Napakamot ako sa ulo ko habang tinitingnan ang laman ng pitaka ko. Taena lang kung minalamas nga naman ako, nakasalubong ko pa dito si Jeonghan sa mall."Ibang klase.." bwisit talaga, kailan pa ako nagkakuto?! Hindi ko tuloy mapigilang kamutin ng kamutin ulo ko ngayon.
Nakasalubong ko kasi kanina si Jeonghan at di ko alam kung anong masamang espirito ang sumapi sa kanya dahil yung itsura niya kanina mukhang papatay ng tao. Dapat pala di na ako nagpakita kaya tuloy napabigay ako ng pera ng wala sa oras.
"Seungcheol!" napaangat tuloy ako ng tingin at nakita ko si Jihoon sa malayuan.
"Seungcheol!" nagulat ako ng kumaway na siya sa akin at ngiting-ngiti ito.
'Cute.'
Itinabi ko sa bulsa ng pantalon ang wallet ko at nagmadaling lumakad palapit sa kanya. Napansin ko na may dala siyang trophy at nakakatuwa siyang tingnan dahil may kalakihang trophy yung dala-dala niya. He looks like a kid.
"Bakit ka nandito? Ako na magdadala niyan." kinuha ko sa kanya ang trophy dahil mukhang nahihirapan siya dalhin ito.
"Ikaw? Bakit ka din nandito? Akala ko may pupuntahan ka?" balik tanong niya kaya napailing ako.
"Sagutin mo muna ako."
"Matagal na kitang sinagot." wth.. umiwas tuloy ako ng tingin at mahinang umubo. Napatingin kasi sa amin ang ilang tao dito at taena mukhang tuwang-tuwa pa sila.
"Aish!" kinuha ko ang kamay ni Jihoon at nagmadaling maglakad.
"Cheol bagalan mo ng konti." narinig kong sabi ni Jihoon kaya binagalan ko tuloy ang paglalakad.
"Sabihin mo muna kung bakit ka nandito? Bakit ka may dalang trophy, Jihoon?" tanong ko habang naglalakad kami.
"May sinalihan ako dito na singing contest.." napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.
"Contest? Bakit.. hindi mo sinabi sa akin?" sabi ko sa tonong galit. Hindi sa galit ako pero bakit hindi niya sinabi sa akin na sumali pala siya sa contest!? Aish!
"Akala ko kasi matalo ako. Ayoko naman na nandoon ka at mapahiya sa harap mo." mahina niyang sinabi kaya napailing ako.
Umupo na lang kami sa isang bench dahil di naman daw siya nagugutom ng tinanong ko kaya umupo na lang kami dito.
"Pero sana sinabi mo. Sinong kasama mo doon? May sumuporta ba sa Jihoon ko?" ginulo ko ang buhok niya at ngumiti.
"Hindi ka na galit sa akin?"
"Haha, bakit naman ako magagalit? Nagtatampo lang pero hayaan mo na." ngumiti naman siya at pinatong ang ulo niya sa balikat ko.
"Wala akong kasama. Wala din akong sinabihan na kahit sino pero ok lang kasi hindi naman ako uuwi ngayon na luhaan." sabay tawa niya kaya natawa din ako.
"Oh, pang-ilan ka ba sa nanalo?" kinuha ko naman ang trophy niya at di na ako nabigla na first place siya. Magaling si Jihoon at di ko alam kung bakit ba ang baba ng tingin niya sa sarili.
"First."
"You're great! Halika gusto-" bago ko sabihin na ililibre ko siya, naalala kong kinuha pala ni Jeonghan ang pera ko. Damn!
"Gusto?" tanong niya.
"Gusto.. uhmm g-gusto mo ng kiss?"
Akala ko magugulat siya pero nakatitig lang si Jihoon sa akin na parang may mali akong-
"Gusto ko ng kiss." bigla niyang hinawakan ang ang pisngi ko at mas lalo akong nabigla na ang lapit na ng mukha niya sa akin.
"Ji.."
***tbc***
BINABASA MO ANG
Seventeen Otp • short stories
Fanfiction❝You of yesterday & Me of tomorrow, I hope we have the Same Thinking, and we'll be Together Forever.❞ ✨ #1. svt otp short stories