P.O.C. #16

10 1 0
                                    

Erkha P.O.V

Pinagawaan ko ng bagong case ang car na bigay ni dad. Ako na ang nag customize ng makina dalawang nitro ang pinasok ko rito. Tsk. Bahala na si yukiro sa iba.

"My.. queen.."- isang boses ang gumising sa isip ko. Nag paplano pa nga ako. Bwisit talaga.

"Kirekhdirgi?" Dothraki language. Means why.

"What are you talking about?"- nagtatakang tanung ni logan. What the heck.

"Anu kailangan mo?"- pag iiba ko ng usapan.

"Ah.. anu.. labas tayu. Lakad lakad lang. Gusto mo ba maramdaman yung lamig sa labas?" - anung pinagsasabi nito?

"Basta ipagluluto mo ako mamaya ng breakfast"- its a demand.

"Okey.. "- nakangiting sabi ni logan. Tsk. Haysst. Kala ko ba naman tatanggi siya. Bahala na nga.

Lumabas na kami ng bahay at nag simula na kaming mag lakad. Malamig nga, pero masarap naman sa pakiramdam. Medyo magubat naman kasi ang paligid.

"Anung plano mo?"-sabi na nga ba. Ito lang ang gusto niyang pag usapan.

"Gawin mo lang yung trabaho mo. Ako na ang bahala sa iba."- sagot na alam kong hindi siya makukuntento.

"Tutulong ba si akio?"- tanung niya ulit.

"Akio has its own plan. Just don't engage alone, we'll do this together."- assurance ko sa kanya.

"okey then. Kelan tayo mag sisimula?"

"Mamaya."- maikling sagot ko at huminto sa pag lalakad. Pansin ko lang na hindi siya mapakali.

"Bakit?"- tanung ko sa kanaya at alam kong alam niya ang tinutukoy ko.

"Nagsisimula na siya mag hanap sa akin."- kaya naman pala.

"Bumalik ka na muna sa headquarters ni alejandro. Mag ingat ka dahil nag hihinala na siya sayo."- ang masamang si alejandro ay dapat ng mawala sa darkworld. Bwisit na yun.

Naramdaman ko namang nakatitig siya sa akin kaya nag katitigan kami. Sinusubukan niya akong basahin sa loob. Kaya ayuko tumingin sa mga mata niya dahil pakiramdam ko naka hubad ako sa harap ni logan. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanaya. Walang kumukurap sa amin.

"Lets go home"- putol niya sa mala imahinasyong pantasya ko sa mata niya. Bumalik na kami sa mansion.

"Ang bahay mo ay isang malaking trap para sa daga. Walang makakalabas ng buhay dahil sa may ari nito na mabangis na tigre sa gabi at maamong pusa sa araw. Don't be a beast my queen.."- tinig na ako lamang ang nakakarinig. Kaya napahinto ako at tinitigan ko siya sa mata. Nakikita ko ang sinseredad sa mga sinabi niya.

"I am not a beast unless no one will touch what is mine"- malamig na ang boses ko dahil pakiramdam ko natutuyuan na ako ng tubig. Sabay na kami pumasok ng mansion at nag luto na siya ng makakain. Sakto naman pababa na rin ang tatlo.

"Erkha.. everything is on set."- sabi ni julia. Since wala pa si yukiro at akio kami na muna kikilos.

"Buksan mo yung TV"- sabi ko kay sabrina na naka upo na ngayun sa couch.

"Bagong pasok na balita tungkol sa isang malaking company na pag mamay ari ni alejandro victor Cortejos na naideklarang bankrupt ngayung umaga lamang. Dahil umanoy nalubog na ito sa pag kakautang at--" hindi ko na pinatapos ang balita. My dear Akio is moving.

"Lets eat babies. We will shine later"- nag simula na kaming kumain. Masarap naman pala mag luto si logan.

"Ang sarap naman nito. Sino nag luto?" Sabi ni dexinne.

Presence Of Coldness  Where stories live. Discover now