Vale's PovWalang nagsasalita samin sa loob ng sasakyan simula pa kanina, hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nandito si Gong Yoo at kung anong kinalaman niya sa mga nangyayari.
Nagpakawala muna ako nang buntong hininga bago ko siya tinanong, "Pano mo nalaman na nandito ako? Paanong kilala mo ako?"
Tinitigan niya muna ako bago nagsalita, "Sometimes, it's better to not know the truth, because sometimes the truth is the main reason why our life became ruined." Makahalugang sabi niya. So, magugulo ang buhay ko kapag nalaman ko ang katotohanan?
"Maghintay ka lang Vale, malilinawan ka din. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang lahat." Napangaga ako hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil nagsalita siya ng tagalog! Mukhang sanay na sanay siyang magsalita ng tagalog!
"Paan-nong marunong kang magsalita ng tagal-log?" Nauutal kong wika.
"No reason." Wika niya.
"No reason? Are you kidding me? Everything happens for a reason! So everything must have a reason!" I hissed.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nanatili lamang siyang nakatulala sa kalsada.
Binuksan ko ang cellphone ko at nakitang maraming missed calls doon si Deim at si Lola. May mga text din sila doon pero hindi ko pinansin, nanatili lamang ang mga mata ko sa taong naka-wallpaper sa cellphone ko.
Hindi ito yung inaasahan kong pagkikita natin. I thought it will be in the arena not in this forest. Sobrang masaya ako dahil nakita kita ngayon, pero hindi ko parin mapigilan ang sarili kong magtaka. Why is this so f*uking complicated?!
Nilingon ko siya at nakitang hindi manlang nagbago ang posisyon niya simula pa kanina, nakatulala at mukhang malalim ang iniisip.
"Stop staring." Nagitla ako sa biglaang pagsasalita niya. Umiwas ako ng tingin at itinuon na lang ang atensyon ko sa kalsada. This is so embarrassing!
"Ahmmm... I t-think I should go home. My grandmother is so worried about me."
"Gabi na, masyadong delikado. May rest house ako malapit dito, doon ka na lang muna magpalipas ng gabi." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil pinaandar na niya ang makina nang sasakyan.
Nanatili ang mga mata ko sa kalsada habang umaandar ang sasakyan. Minsan talaga magugulat ka na lang sa mga nangyayari sa buhay mo. May mga bagay na biglang nalang dadating sa buhay mo nang hindi mo inaasahan. Sabi nga nila, 'Expect the unexpected.' Ang hirap naman ata nun, aasahan mo yung bagay na hindi mo gusto. Sa imahinasyon na nga lang tayo umaasa diba? Tapos magiging ganito pa.
Nagpakawala ako nang isang buntong hininga. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon, pero umaasa akong magiging maayos din ang lahat.
"Don't think too much." Seryosong wika niya at pinatay ang makina nang sasakyan.
Umuna na siyang maglakad papasok sa loob ng bahay, habang ako ay nasa labas parin. Nakatingin sa puting bahay na nasa harapan ko. Sobrang pamilyar, parang nakita ko na ito dati. Parang hindi ito ang unang pagkakataon na makarating ako dito.
"Hindi ka pa ba papasok?" Tanong niya, habang nakahawak sa doorknob ng pintuan.
"Susunod na lang ako. Mauna ka na." Wika ko.
Pinilit kong alalahanin kung kailan ako unang nakapunta sa bahay na ito, ngunit humantong lang ang malalim na pagiisip ko sa pagsakit ng ulo ko.
Umupo ako sa isang sofa, pagkapasok ko sa loob ng bahay. Simple lang ang rest house na ito pagkapasok sasalubong na agad sayo ang living room, nasa kanan naman ang kusina, at nasa harap naman ang three step stair papunta sa dalawang kwarto. Mukhang nasa kwarto si Gong Yoo, marahil nagbibihis na yun ngayon.
Dahil sa sakit ng ulo at dahil na rin siguro sa pagod nakatulog na ako dito sa sofa.
...
"Kanino pong bahay to?" Nagtatakang tanong ko.
"I own this house."
"Magisa lang po ba kayo?" Tanong ko ulit.
"Oo. Sanay ako na walang kasama, mas gusto kong ako na lang magisa kesa makasama yung mga taong hindi ko gusto." Mahabang lintanya niya habang nakatingin sa bahay.
"Nararamdaman ko pong napakabuting tao niyo, kaya nakapagdesisyon na ako." Sabi ko.
"Anong desisyon?"
"Papakasalan po kita kapag nasa tamang edad na ako. Dahil tinulungan mo po ako noong mga panahong sobrang lungkot ko."
"Hahaha. Bata ka pa para magisip ng mga ganyang bagay. Ang cute mo talaga." Sabi niya at kinurot ang pisngi ko, at ginulo ang buhok ko.
...
Nagising ako bigla. Saan nanggaling ang mga imaheng yun? Bakit ako nandun? Bakit parang totoo lahat ng yun at hindi panaginip?
Pilit kong inalala ang mukha nung lalaki dahil sobrang labo ng imahe niya sa panaginip ko. Pero lalo lamang sumakit ang ulo ko, dumoble ang sakit nito kumpara sa kanina. Mukhang walang magandang naidulot ang pagtulog ko.
Tumayo ako kahit medyo nahihilo ako para pumunta sa kusina at kumuha ng maiinom. Ngunit nang dumating ako doon, ay sumalubong sakin so Gong Yoo na mukhang kakatapos lang maghain ng mga pagkain sa lamesa.
"Pupuntahan na dapat kita para gisingin, pero gising ka na pala. Kumain ka na." Wika niya at umupo na sa upuan.
Umupo na rin ako. Bigla akong ginutom nang makita ko ang mga pagkaing nasa harapan ko, nagkataon pang paborito ko ang mga pagkaing niluto ni Gong Yoo. Caldereta, adobo at fried chicken ang mga niluto niya. Heavy meal pero wala na akong pake, ikaw ba naman habulin ng may sira sa na tao hindi ka ba magugutom?
"May gamot ka ba dito sa sakit ng ulo?" Tanong ko pagkatapos kong kumain.
"Bakit? Sobrang sakit ba ng ulo mo?"
"Hindi naman. Pero mas okay na ring uminom ako ng gamot para hindi na sumakit pa."
"Wait titingnan ko kung meron pa dito." Wika niya at binuksan ang isang maliit na cabinet na malabit sa lababo. Nang mukhang nakita na niya ang gamot na hinihingi ko ay bumalik na agad siya sa upuan niya at ibinigay sakin ang gamot. Agad ko naman itong ininom.
"So, anong itatawag ko sayo? Gong Yoo? Ahjussi? Oppa?"
"You can call me Bryan, that's my english name." Wika niya.
"You don't like to be called Oppa? Waeyo?"
"No reason." Sabi niya ata dinala na sa lababo ang mga pinagkainan namin.
"Yan ka na naman sa no reason mo! Hindi ba naituro sayo na lahat ng bagay ay may rason?!" Iritadong sabi ko sa kanya habang nakatayo sa harap ng countertop.
"Bakit ba masyado kang curious sa buhay ko?" Wika niya at lumapit sakin halos magkadikit na ang mga ilong namin dahil sa ginawa niya. Kaya naman napaatras ako ng hakbang.
"Bakit ka umatras? Did I do something wrong?" Inosente niyang tanong.
"T-tse!" What the hell is that?! Is he out of his mind?! Dapat hindi ka kinikilig Vale! Dapat magalit ka kasi hindi niya sinabi sayo kung bakit niya alam ang pangalan mo!
Pero bakit hindi ko parin mapigilang mapangiti. Letcheng puso to, taksil!
-------------------------------------------------------------
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
My Sweetest Nightmare
FantasyDo you ever dreamed of something, that will never happen? Something that will stay as your imagination. Something that you can't reach. Something that will never be yours. But, you still hope that someday that something will became your reality. Bu...