Chapter 4: Vonn

4 0 0
                                    


#~'#

"Kiah sasabay ka ba?" Tanong ni Dawn sakin nang matapos ang aming klase.

"Hindi pa, kailangan ko pang bumili ulit ng libro sa math."

"Ay, oo nga pala. Okay, una na'ko Kiah ah. Byeeee!" Paalam niya. Ba't ba naha-hyper siya pag kaming dalawa lang ang magkasama? Eh ang sungit nun. Haha.

"Okay, Dawn. Ingat ka!" Sabi ko.  Agad naman siyang umalis. Lumabas na rin ako sa room at pumunta sa locker area. Kinuha ko yung mga notebook ko, marami na namang assignments. Naglakad na ako patungo sa school supply.

"Ate, meron pa po ba kayong Math book ng grade 10?" Oo graduating nako.

"Ay miss sorry, out of stock na eh. I will tell the supplier tomorrow na lang miss, pero medyo matagal pa bago ma ship yung mga books." Paliwanag ni ate.

"Oh. Okay po ate. Salamat." Saad ko at umalis na.

Naglalakad nako sa hallway nang biglang nag ring ang phone ko.

"Anak, di kita masusundo ngayon, may urgent business trip ako. I'll send you money tomorrow okay?  Tsaka andun naman ang kuya mo sa bahay, kakauwi niya lang." Sabi niya.

"Oh. Okay mom. And mom pwede mong dagdagan ang allowance money ko? Kailangan ko kasing bumili ng bagong math book."

"Oh, really? Okay. I have to go, anak. Love you." Sabi niya at nag hang up na.

Binalik ko na sa bag ang phone ko at nagsimulang maglakad. Medyo madilim na, at nagugutom na ako.

"Oh ija? Di ka pa pala nakalabas?"tanong ni manong guard.

"Opo manong eh, may inasikaso lang po."

"Ah, sige. Mag-ingat ka ija." Saad niya at binuksan ang gate.

"Salamat po manong." Sabi ko at lumabas na ng campus.

Naglalakad pa ako patungong bus stop ng biglang umulan. Shems naman to eh! Bakit ngayon pa umulan? Nakkabadtrip!

Binilisan ko na lang ang paglakad ko hanggang sa tumakbo na talaga ako. Nakarating nako sa pedestrian lane at tatawid na sana nang biglang huminto ang ulan. Eh? Bakit may naririnig pa rin akong mga patak ng ulan? Tumingin ako sa taas. Nakita ko na lang na may pumayong pala sakin. Di ko na namukhaan, pero lalaki siya. Medyo may katangkaran, naka jacket na denim blue, naka cap na black at mask.

"Hindi ka dapat nagpapaulan."

"Uh-eh wala kase akong payong. Kaya--"

"Tumawid na tayo."

Di ko na tinuloy ang sasabihin ko at tumawid na kami. Nagpasalamat na ako sa kanya at pumunta na sa bus stop nang napansin kong papunta rin siya sa bus stop. So... Pareho kami ng pupuntahan?

Nang dumating yung bus ay pumasok ako at umupo dun sa pinakalikod.

Napansin kong pumasok din siya at umupo sa unahan ng inuupuan ko.

Umandar yung bus. Medyo malayo pa ang lugar namin kaya nagpasya akong umidlip muna.
*
*
*
*
*
Nagising ako at sakto namang huminto yung bus sa lugar ko. Ako na lang pala ang naiwang pasahero sa bus. Kaagad na akong bumaba sa bus at huminto na rin ang ulan, kaya napagpasyahan kong bumili ng pagkain sa 7/11.

------
Pumasok ako sa loob at pumili na ng makakain. Nagpaikot-ikot ako nang makita ko ang mga pagkaing gusto ko.

Doughnuts and chocolates~

Bumili ako ng tatlong doughnuts at apat na chocolates, kase naremember kong nasa bahay na pala si kuya. Galing kase siyang US. Isa siyang model ng isang sikat na clothing line. Ngayon lang ata siya binigyan ng break ng company.

Last LetterWhere stories live. Discover now