I Love You since 1892 - UndeniablyGorgeous // a review

3.6K 164 44
                                    

Highest Rank: #1 in Historical Fiction

Story Description:

Meet Carmela Isabella ang spoiled maldita na nabitter sa pag-ibig pero lahat ng iyon ay magbabago nang bigla siyang napunta sa unang panahon, in the year of 1892. Oo tama kayo, panahon pa nila Jose Rizal. Natuklasan ni Carmela na may dalagang nabuhay noong 1892 na sobrang kamukha niya at ito ay si Carmelita Montecarlos ang bunsong kapatid ng kaniyang lola sa talampakan. Para makabalik siya sa 2016 kailangan niyang baguhin ang mapait na kapalaran na sinapit ni Carmelita dahil sa pag-iibigan nila ni Juanito Alfonso. Pero paano na lang kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay ma-inlove siya sa lalaking nasa ibang panahon? Ang spoiled brat ng 2016 na si Carmela ay nainlove sa gwapong gentleman ng 1892 na si Juanito, posible kaya to? Samahan niyo na ang makulit at sobrang epic na adventure ni Carmela sa panahon pa ng Espanyol... muli nating balikan ang love story of 1892.


Status: Completed

Genre: Historical Fiction, Humor, Romance, Adventure, Poetry

Review: I checked the reviews about it on Facebook and I decided to give it a try. Totoo kaya ang sinasabi ng lahat na maganda ito?

Totoo.

Sa mga unang kabanata pa lang, ang havey na sakin. It's my first time to read a Tagalog na historical fiction and it didn't disappoint me. Pag binabasa ko 'to, hindi ko mapigilan ang tawa ko kahit na sa mga seryosong sitwasyon.

I must say na I can visualized this story as a teleserye or movie na pwedeng ipantapat sa mga Kdrama na kadalasan ay nasa Joseon era. Basta dapat maganda ang movie quality. Alam naman natin minsan ang movie ng mga Pinoy.

In Korea, they have many historical dramas. Why can't we? Para mas maging aware ang mga Pilipino sa nakaraan nila. To celebrate our nationality as a Filipino. Nasakto na nabasa ko to noong Buwan ng Wika kaya mas naapreciate ko talaga. While reading this, I realized that I hope we can bring back the old good cultures of the Filipino. Bakit noon ay napakadali sa kanila gumawa ng tula, bakit ang lahat noon ay matatas magsalita ng Tagalog? Bakit noon ay napakataas ng respeto sa mga kababaihan?

Noong nag-aaral ako ng History sa paaralan, hindi ko ma-appreciate ang mga ito. I thought all of it was corny. Why not? We're living in the modern world kaya. But in this story, it portrayed things that were not bad at all. Na maganda naman pala. Imagine all people now having the same values as the past and speaking like the old times? It would be amazing. Mas nakakamangha ang pagiging matatas sa Tagalog–nakakagwapo lalo na kay Juanito.

Best of the Best: Wattpad StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon