"Uy! Bakit di ka pa kumain, Han?""Wala akong gana." tiningnan ko lang yung mga pagkain sa table at napatingin sa mga kaklase kong nagsisimulang kumain.
Naisipan ko tuloy itext si Joshua kung nasaan na siya at naiinis ako dahil ang tagal niya mag-reply.
To: Joshua Babeeee ♡
—Nandito sa mall Hannie.Abugh! Mukhang busy na siya sa 'chicks' niya ah?! Hnngg!
Napatingin tuloy ako sa katabi ko na si Kayze na nagli-lipstick na naman.
Anubayan, kakain na lang siya maglipstick pa? Bakit ba ang hilig hilig ng mga babae magmakeu--
Bigla tuloy nagliwanag ang mukha ko ng parang may bombilyang bumukas sa isip ko.
"Kayzeee."
"Ooh bakit?"
"Samahan mo ko sandali sa labas!" naningkit yung mata niyang nakatingin sa akin kaya kagad ko na lang siya hinila palabas at iniwan yung mga kasama namin.
***
"Baliw ka talaga!"
"Sandali lang naman please! Light lang naman di sobra." napailing na lang siya saka nilabas ang makeup kit niya ata. Puro kasi makeup nakalagay pagbukas niya eh.
"May bayad ito aah!"
"Oo na sige! Ililibre kita uli bukas." tuwang tuwa niya namang kinuha ang eyeliner at agad ako nilagyan sa mata nito. Letche! naluluha ako huhu!
Kahit na naiirita ako sa mga makeups na nilalagay niya sa mukha ko lalo na yung lipstick, keri ko 'to dahil kailangan kong magmukhang maganda ngayon. Psh, kailangang-kailangan!
Ilang sandali, binaba na ni Kayze ang brush na hawak niya at may mukhang namamanghang nakatingin sa akin.
"Perfect!"
***
"Joshuaaa!" hiyaw ko ng masagot ni Joshua ang tawag ko kagad.
"Hello Hannie?"
"Hindi ba nasa mall ka?"
"Oo, bakit Han?" napangisi tuloy ako. Humanda ka talaga sa akin Joshua. Ikaw at ng 'chicks' mo!
"Pwedeng ibili mo ko ng sweater?"
"Sweater?"
"Oo! Naalala mo yung binili mo sa ating couple sweater? Sa Pledis Shop ba iyon?"
"Hmm okay. Anong klaseng sweater ba gusto ng Jeonghan ko?" he asked in a sweet tone. Bwisit ka, Hong! Aaah! Pinapakilig mo kooo! Galit ako sayo, anuba!?
"Hannie?" rinig kong tawag niya sa kabilang linya. Kinagat ko muna dila ko bago sumagot.
"Kahit ano! Basta sweater Josh! At saka gusto ko special ah!"
"Spec—" bago pa niya tapusin yung sasabihin niya binabaan ko na siya ng tawag at inabangan dito sa katapat na store nung Pledis shop. Hah! Huhulihin kita ng 'chicks' mo bebe boy.
Nabigla ako ng tumawag naman si Joshua. Binabaan ko siya pero tumawag uli kaya sinagot ko na lang. Di ko siya matiis huhu..
"Bakit?"
"Okay bibilhin ko na pero kiss na muna."
"Anong kiss? psh.."
"Yung kiss mo. Pag hindi mo ginawa iyon, hindi ako bibili ng special sweater."
"Edi wag."
"Osige. Pupuntahan na lang kita sa inyo."
"Ya! Bilhin mo yung sweater!!"
"Kiss?" huminga muna ako ng malalim. Leche! Styles niya talaga!
"Labyu! Mwuapsss!" narinig ko naman siyang tumawa sa background kaya napa-pout ako.
"Love you too— Joshieee~! Tingnan mo ito oh!" Aba! Boses ba iyon nung chicks niya?!
"Ok lang naman." narinig kong sabi niya. Sa inis ko binabaan ko na lang siya ng tawag.
Ayos lang ako. Ayos lang talaga ako!!! ASDFGHJK*?!
Pumasok ako sa isang store katapat nung shop na sinabi kong puntahan niya. Nagkunwari akong tumingin-tingin ng mga damit dito sa loob para hindi ako mapansin ni Joshua.
Tumingin ako sa reflection ko sa salamin dito. At di ko mapigilang isipin kung ako ba talaga katapat ko ngayon. Jeske Hong! Magsisi ka pagnakita mo ko! Baka iwan mo pa babae mo ngayon pagnakita mo ko!
Nang makita ko si Joshua paputa sa shop, agad ako nagtago dahil baka mamaya makita niya ako.
Totoo ngang may kasama si Joshua na babae at nakayakap pa sa braso niya. Nang makapasok sila doon, kumalma muna ako bago lumabas sa pinagtataguan ko rito.
Mabilis akong naglakad papasok sa shop at kagad hinanap ng mata ko kung nasaan si Joshua.
"Jeonghannie?" biglang may humawak sa braso ko at si Joshua nga sa likod ko. Napaharap tulay ako sa kanya at nakita ko din yung babae sa tabi niya.
"Hannie? Ikaw ba yan?" gulat na gulat niya akong tiningnan at naalala ko na may makeup pala ako kaya ganyan na lang siya makatingin sa akin.
Tiningnan ko muna yung babae bago ako uli tumingin kay Joshua.
*PAK!
Nakita kong nabigla si Joshua sa ginawa ko at nakita kong namula yung kabilang pisngi niya sa sampal ko. Kaagad akong naguilty kasi yung itsura niya eh. Sorry Joshua huhu.
Tiningnan ko naman ang paligid namin at lahat tuloy ng customer dito sa shop nakatingin sa amin.
Dahang-dahan naman uli na tumingin sa akin si Joshua at mukhang nasaktan ko siya based palang sa mata niya.
"Bakit..." i cupped his cheeks this time at inilapit ang mukha ko sa kanya.
Para sa pambawi.
I kissed him.
Pikit na pikit ang mga mata ko ng dumampi ang labi ko sa kanya. 'Shet, its now or never Jeonghan.' sabi ko sa isip.
I bite his lower lip at napasinghap siya sa ginawa ko. Gusto ko sana tumawa kaya lang ang daming nakatingin sa amin ngayon, paq.
I quickly licked his upper lips and pushed him away. Tinakpan ko ang mukha ko pagkatapos at tumakbo palabas ng store.
"Aaahh! Hindi na talaga mauulit iyon!" sabi ko sa sarili. Habang nagmamadali na akong makalayo dito nakarinig ako ng mga hakbang palapit sa akin.
"Hannie!" at tulad ng idea ko. Hahabulin niya ako at iiwan niya yung 'chicks' niya.
I bite my lips para pigilan ang pag-ngiti ko. Kainis ka talaga Joshua..
FIN 。
BINABASA MO ANG
Seventeen Otp • short stories
Fanfic❝You of yesterday & Me of tomorrow, I hope we have the Same Thinking, and we'll be Together Forever.❞ ✨ #1. svt otp short stories