"Hello?""Nasaan ka na ba, Minghao?"
"A-ano.. nasa pus—"
"Takte, wag ka na namang pumick up. Baka mamaya babaan mo na naman ako." naiirita kong sabi. Nakakainis nga dahil kagabi pa siya ganyan. Nagpi-pick up tapos biglang babaan ako.
"Nandito sa cafe Jun."
"Teka.. ikaw ba yung nakamascot na penguin?"
"..."
"Pfft! Hoy ano ginagawa mo? Saan ka pupunta.— Oy!" Nagsimula na din akong tumakbo ng makita ko siyang nagmamadaling lumayo sa may cafe.
"Huuy!" para siyang tanga. Bigla kasi siyang bumagal. Pfft! Naka mascot suit kasi kaya alam kong hirap din 'tong kumilos.
"E-ey! Teka! A-anong ginagawa m-mo?! Aaaah!" natatawang niyakap ko ang katawan niya mula si likod at inikot ng maabutan ko siya. Punyeta nakakatuwa naman itong si Minghao. Hahaha!
Bigla namang nahulog ang suot niyang penguin na ulo kaya mas lalo akong natawa lalo na pilit niyang kumakawala sa yakap ko.
"Teka! Junhui, marami ng nakatingin sa atin!" at oo nga, napansin kong marami ng natatawang nanonood sa amin pero wala akong pakialam.
"Anong pake ko?" simple kong sabi at pinulot yung ulo niya— I mean yung ulo ng penguin, nyeta.
Nang makalayo na kami, pansin ko na marami pa ring nakatingin sa amin dahil siguro sa kasama ko.
"Bakit ka ba nakamascot ng penguin?"
"Trabaho ko kaya ito!" napa-pout naman siya at bigla na lang ako binigyan ng flyer na dala niya.
"Aah.. haha! Ang cute naman."
Mukha namang nagulat si Minghao sa sinabi ko kaya maski ako din. Taena, nanggaling ba talaga sa bibig ko iyon?!
Hindi na lang ako nagsalita at umiwas ng tingin sa kanya. Tahimik naman kaming pumunta sa cr dahil daw tatanggalin niya yung costume na suot niya.
"Ma-magpapalit lang ako ah.. tapos simulan na natin hehe." sabi niya ng makarating kaming banyo.
"Paano kung ayaw ko na pala?"
"Huh?! Pumayag ka na uy! Atsaka nandito ka na din naman saka ka pa aatras? Sige ka, talagang ipapakita ko yung pic niyo sa sch—"
"Oo na! Sige na! Takte naman.." napakamot na lang ako sa ulo.
Ang deal kasi pag nakipag-date ako sa kanya ngayong araw, ide-delete niya na din daw kaagad yung pic at vid namin ni Dino na nanonood ng porn. Pakshet talaga.
"Hehe sige!" ng nilapit niya ang mukha niya sa akin, napansin kong pawis na pawis siya pero kahit ganon ang bango ng amoy niya at di amoy ewan tulad ng iba.
Naramdaman kong dumampi ang labi niya sa pisngi ko kaya napalaki ang mata ko.
*Dug dug! *Dug dug!
Syete.. pakiramdam ko nakuryente buong katawan ko. Mabilis naman siyang humiwalay at ngumiti ng matamis sa akin.
"Jaan ka lang ah! Labyu~!" gulat ko lang siyang tiningnan at pinanood na tumakbo sa cr.
Minghao Xu. Baliw talaga. Pati ako hinahawaan mo.
FIN 。
BINABASA MO ANG
Seventeen Otp • short stories
Fanfic❝You of yesterday & Me of tomorrow, I hope we have the Same Thinking, and we'll be Together Forever.❞ ✨ #1. svt otp short stories