Chapter 6: Exploring Epsilon Alley

93 3 0
                                    

-Christian's POV

Pagkatapos kong magbayad sa baba ay pumunta na ako sa kwarto ko para tignan sila Labidabs ko at si Kim

Pagpasok ko ay nakita ko yung dalawa na mahimbing ang tulog, Hayy. Malamang napagod ang mga ito sa byahe

Nilapitan ko sila at tinignan ang mga nag gagandahang mukha ng dalawang ito. Pero syempre mas maganda si Labidabs ko kay Kim (ღ˘⌣˘)♥

Nakakatawa silang matulog, Si Labidabs naka spread ang dalawang kamay at paa. Si Kim naman naka ngangang natutulog. Pero hanggang ngayun kakaiba parin ang nararamdaman ko kay Kim. Parang kailangan kong maging magalang pag dating sakanya. Tss. Eh nung nasa mortal world kami pinapatulan ko ito eh.

Naramdaman ko na man na biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking naka hood

"Bat ang tagal mo?" Tanung ko sakanya.

"May inasikaso lang, Sinabi na ba nila sayo kung paano sila napunta dito?" Tanung nya at kinuwento ko naman lahat lahat ng sinabi sakin nila Kim

"Ahh. Laking gulat ko nga nung nakita ko silang nahulog mula sa balon. Kaya ayun, Sinundan ko" Tsk sabi kona nga ba eh. Kahit san talaga pumunta si Kim sinusundan nya. Lakas ng tama neto

"Ohh. So anong balak mo ngayun?" Tanung ko. at tumingin kila Kim

"Di ko sya mababantayan sa mga susunod na araw dahil may kailangan akong asikasuhin sa PORTER, Kaya ikaw ang inaasahan kong magbantay muna sakanya" Sabi nya, Hayy. Wala namang akong choice eh. Di ko kayang suwayin ang kaibigan ko lalo na't alam ko na sobrang mahalaga sakanya si Kim.

"Sige, Hayy. Naging baby sitter pa ako -_- Sige, Pwede ka ng umalis" Sabi ko pero nilapitan nya muna ang natutulog na si Kim at hinalikan sa noo

"I love you Catherine Kim" Sabi nya at lumabas na ng kwarto.

Talagang mahal na mahal nya si Kim . . .

Gaya ng pagmamahal ko kay Labidabs ^_______^

Nakaramdam nadin ako ng antok kaya pumunta na ako sa kabilang kwarto para magpahinga

-Rhai's POV

Nagising ako mag uumaga na. Haba ng tulog ko (_._)

Kagabi parang may narinig ako na nag 'I love you' eh. Siguro nananaginip lang ako? AISH! May narinig talaga ako eh. Ay baka imagination ko lang -.-

Tinignan ko si Kim, Natutulog parin ito at naka nganga. PFFFTTT. HAHAHAHAHAH! Natatawa ako sa itsura nya! HAHAHAHAH

"Huy kim gising na!" Hirap gisingin neto

"Ummm, 5 minutes ma" Aba!? Ginawa pa akong nanay!?

"CATHERINE KIM!!!!!!! GUMISING KA!!!!!!!" Sigaw ko pero ayaw parin nyang gumising

"Ma naman eh. 3 minutes nalang sige" Sabi nya ng naka pikit

"OMG! Anak andito ang Ken mo! Di kana daw nya papansinin pag di ka gumising dyan!" HAHAHAHA. Bigla banaman syang napatayo!

"Asan ma!??? Ken asan ka!?" Tanung nya. So naniwala talaga sya na ako si Tita?

"Huy gaga andito ako" Sabi ko at tumingin naman sya saakin

"Ayyy. Si Ken ko asan? (ಠ¿ಠ)" Tss. Ken Ken Ken Ken! Nakakarindi pre!

"Wala sya! Binibiro lang kita para gumising kana, Aba, Baka mamaya patay kana eh" Sabi ko at inisnaban sya

The Other World's Lost Twin PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon