Chapter 3: First Day

107 5 0
                                    

-Rhai's POV

Other World? Seriously. Hindi ako naniniwala dyan, Pero ngayung nasa Other World kami ay parang pinapa mukha sakin ng mundong ito na totoong nag e-exist ito.

"Anu ng gagawin natin? Di naman pwedeng habang buhay tayong naka upo dito. Baka mamaya may masasamang tao dito at dukutin tayo" Sabi ni Kim habang naka upo

"Masyado namang advance ang isip mo Kim. Malay mo pumunta dito si Daniel Padilla at iligtas tayo tas papakasalan ako. Diba?" Sabi ko sakanya habang tinitignan ang mga butong nagkalat

"Gaga. Alam mo naman iisa lang ang babae sa buhay ni Daniel Padilla eh, Teka . . . Rhaii may bahay dun oh!" Sabi nya habang tinituro ung bahay na malapit na medyo malayo, Ang gulo no?

"Tara kumatok tayo!" Sabi ko at hinila sya papunta dun sa bahay

Pag dating namin sa tapat ng pinto ay tumigil muna kami sandali, Pinag iisapan namin kung kakatok ba kami o hindi. Kasi bka dwarf o ogre ung laman ng bahay na yan ehh. Ayoko pang mamatay ((⇀‸↼))

*Tok Tok Tok* Ayun!! Buti naman naisipang kumatok ni Kim -.-

Hinintay namin na mag bukas ung pinto pero wala . . .

"Tao po??" Malakas na sabi ni Kim.

"Kim! Ano kaba! Malay mo di tao ung nandiyan!? . . . Ehem ehem. OtherWorld creatures po??" Sabi ko. Medyo natawa naman si Kim dun. Ang weird eh

Maya maya may nag bukas na ng pinto . . . o.O

Isang ale na matulis ang tenga at may kalakihan ang ilong. Anung klaseng nilalang to!??

Nanlaki ung mata nung ale nung nakita nya kami

"Ummm. Naligaw po kasi kam----" waaaaaaa! Hinila nya kami papasok!

The Other World's Lost Twin PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon