Chapter 10: He's BACK

72 2 0
                                    

-Kim's POV

Kasama ko ngayun sa isang bahay sa gitna ng DARK FOREST yung stranger na humila saakin kanina. Hanggang ngayun di ko parin makita mukha nya. Pero pamilyar saakin ang presensya nya.

"Uhh, Kuya bat mo po ako dinala dito? At sino po kayo?" Tanung ko sakanya habang sya naman ay nakatalikod, Seriously, Medyo naiinis na ako sakanya dahil hindi sya nag sasalita at hindi manlang pinapakita ang mukha nya

"Gusto mo ba talagang malaman?" Teka, yung boses na iyon! Parang kay Sy lang, Pero hindi pwede dahil patay na sya

Unti unti naman syang humarap saakin at . . .

Si Sy nga.

"S-Symond? I-ikaw ba talaga yan?" Nauutal na sabi ko, Hindi pwede. Hindi pwedeng sya si Sy.

"Oo" Sabi nya at naglakad palapit saakin

Yayakapin ko na sana sya ngunit bigla nya akong pinitik sa noo kaya nakatulog ulit ako

-Symond's POV

Pinatulog ko muna sya. Tama ka Cath, Buhay ako. BUHAY NA BUHAY!

Pag gising nya, Dun ko ipapaliwanag ang lahat

Nakita ko naman yung buysit na kasintahan ngayun ni Cath na naka tingin ng masama saakin mula sa bintana. Hahaha ang bagal niya kasi eh. Ayan naunahan ko sya

Lumabas muna ako ng bahay upang kausapin sya.

"Bakit kinuha mo sya!?" Tanung nito saakin, Naging red nadin ang mata nya tanda ng pagka muhi sakin

"Bagal mo eh. Tsaka plano ko talaga kuhanin sya. Bakit angal ka?" Sabi ko sakanya na may halong pang iinis

"Oo! T*ng Ina mo 'tol hinayaan kitang sundan sundan sya pero sobra na yung kukunin mo sya!" Sabi nya at sinugod ako ng suntok kaya napa upo ako. Sh*t ang sakit nun ah! Mga bampira talaga ang lakas sumuntok!

"Eh g*go ka pala eh! Sarili mo lang iniisip mo! Di mo ba naiisip na sasaya si Cath pag nalaman nyang buhay ako ha!? Ayaw mo lang kasi na maagaw ko sya sayo!" Pagsabing pagkasabi ko nun ay tumayo ako agad at sinuntok sya ngunit hangin lang ang nasuntok ko dahil sa sobrang bilis nya.

"Hindi mo sya maagaw saking g*go ka. First Love ka lang ako yung True Love tol!" Sabi nya saakin, Nasa likod ko pala sya kaya agad akong humarap sakanya.

"Talaga? Sinabi na ba nya sayo na hindi na nya ako mahal? Haha pre hintayin nalang natin na SYA ang pumili sa pagitan nating dalawa, bastat pasensya nalang kung mapahiya ka at AKO ang piliin nya" Pagmamayabang ko at akma ng lalakad papasok sa bahay

"Ul*l! Hindi ko hahayaan na ikaw ang piliin nya!" Sigaw nya kaya natigilan ako

"Talaga? Paano kung magpumilit sya na hindi kana nya mahal at ako ng piliin nya? Condolence nalang nun tol" Sabi ko at pumasok na sa loob ng bahay

Pumasok ako sa kwarto at nakita ko si Cath na mahimbing parin na natutulog. Nilapitan ko sya at tumingin sa bintana. Nakita ko parin sya na nakatingin ng masama saakin.

Talagang wala syang balak umalis.

Ngumiti nalang ako sakanya at hinaplos ang buhok ng Cath ko.

"You're still that pretty like before" Sabi ko at nakita ko naman na unti unti syang dumidilat. Narinig nya ata ako kaya nagising sya

"Sy!? SYMOND!?" Sabi nya at agad agad akong niyakap. Mas hinigpitan ko naman ang yakap nya. Tinignan ko naman yung kasintahan ni Cath at ngumisi dito. Kulay Pula parin ang mga mata nito, Malamang gustong gusto na nyang basagin ang pagmumukha ko sa mga oras na to. Anung magagawa nya masyado kong namiss ang Cath ko.

The Other World's Lost Twin PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon