Chapter Two: "I never loved you..."

176 6 4
                                    

Rexter's POV

"Cute mo talaga."

UGHHHH!!! Putek! Bwiset! Ano bang sumanib sakin at nasabi ko yon ah?!

Ang laki laki kong tanga.,ang laki laki!

Okay let's face the fact na medyo maganda naman si Eliza eh.. Kahit na minsan para siyang tibo kung minsan at parang mas lalaki pa siya kesa sakin.

Hoy, ano wala akong sinasabing bakla ako ha!! May mag sabi diyang bakla ako pa bubugbog ko kay Elizabeth!! HAHAHA!

Namumula kasi yung tenga niya kanina damay mo pa yung cute niyang cheeks! BWAHAHA!

Tapos idamay mo pa yung singkit niyang mata lalong nawawala tuwing magagalit..XD

Pero kahit minsan ang moody moody niya. Kahit minsan daig pa ang bata kung mangulit. Kahit kadalasan para ng armalite yung bunganga niya kadadakdak niya sakin.

"Mahal ko parin siya..

...bilang kaibigan."

Aish! Ano ba tong pinagsasasabi ko?!?!?! Nababakla na ata ako eh! tsk

Naging bestfriend ko si Eliza nung mga 10 years old kami. Lumipat kasi kami ng bahay dito sa Manila na dati ay sa probinsya kami nakatira. Business Partners kasi ang parents namin kaya di rin nagtagal naging close nadin kami.

Dati nga eh nung may nagpapagawa pa sakin ang mga classmates ko ng mga assignments, reports at projects nila si Eliza palagi ang nagtataboy sa kanila. Porket daw matalino at mabait na daw ako ehh aabusuhin na nila ako.

Outcast kasi ako mula noon hanggang ngayon. Siguro kaya ko lang nagawa ang mga iyon dahil gusto ko magkaroon man lang ako ng kaibigan, at napakaswerte ko at naging kaibigan ko ay isang Elizabeth Recella. ;)

Naglalakad ako sa hallway at hinahanap ang room ng Ella ko. Oh diba? di kayo makapaniwala na may girlfriend ako noh? HAHAHA.

Miski ako di ko din alam kung bakit na lang ako sinagot ni Ella. Eh ang tagal tagal ko na ngang nanligaw sa kanya noon at nagmistilang isang stalker na niya ako.

Dati pinapangarap ko siya. Ni isang sulyap niya wala akong nakuha.

Kaya ngayon biglang bigla ako na sinagot niya ako sa panliligaw ko sakanya.

Mga limang taon din ako nagtyagang manligaw diyan. Oh diba?

Ganun ako kasipag at loyal kung yun iba dyan susuko na lang ng basta basta, ako hinde. :3

Sikat si Ella sa buong school kilala din kasi ang pamilya niya.

Nasa kanya na ang lahat.

Maraming nagkakandarapa sakanya at isa ako dun pero di ko lubos maisip na akin na siya.

Girlfriend ko na siya.

Bibisitahin ko muna si Ella at yayayaing kumain tutal malapit na din naman ng mag-lunch.

Nang mapadaan ako sa isang stock room ng building may narinig akong di ko inaasahan..

"A-a-ahhhhh.."

Shit! Pwede bang sa kwarto na lang nila gawin yan! tsk. Mga tao ngayon o-oh.

Pero teka pamilyar na boses yon ah.

Bumalik ako at tumigil sa tapat ng pinto ng stock room kung saan nanggaling yung narinig ko.

Bakit ganon? Para akong kinakabahan at natatakot sa maaari kong makita?

Fighting Over Mr. Handsome (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon