The Band Member, Jaywille (Chapter 1)

181 8 7
                                    

THE BAND MEMBER, JAYWILLE

First shot.

JAYWILLE ATTENBOROUGH

[Jamaine]

"...When you hear this chorus,

Do you miss the way the world was spinning for us

Do you hurt the way that I do

After all this time, you

Leave me broken

This song is every word I left unspoken

When you hear this girl, I'm hoping

That you'll think of us

That you'll think of us

Baby, I sorely miss the vibrant gleam that's in your eyes"

Ang ingay ingay sa paligid ngayon. Acquaintance party kasi namin dito sa school. Panay ang tili ng mga babae. Ferocious Serenity kasi ang nasa stage for their intermission number. Pero kahit na maingay, parang tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Kahit na maraming tao, sa iisang tao lang nakafocus ang paningin ko.

Sa long-time crush kong si Jaywille Attenborough.

'Long-time' kasi mula pa lang nung magtransfer sya sa school namin na ito noong grade 4 pa lang ako, crush ko na sya. At hanggang ngayong 4th year na ko, crush ko pa rin sya.

E, sino ba naman kasing babae ang hindi magkakacrush sakanya?? Unang una, vocalist sya ng banda nilang Ferocious Serenity. Meaning, nakaka-inlove ang boses nya sa ganda nito. Yan nga o. Katatapos lang kumanta, kilig na kilig na ang mga dalagita.

Pangalawa, ang gwapo gwapo gwapo gwapo nya!! English kasi ang tatay nya. May lahi syang foreigner. Mestizo e.

Pangatlo, ang bango bango nya. Napadaan kasi sya sa harap ko nung isang araw. Grabe lang. Ultimo yung deodorant nya, nasagap ng pang-amoy ko.

At higit sa lahat, napakabait nya. Namimigay sya ng piso sa mga nangangailangan. Nahingan ko na nga yan e.

"JAMAINE!" natauhan ako ng sumigaw ang mga bestfriends kong sina Pearl Angelica Romero, Czarina Faye Ongsiako, Jana Zehnila Casedo, at Lara Mae Garrido.

Oo. Apat ang bestfriends ko. Apat rin ang nang-istorbo sa pagpapantasya ko.

"KAILANGANG SUMIGAW SA TENGA KO?!" naiirita kong sigaw sakanila.

"BWAHAHAHAHAHAHAHA!!" tinignan ko sila ng masama. Ang tatapang talaga ng mga ito. Nairita na nga ako, nakuha pa kong tawanan.

"Anong nakakatawa?" tinaasan ko sila ng kilay pero di nila ako pinansin at nag-usap na para bang di ako nag-eexist.

"Panigurado si Jaywille na naman ang iniisip nyan." sabi ni Pearl sakanilang tatlo.

"Malamang yan girl. Bukod kasi sa pag-iisip sa quiz natin, si Jaywille lang ang nakakapagpatulala jan." -Lara.

"Korek! Hanggang ngayon kasi gang tingin lang sya kay Jaywille." -Jana.

"Oo nga! Biruin nyo ha, grade 4 pa nya crush si Jaywille pero di man lang nya masabi dun sa guy. Tsk tsk." -Czarina.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa mga pinagsasabi nila. Tama daw bang pag-usapan ako nang ganun?!

Binatukan ko sila isa-isa.

"Aray!!" -Czarina.

"Ouchness!!" -Jana.

"Masakit yun ah!" -Pearl.

"What was that for?!" -Lara.

"Napakabaet nyong mga kaibigan. Pag-usapan daw ba ko ng harap-harapan?! Mamamya may makarinig sa inyo jan e!"

"E kasi naman sis, tulala ka na naman. Wala ka sa sarili mo. Tunaw na tunaw na si Jaywille sayo e." paliwanag ni Lara.

Sinimangutan ko silang apat sabay irap at tingin sa stage kung saan may nagsasayaw na. Ni hindi ko man lang nakitang bumaba ng stage si Jaywille. "Magagawa ko? Gang tingin nga lang ako di ba??"

"Magtapat ka na kasi! Sige ka. Baka mamaya, magsisi ka pag nalaman mong may girlfriend na yan. Naku." -Pearl.

"Hello? Babae ako. Conservative. Ako pa magtatapat?" pabalang kong sagot

"Ano ka ba! Alangang sya ang magtapat? May crush ba sya sayo??" -Czarina.

Kinilig ako sa tanong na iyon ni Czarina kaya di ko napigilan ang ngumiti. "Ewan. Sana."

"Malala ka na te." -Lara at Pearl.

"Oo. Sobra." -Jana.

"As in." -Czarina.

Di ko na lang sila pinansin at nanuod na lang ulit ako sa grupong nagsasayaw sa stage.

Maya-maya pa, biglang nagbago ang takbo ng mga kanta. Natapos na kasi ang mga mag-iintermission kaya naman slow dance na. Kanya-kanyang pick-up ng makakasayaw ang mga tao sa school grounds. At ako? Eto, nakaupo. Katabi sa Sadako. Kausap si Mojako. Ka-bonding si Naruto. Sa madaling salita, tambay sa sulok. Yung apat kasi, ayun. May kasayaw na.

"Hi. Pwede ka bang maisayaw?" may lalaking nagtanong sa likuran ko pero di ko sya nilingon.

"Hanap ka ng iba. Di ako available. Kausap ko si Naruto." pagsagot ko dito. Narinig ko ang pagtawa nya pero wala akong pake. Di ko pa rin sya nilingon.

"Ipakilala mo na lang ako kay Naruto. Idol ko yan e." sabi ng lalaking nasa likod ko pa rin. Kulit din ng isang to e.

"Wala na sya. Naglaho na. May mission pa daw sya. Si Sadako na ang kausap ko ngayon." natawa na naman sya. Baliw na ata.

"Anong sabi sayo ni Sadako?"

"Sabi nya, RAWRRR."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Grabe! Mamamatay ako kakatawa sayo! Hahahahaha!" di ko pa rin sya nililingon. Mamaya kamuka pa nya si Shobe e. Matakot lang ako. At isa pa, natatawa na rin ako sa mga pinagsasasabe ko.

"Uy Jaywille!! Ano? Bat di ka nagsasayaw sa gitna?" nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pangalan nya mula sa likod ko.

JAYWILLE?? JAYWILLE DAW?

Unti-unti kong iniikot ang ulo ko para makita ang nasa likuran ko at halos malaglag ang panga ko sa lalaking nakatayo sa likod ko.

SI JAYWILLE.

Shetlaks!! Nakakahiya ako!!

Pero wait..

He asked me to dance with him?!

The Band Member, Jaywille (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon