The Band Member, Jaywille (Epilogue)

111 8 1
                                    

THE BAND MEMBER, JAYWILLE

Ending shot.

EPILOGUE

[Jamaine]

"Ano ka ba naman te! Bat ka nakipagbreak?! Di ka muna nag-isip bago mo gawin yun!" pagtatalak ni Lara sakin.

"E--" sasagot pa lang ako pero di ko na naituloy dahil nagsalita na si Czarina.

"Grabe ka! Di mo muna sya hinayaang magpaliwanag!"

"E k---" si Pearl naman ang pumigil sakin magsalita.

"Tanga mo rin te e! Naku!! Wag na wag mong pagsisisihan yan ha. Wag kang makangawa-ngawa jan mamaya."

"Te---" at si Jana naman.

"Ewan ko ba sayo te!! Ang labo mo talaga. Tss!"

Talagang ayaw akong pagsalitain?! Mga bruha talaga tong mga bestfriend ko! Naku!!

Tatalakan na sana nila ako ulit pero inunahan ko na sila.

"PWEDENG AKO MUNA ANG MAGSALITA?! PWEDE? HA?! NAKNANGTETENG NAMAN E!" napatigil sila at tumahimik na.

Kaya sila ganyan sakin e dahil sa nakipagbreak ako kay Jaywille.

Oo. Kami na. Halos 5 months din syang nanligaw sa akin noon at kagabi lang, tinapos ko ang 3 years naming relasyon.

Nakita ko kasi syang may kaakbay na babae sa mall kahapon. Ang lakas ng loob nyang mambabae!! Hindi sya pumayag na makipaghiwalay sakin pero nagalet talaga ko ng husto kaya di ko sya pinakinggan. TSS.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Kasi naman mga te! Kayo kaya! Makita nyo yung boyfriend nyo na may kaakbay na ibang babae., di ka ba naman maiinis at magagalit? Niloloko na nya ko nu! Alangang balewalain ko yun?!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Ok girl. Sabihin na nga nating may kasama nga syang iba. Pero naman Jamaine!! You should've at least listened to him. Dapat di galit yung pinairal mo. Nakipagbreak ka agad e!" -Czarina.

"Tama! Ay talaga te. Ang bruha mo. Sa bar ka pa nakipagbreak! Hinayaan mong sundan ka nya sa bar?! Grabe to!" sabi naman ni Lara sabay tulak ng mahina sakin.

"Hay naku!! Dapat talaga pinakinggan mo muna yung tao!" -Jana.

"Sayang yung 3 years te! 3 YEARS!" -Pearl.

"Tsk tsk. Bara-bara kasi sa desisyon e." pagsabat naman ng Mommy ko sabay lapag ng makakaen sa lamesa ng sala namin.

Ako na'ng mali. Ako na'ng pinagtutulungan nila. Ako na'ng di marunong makinig. Ako na talaga.

Nakakadala naman kasi ng emotions e. Kaya ayun. Napapunta ako sa isang bar pero di naman ako uminom. Gusto ko lang magwala. Malay ko bang susundan nya ko matapos ko syang sigaw-sigawan dun sa mall. Eskandalosa nga ako e.

"Oo na. Ako na ngang mali. Kainis naman kasi talaga yun!!" kumuha ako ng cupcake at isinubo ng buo sa bibig ko. "Bwooshet pfnamon kfshi ffyown."

(Bwisit naman kasi yun.)

"Ba yan te! Manners nga! Talsik-talsik na yung crumbs ng cupcake o!" saway sakin ni Jana.

"Hay naku. Hayaan nyo na. For sure yan, nanghihinayang na sya sa pagpapakawala nya kay Jaywille." tinignan ko ng masama si Lara sabay inom ng juice.

The Band Member, Jaywille (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon