kwarto nang...

"XY NAMAN!! BAKIT HINDI KA PA GUMISING JAN?! NOONG UNA ITONG SI NYX ANG NAKAHILATA AT IKAW ANG NAG HIHINTAY,NGAYON NAMAN IKAW ANG NAKAHILATA AT SI NYX ANG NAG HIHINTAY!! ANO BA?! LOKO NYO BA SI AKO?!"

Napapitlag ng upo ang binata dahil sa sigaw na narinig.Sasamaan nya sana ito ng tingin nang makita itong nakayuko habang nakaupo

"Hayst..langya naman eh xy" Malungkot na sabi nya at pinunasan ang luhang tumulo mula sakanyang mata

"Noong ikaw ang nakahilata..halos hindi na sya kumain,hindi nya alam kung anong gagawin nya,gusto ka na nyang alog alogin para magising eh!"

"Umiiyak sya lagi habang nakatingin sayo..pinrotektahan ka nya mula doon sa ewang tao na pumasok sa room mo.Lagi syang napapahamak habang ikaw nakahiga sa malambot na kama"

Napakunot ang kilay ni nyx dahil sa narinig.Magsasalita na sana sya ngunit sumabat nanaman ito

"Alam kong alam mo na ang nangyari kaya ko sinasabi sayo iyo dahil para mag ingat ka.Alam mo na ang nangyari sakanya noong natutulog ka kaya ngayon mag ingat ka dahil kami ang bubugbugin nyan kapag may nangyaring masama sayo!"

Napairap pa sya sa sinabi nya.Natawa nalang ng mahina ang binata

"Thank you..thank you for caring her while im in coma.Thank you for comforting her when she's sad and crying,thank you for everything"Sabi nito sabay ngiti.Nginitian nya nalang pabalik ang binata at pabirong inirapan.Muli itong humiga sa sofa hanggang sa nakatulog dahil kakasigaw.

Chasing The Half Of Xylie EvansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon