Chapter 2: Blank

8 1 4
                                    

Kiah' POV

"Sino kaya yun?" Sabi ni Raine, bespren ko.

"Kiah, sure ka ba talaga na panaginip lang yun?" Saad naman ni Dawn, isa ko panh bespren.

"Ewan ko.... Hindi ko alam.  Nagtataka rin ako kina mama eh."

"Bakit? Ano bang sinabi nila?"

-------*

"Ma, may napaginipan ako kanina." Bulalas ko ng biglaan habang kumakain kami.

"Tungkol saan, anak?" Tanong ni mama.

"May lalake.... Hindi ko alam pero feeling ko close kami nun sa panaginip ko... Tas lilipat daw tayo nang bahay tapos nagpakita siya sa tulay at tatalon pero may binigay siyang papel. Tapos umiyak ako sa gilid ng tulay.... Ma diba ang weird?"

In-expect kong matawa sila dahil nga weird ang panaginip ko pero nagtaka ako nang tumigil silang dalawa sa pagkain at nagtinginan silang dalawa.

"Oh? Ba't kayo tumigil sa pagkain? May mali ba akong nasabi?"

"Ah eh, nak, wala. Wala diba? Osige kain na lang tayo ulit."

"Oo nga, Biyen balewalain mo na lang yung panaginip mo, total panaginip lang naman din yun eh. " Sabi ni kuya.

"Oo nga kuya... Panaginip lang.... Pero bakit diko nakalimutan? Diba 90% ng panaginip mo nakakalimutan mo after 10 minutes of waking up? Eh bakit hanggang ngayon.... di ko pa rin nakakalimutan?  Panaginip ba yun o to--"

"Oh heto, chocolate moist cake. Kainin mo okay?  Alam kong paborito mo yan kaya kainin mo na." Sabi niya habang nilalagay sa bibig ko yung cake.

"Uya aman eh aguuchap a ko as i mo ko inganapoch!" Sabi ko.

"Kainin mo muna yan Biyen, wala ankong naintindihan sa mga sinasabi mo." Sabi niya.

--------*

"Sino ba kase yuuuuunnnn?" Bulalas ni Raine.

"Balewalain mo nalang muna yung panaginip mo ngayon, Vienne.  Malapit nang magbell." Saad ni Dawn.

Tama si Dawn. Dapat ko munang balewalain iyon.

*Kriiiinnnnggggg**krrrrrrriiiiiiinnnnnnggggg*

Pumasok na kaming lahat sa room. As usual, may mga taong late na naman, mga pabebe, mga sipsip, mga nerd, at mga walang pakialam sa buhay. The usual setting ika nga. Tapos darating ang teacher, tapos mag-go-good morning, tapos---

"Good morning everyone!" Masiglang bati ng aming adviser, si Sir Jake. Napatigil tuloy ako sa pag-iisip, tsk.

"Good morning Sir Jake." Sabay sabay naming sabi at umupo.

"How was your weekend class?" Argh. Ito lagi ang linya niya tuwing Monday eh. Pero may sumasagot pa rin kay sir,  at sinasabing 'boring yung weekends sir' 'sir mahirap yung binigay mong assignment' o di kaya 'okay lang naman ang weekend namin sir' . Hays. Paulit ulit nalang.

"Okay, okay.  Stop talking na. We are having a newcomer class."

"Oh my, lalake kaya? "

"Shems wala akong make-up ngayon gosh"

"Ugh, I hope di siya babaeng malandi"

"Please lalake sana"

Them again with their flirty attitude. -.-  Ang hirap lang nilang intindihin.

Pinapasok naman ni Sir Jake ang transferee.

"Lalaki nga!  Shems shems"

"Gosh another hottie!"

"OMG he's so hot"

"He's mine!"

Like duh. Simple lang naman ang sinuot niya, black cap, black jacket, ripped jeans, and.....

"Hi. My name is Vonn Ace Khiah Guerez. Hope to treat me well."

"Kyaaaahh!!"

"Ghad!!  His voice!! "

Hays. Mga babaeng walang magawa sa buhay.

"Where you do want to seat?" Tanong ni Sir Jake.

"I can just seat anywhere. I really don't mind at all. "

"Okay. There's an empty seat on the back. Are you fine with that?" Tanong ni Sir Jake.

"It's fine sir. Can I go now?"

"Oh sure,  you can seat na."

Umalis naman siya sa harapan at agad na umupo sa likuran.

"Gosh,  sana matalino rin siya. Pramis gagawin kong akin yan pag matalino. Kyaaaahhh!"

"Hello cutie, want to have lunch with us? May free time ako mamaya eh. "

I expected na sasagot siya, I mean, inaya lang naman siya ng pinakasikat na babae sa school na to, Vanessa.

"Thanks but no thanks, dad's going to pick me up during lunch time."

"She just rejected her"

"He has good taste. Di siya pumayag kumain kasama ang isang hipon. HAHA"

"Bakit di siya pumayag? "

"Good for her"

May bigla namang nag ring na phone. Tumayo si Vonn at may kinuha sa bulsa ng bag siya. Phone. Agad niya itong sinagot at lumabas.

****

"Bes, bakit ang gwapo ni Vonn???? Mamatay nako dittooooo!"

"His name is nice tho. Pero feeling ko babaero rin yun eh. Just like any other guys."

"Wag mo namang lahatin!" Biglang sulpot at akbay sa kanilang dalawa ni Mash, isa ko pang bespren.

"Oh Mash, ba't ngayon ka lang pumasok? Halos dalawang linggo kang absent ah!  Ano early vacation ganun?" Saad ni Raine

"Binisita ko lang ang magiging mother-in-law mo, babe."

"Inatake na naman si tita? Kelan?  Bakit di ko alam?  Bakit di namin alam?" Sunod-sunod na tanong ni Raine.

"Oo, inatake na naman siya kaya kailangan kong bumalik agad sa Australia, hinahanap daw kasi niya ako that time. Last last week siya inatake, the day before umabsent ako. Hindi na kita natawagan dahil maselan na ang kondisyon ni mama kaya bawal na ang phones doon, and ako nagbantay sa kanya these past weeks kaya wala akong chance na natawagan kayo."

"Ah.. Ipagdasal nalang natin si tita, Raine. Tsaka bakit di ka muna nagpahinga Mash? Bakit ka dumiretso dito?" Saad ko.

"Thanks. Dumiretso ako rito para makabahol sa lessons, tsaka para makita ang babe ko. " sabi niya at biglang kiniss ang cheeks ni Raine. Well if you ask me na sila ba, you're right. Sila nga. Since... Last year.  At ako ang naging daan. Supportive ako eh. HAHA.

"Kumain na nga tayo, nakakabitter naman to! Tara na Kiah!" Pait niyang sabi sa harapan nilang dalawa sabay hila ako.

*****

Okehh guys hello~ haha sana enjoyin niyo tong story na to~ this is my first story na naipublish ko sa watty kaya I hope you anticipate it ^^ comments are highly appreciated po~ charrrr ^^ sayonara minna~!

Last LetterWhere stories live. Discover now