🌻 VerKwan pt.¹

491 14 1
                                    


"HA?!?!" napatingin ako kay Seungkwan na gulat na gulat nitong tinititigan ang papel niya.

"Ano bang problema, Seungkwan? Mataas naman score mo ah?" tanong ng katabi niya, si Jeonghan hyung.

"Hyung, tingnan mo naman oh!? Eh, 97 lang ako!!" I shake my head dahil sa lakas ng boses ni Seungkwan. Tsk, di pa ako nasanay.

"Sus! Buti ka nga 97 eh. Ako 55 lang hihihi!"

"Bakit natutuwa ka pa jan hyung? Huhu.."

Weirdos. Kung yung isa natuwang bagsak pa siya, ito naman si Kwan hindi marunong matuwa na mataas na ang nakuha niya sa exam. Tsk, bakit kasi may seating arrangement pa? tuloy ako nasa likod ng dalawang ito.

*BLAG!!!

Nabigla pa ako ng ihampas ni Seungkwan ang dalawang kamay niya sa desk ko. Here we go again...

"Ikaw naman?! Anong score mo?!" Hindi na ako nagsalita at pinakita na lang sa kanya ang test paper ko baka kasi hindi na naman siya maniwala pagsinabi ko lang.

"99?!! Dapak..." for a moment nakita kong may dissapointment  sa mukha niya pero agad ding nagliyab ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Vernon.." bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at tinitigan ako, mata sa mata.

"A-ano?"

"Pag-isipan mo itong sasabihin ko sa'yo. Wag ka ng mag-aral, magtrabaho ka na."

"What the fck?"

"Hoy! Masama magmura!" Napatakip tuloy ako sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya.

"Oo na! Oo na, geez.."

Boo Seungkwan, kilala bilang 'second best' sa klase namin at ako ang nangunguna. Tsk, actually hindi ko alam kung ano problema niya at laging gustong manguna sa lahat ng bagay.

Stupid.

"Mabuti naman. Ayt! May ibibigay pala ako sa'yo!" bigla niyang kinuha ang bag niya at pinatong sa desk ko.

"Jeonghan hyung pwedeng mauna ka na sa cafeteria? Susunod na lang ako hehe." sabi ni Seungkwan kaya napatango na lang si hyung.

"Sige, dalian mo ah." pinanood ko lang si hyung na naglalakad palabas habang si Seungkwan hinahanap na yung bagay na ibibigay niya daw sa akin.

"Ito pala oh! Sa iyo na lang." tiningnan ko tuloy ng nagtataka ang maliit na bagay na hawak niya.

"What's that?"

"Its obyusly keychain! Ano ba? Binibigay ko sayo ayaw mo pa kunin!" Kinuha niya naman ang kamay ko at nilagay sa palad ko ang maliit na keychain.

"Bakit mo binibigay sa akin ito?"

"Wala naman. Ikaw naisip kong pagbigyan niyan eh. Kaya  sayo na lang— Ay! Una na pala ako ah hehe! Baka hinihintay na ako ni hyung!" mabilis niyang sabi at kaagad kinuha ang bag niya palabas.

"Una na ako Bernoo!" sigaw niya ng makalabas na siya ng classroom kaya naiwan ako dito nang nag-iisa.

Napatingin tuloy ako sa bagay na hawak ko.

Isang keychain na baboy.

Pinisil-pisil ko tuloy ito sa palad ko saka natawa ng mahina dahil sa nakakairita nitong nakangusong pagmumukha.

"Kwannie.." fck, its cuteness.

Seventeen Otp • short storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon