Vale's Pov
It's been one week, matapos naming pumunta ni lola doon sa mansyon. At isang linggo na rin akong nababaliw kakaisip kung sino yung tinutukoy nila lola, at kung bakit bawal pa nilang sabihin sakin.
Hindi ko din naman matanong si lola kasi baka hindi ko rin matanggap lahat ng sasabihin niya. Sising-sisi ako ngayon na pinakinggan ko pa ang pinagusapan nila, dapat pinakinggan ko na lang si lola at naghintay sa sala ng mansyon.
"Vale! Are you with me?" Natigil ang malalim na pag-iisip ko dahil sa boses ni Deim.
"Nung isang linggo ka pang ganan, ano bang problema mo? Simula nung umuwi galing sa bahay ganyan ka na. Kaya nga kita niyaya ngayon mag-mall para naman mabawasan yang pagiging tulala mo, pero wala paring epekto." Wika ni Deim.
Bumuntong hininga ako. "Ewan ko Deim. Gulong-gulo na ako!" Wika ko at isinubsob ang mukha sa lamesa nitong cafe na pinuntahan namin ni Deim.
"Anong gulong-gulo? Ano ba talagang problema mo Vale? Bakit ba ayaw mong sabihin sakin?"
"Sasabihin ko rin sayo to Deim, pero hindi pa ngayon. Kapag nakasigurado na ako saka ko sasabihin sayo ang lahat." Wika ko habang nakasubsob pa rin ang mukha sa lamesa.
"Sige maghihintay ako. Para naman mabago yang mood mo may sasabihin ako sayo."
"Ano?" Walang ganang sagot ko.
"May exact date na ang fanmeeting ni Gong Yoo at Kim Go Eun dito sa Pilipinas."
"Exact date ng fanmeeting ni Gong Yoo?" Wala pa ring ganang sabi ko.
"Oo." Wika ulit ni Deim.
Umayos ako ng upo at tiningnan si Deim. Fanmeeting Gong Yoo? Fanmeeting n--- unti-unting nagsi-sinkin sa utak ko ang sinabi ni Deim. Nanlaki ang mga mata ko.
"Seryoso?! Kailan?! Bakit ngayon mo lang sinabi sakin?!" Sigaw ko sa kanya.
Binatukan ako ni Deim. "Mahiya ka nga Vale! Wala ka sa bahay!" May diing pagkakasabi ni Deim.
Dahan-dahan kong inilibot ang mata ko sa buong cafe, mukhang napalakas ata ng konti yung boses ko.
"Hehe, sorry. Tara na lumabas?" Yaya ko sa kanya dahil sa sobrang kahihiyan.
Pagkalabas namin ng cafe tinanong ko agad si Deim. "Bakit nga ngayon mo lang sinabi sakin? May halong inis na sabi ko kay Deim.
"Pasalamat ka nga, sinabi ko pa. Kung hindi ako mabait baka hindi ko na sinabi sayo." Wika niya at naglakad papunta sa forever 21.
"Grabe ka! Kung sana sinabi mo nang mas maaga para mas makausap mo ako ng ayos!" Sabi ko at pumasok sa loob ng stall.
"Duh! Kagabi ko lang nalaman." Sabi niya habang namimili ng damit.
"Kailan ba daw yung fanmeeting?"
"Sa August 16 pa naman. I think one week lang dawa sila dito sa Pilipinas."
"Daebak! Kailan daw yung ticket selling?"
"Sa July 10. Teka nga! Bakit ba tanong ka ng tanong sakin? Pwede mo namang gamitin yang cellphone mo! Nagmumukha tuloy akong fan ng Gong Yoo na yan." Sabi niya saka ako inirapan.
"Bakit kasi ayaw mo pang aminin? Alam kong may gusto ka din sa asawa ko!" Pabiro kong sabi.
"Gusto? Naririnig mo ba yung sinasabi mo Vale? Mas gwapo pa dun si Russell Reyes! Saka ang tanda na nun! Di katulad ni Russell BATA PA!" Pang-aasar niya sakin.
"Mas? So, nagagwapuhan ka r---"
Pinutol niya ang sasabihin ko. "Hep! Hindi no! Let me rephrase that! Gwapo si Russell Reyes! Tapos! Period! Padlock! Tapon susi!" Natatawa niyang sabi.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Nightmare
FantasíaDo you ever dreamed of something, that will never happen? Something that will stay as your imagination. Something that you can't reach. Something that will never be yours. But, you still hope that someday that something will became your reality. Bu...