"Huy, ano ba akin na yan!"
"Eh ayoko nga! :P"
"Akin na kasi, leche! Hoy! nag-effort pa akong tumawid ng kalsada papunta ng convenient store para lang bumili ng ice cream noh! Tas aagawin mo lang?!" Inis na sabi ko.
Binuksan na niya yung lid ng isang tub ng Cookies and Cream ice cream ko. :'( Huhuhu noooo!! my ice cream my love so sweet..
Tapos yung itsura yung itsura niya parang bata with matching sparkling eyes pa!
Subu lang siya ng subo ng ice cream ko. Ang kalat niya kumain. Leche -_-" di man lang ako inalok. >,<
Tinitigan ko lang siya habang busy pa siyang kainin yung ice cream ko at dahil parang bata siya kumain ang dungis na ng muka niya at may ice cream pa siya sa ilong!
"HAHAHAHAHA!!!!"
Grabe ang cute cute niya! *O*
Tumingin siya sakin at o-oh mukhang nagalit dahil tinignan niya ako gamit ang kanyang oh so famous death glare.
Well kilala siya sa tingin na yun kase suplado siya pero sakin di naman siya ganun sa suplado..minsan lang..hehe ^,^
Gwapo naman si Rex eh. Kung titignan mo ng maigi. Siguro natakpan lang ng makakapal na eyeglasses at braces sabay mo pang payatot siya at ang weird pa ng hairstyle niya eh..ang baduy. Matalino din siya kaya binansagan din siyang nerd.
Habang nage-enjoy pa ako sa kakatawa ko ayun siya nakatitig lang sakin. Tapos may nabuong smirk sa labi niya..Hmmm ano nanamana balak nitong tsonggo nato.
Umalis siya sa pagkakasandal sa puno na katapat ko at unti-unting lumapit sakin.
Tinanggal pa niya yung glasses niya kaya kitang-kita ko yung brown eyes niya with matching mahahabang pilik-mata.
Hinawakan niya yung cheeks ko. He breathed in and out. Gaaahhhdd!! Naaamoy ko tuloy yung musk niya! Grabe ang sexy ng amoy! Omo omo!! Super lapit na niya sa muka ko and in one wrong move ay mahahalikan ko na siya!!!
Tinignan or rather tinitigan ko ang labi niya. Grabe ang pula at tila korte eto ng cupid's bow! Hoy Elizabeth! ano ba! Maghunos dili ka nga! Si Rex tan oh, bestfriend mo yan kaya wag mong pagnasaan.
Oo nga pala...
Bestfriend ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Fighting Over Mr. Handsome (Hiatus)
Novela JuvenilSimple ka, gwapo siya. Gusto mo siya. Paano na lang kung marami kang kaagaw sa kanya? Susuko ka na lang ba? O isususgal mo ang sarili mo para ipaglaban siya?