KIAH'S POV
"Ano bang gusto mong kainin, Kiah? Manlilibre ako." Masiglang sabi ni Dawn.
"Talaga? Manlilibre ka? Waow bumait ka ata ngayon! Haha. Isang pizza lang Dawn ayos na." Sabi ni Raine na tumatalon-talon pa.
"Sus! Asa ka! Di ako manlilibre sayo no! May Mash ka na kaya! Kayong mga couple, dapat nasa huli kayo ng linya tapos mauuna mga single sa linya. Dapat sa likod kayo pa di namin makita ang pagka-PDA niyo. "
"Alam mo Dawn ang bitter mo oh kunin mo yang inorder mo! Paepal ka pa eh. " saad ni Raine sabay tawa.
Umupo na kami sa sa may likuran, as always since sina Vanessa na naman ang "bida" dito sa canteen kase nagaimula na namang bumuka ang bibig.
Tumigil siya sa kakadada nang dumating si Von, na may kausap sa phone. Agad siyang pumunta sa linya at nag order.
"Uy bat parang ang mistersoyo niya? Nakakatakot yung presence niya! Di niyo pansin?" Sabi ni Raine.
"Medyo nakakatakot nga pero bawi naman sa mukha." Seryosong sabi ni Dawn.
"Oh ano? Type mo siya no? Sus! Wag kanang umasa! Di ka rin type nun HAHAHAHA!! Talagang mabubuhay kang magisa!" Tukso ni Raine.
"Che! May gusto ako! Wag ka! Tsaka di ko siya type, ibang klaseng lalake ang gusto ko. "
"So ano? Alien type?" Sabat ni Mash
"Takte to! Ano bang trip niyo ngayon?! Alam niyo ba---"
Di na natuloy ang sasabihin ni Dawn nang biglang tumabi samin si Von.
Okay.... Akwaaaarrrd.
"I'll call you later. Uh-hm, yeah bye."
"What?" Tanong niya.
"A-are y-you su-sure na d-dito ka uupo?" Nauutal na tanong ni Dawn.
"Yeah, because obviously wala nang iba pang available seats." Luminga lunga naman si Dawn at nang marealize niyang wala na talagang available seats, napatango na lang siya.
"Bro, mind if I ask? Saan ka galing na school?" Tanong ni Mash.
"I'm homeschooled. But not until now. I have to go here in the Philippines because of my mom's work."
"Ahhh.. Can I ask what kind of work your mom does?"
"She's a businesswoman, and she's taking care of one of our branches here in the Philippines."
"Opinyon ko lang bro ah, Eh pwede ka namang mag homeschool ulit? So bakit ka pa pumunta dito sa school?"
Hinintay namin ang sagot niya. Ngunit yumuko lang siya at nagtext sa kung sino.
"Okay lang nam---"
"It's because of my personal reason." Sabi niya at biglang tumayo.
"Oh.. Okay, so-- oy Vonn-- saan ka.... Pu.... Pun...........ta? Yeah nice matapos natin siyang pansinin iniwan niya tayo." Sarkastikong sabi ni Mash na halatang medyo nainis sa ginawa ni Vonn.
"Hayaan mo na, personal niyang problema yun, babe. Kainin mo na lang tong lasagna na inorder natin, dali! Say 'aaahhh'! "
Ayan, nagsimula na naman silang dalawa. Lovebirds nga talaga. Hays.
-----*--------*---------*---------*--------*
"Asan si Vonn?" Tanong ni Vannesa nang makabalik na kami sa classroom.
"Sa tingin mo ba may alam kami? Mukha ba kaming may alam?" Sagot namam ni Dawn, na halos magtagpo na ang mga kilay.
"Eh kayo lang naman kase ang nilapitan niya kanina. Eh diba obvious na malalaman mo kung saan siya pumunta. Asan ba utak mo?" Sumbat naman ni Vanmesa pabalik.
*
*
*
*
*
*
At.... Nag-aaway na naman sila. Hobby na to nilang dalawa, no need to worry."Okay class, let's start our lesson! Everybody go back to your seats."
Agad namang naputol ang pag flip-flop nila Dawn sa likod at nagsimula nang bumalik sa kani kanilang upuan.
"Wait. Where's the transferee?" Tanong ni miss.
"Miss, hindi mo namin alam. Kanina po nang nasa canteen kami, bigla nalang siyang tumayo at umalis. " saad naman ni Raine na nakisali rin pala sa flip-flop kanina.
"Oh okay. Let's start our lesson, open you books in page 35." Binuksan namin ang mga libro namin.
Tinignan ko ang page 35. May naka sketch dito na parang portrait ng isang lalake. Medyo na weirduhan ako kase Math ang subject namin ngayon pero sketch ng isang lalaki ang nasa libro ko. Ti-nry kong kunin sa pagbabasakaling inipit lang to pero I failed. Talagang part siya at printed siya sa book.
"Raine, patingin nga ng libro mo."
"Eh? Bakit? Wala ka bang libro?"
"Hindi, may titignan lang ako saglit."pumayag naman siya at binigay sa akin ang libro. Agad kong pununta ang pahina 35. Walang sketch. Puro equation lang ang nasa book niya.
"Ah Raine, thanks." Binalik ko sa kanya yung libro.
"Bakit pala Kiah? May problema ba sa libro mo?" Sabi niya at pabiglang kinuha ang libro ko.
"Eh? Bakit iba ang nasa page 35 mo, Kiah?"
"Anong nangyayari? Bakit kayo naguusap diyang dalawa?" Tanong ni miss na may halong pagtataka.
"Eh miss yung libro kasi ni Kiah eh ang weird! Tignan niyo po!" Sabi ni Raine sabay abot kay miss.
------------------
Sorry po!! Short ud :( busy po kasi sa school eh, field demo pa :( natagalan tuloy ang ud, pero pramis siguro mamaya na naman ako magu-ud 😊 tsaka every teusday, thursday at saturday lang po ako magu-ud starting today po~😊😊 wavyou guyyysssuuueee~😍😘
YOU ARE READING
Last Letter
General FictionThis is a story.... Where promises, must be made and kept. In his letter,someone's life is depended on it. Someone's future depends on it.