01. Flames

257 3 0
                                    

Regine's POV


"Nasaan ka na ba? Hello, magtu-two hours na kami rito! Actually, I'm quite surprised to see McKenzie here. Mas nauna pa 'tong babaitang ito kaysa sa'yo. Hindi ka ba naba-bother d'on?" Dawn animatedly wagged her hands as if Mercy is sitting right across her seat. Tumataas din ang kilay nito at umiikot ang mga mata. Nangingiti ako dahil mukha siyang tanga habang pinapagalitan niya si Mercy, our lesbian friend, dahil kanina pa nga kami nandito sa bar niya na kakabukas pa lang.

McKenzie is sipping her vodka beside me, hindi ko alam kung pang-ilang baso na niya iyon. Gusto ko sanang uminom din ng marami pero maaga pa bukas ang mga appointment ko sa mga clients ko kaya hindi ako pwedeng malasing.

"Oh, really? Dadalhin mo ang kuya mo rito? Which one ba? Ah.. 'yong sinasabi mong laging wala sa bahay n'yo. 'Kay. Bilisan mo. Alam mong ayokong naghihintay. Bye." Binaba na rin sa wakas ni Dawn ang phone at wagas ang buntong-hininga niya saka uminom ng alak.

"Oh, ansabe? Bakit male-late si Mercy?" Tanong ko. She shrugged her shoulder then rolled ger eyes.

"Sinundo pa raw kasi niya ang kuya niya. Ang tagal nga daw mag-ayos e."

"Sinong kuya niya? 'Di ba dalawa iyon? Wala pa kong nami-meet sa kanila. Sana may pogi!" I chuckled. Ngumiti naman sa'kin si McKenzie at patuloy na nahimik. Ewan ko ba sa babaeng 'to, nagpunta sa bar pero ang tahimik pa rin. Hindi man lang mag-enjoy. Kanina pa nga kami sumasayaw pero siya, catatonic pa rin sa lugar niya.

Nabigla naman ako nang biglang kiligin si Dawn na parang kiti-kiti. "Oh my, Red! Parehong gwapo! Kaso si Kuya Mati pa lang ang nami-meet ko e. Gosh, oozing hot, girl! Sarap papakin e." Nakitawa na lang ako nang mas lalong lumakas ang tawa niya. Halatang kilig na kilig si gaga. Pero feeling ko may amats na kasi kaya ganyan.

"Ikaw ah, 'langya ka, nagnanasa ka sa mga kuya ni Mercy! Akala ko nga si Mercy ang type mo e," nanunuksong saad ko. Bigla naman siyang natigil at napapaypay sa sarili. Naku, feel ko talagang may something sa dalawang babae na 'to.

Noon kasi hindi namin friend si Dawn noong college. Kami-kami lang nina Mac at Mercy. Pero ewan ko ba, noong third year college ay biglang sumama sa group namin ang bestest enemy ni Mercy! I dunno. I got a feeling that Dawn had the hots for Mercy. Plastic-an lang kami sa umpisa pero ayun, naging totohanan na. Ewan ko mga ba kung bakit nangyari 'yon. Natatawa na lang ako kapag naiisip ko.

"'Tang ina lang, Regine ah! I so don't like Mercy that way! As in eww!" Tumirik pa ang mga mata niya. "I'm not into girls kaya even much more sa lesbi pa! Yuck!"

Tumawa ako nang malakas. Malakas namang nag-huh si McKenzie.

"Ang OA, Dawn. Sabihin mo iyan kapag nandito na si Mercy," kumento ni McKenzie na nasa harapan naman ng cellphone niya. May jowa kaya ito? Busy lagi sa cellphone e. But what do I know about that? Hello, NBSB here!

Hindi na rin naman nakapagsalita si Dawn kaya nanahimik na rin kami. Umalis sa upuan ang babaeng ayaw daw kay Mercy at nakipagsayaw na naman sa kung sinong stranger sa dance floor. Napailing na lang ako dahil naalala ko na naman ang kagagahan ko two years ago. Iyan, ganyan din nagsimula ang lahat sa amin ng lalaking nakakuha ng pinakainiingatan ko. Ayoko na sanang maalala ukit pero ang hirap kasing ilagay sa unconsciousness ang mga ganoong pangyayari sa buhay.

Gusto ko sanang magkwento sa tatlo kaso kinakabahan ako sa mga sermon na aabutin ko. Lalo na si Mercy at Dawn? Gosh. Kapag pinagsama silang dalawa, mas malala pa ang aabutin ko kaysa sa World War. Alam nilang never pa kong nagka-boyfriend. Actually, mas nauna pa ngang magkaroon sa akin si Mac pero ako pa 'tong naunang maipamigay ang v-card. Kaya ayoko na ring masyadong uminom ng alak, nawawalan ako ng kontrol sa sarili ko. Mamaya, maulit pa ang mga nangyari noon. Delikado na.

Nang tumunog nang malakas ang cellphone ni McKenzie ay nawalan ang mga iniisip ko. Mabilis na tumayo si Mac at hindi man lang nagpaalam kung saan pupunta. Hmm. Jowa niya talaga iyon, feeling ko. Naiwan akong mag-isa sa table namin, na malayo sa ingay sa ibaba dahil nandito kami sa isa sa mga VIP room courtesy sa may-ari ng bar.

Akala ko bumalik agad si Mac nang marinig ko ang bell sa pinto, tanda na may papasok o may lalabas pero nakahinga ako nang maluwag nang sumungaw doon ang ulo ni Mercy habang nakangisi.

"Hi, babe." Bati niya sa'kin. Lahat kami ay tinatawag niyang babe niya maliban na lang kay Dawn. Stupid kasi ang endearment niya rito.

Ang sexy ni Mercy sa suot niyang black dress na hapit sa katawan niya. Nakalugay din ang shoulder-length hair niya na madalas niyang tinatali. At higit sa lahat, naka-make up si gaga! Ang ganda niya sana kaso wala e, mahilig din sa tahong.

"Hi!" Masiglang bati ko rin. Tumayo ako para makipagbeso sa kanya. Tumingin ako sa likod niya dahil naalala ko ang sinabi ni Dawn na kasama raw niya ang kuya niya. "Sabi ni Dawn kasama mo raw ang kuya mo?" Hindi ko pinahalata ang excitement ko. Ngayon ko lang kasi makikita ang kuya niya. Malay mo magustuhan ko. 'di ba?

Kumalas siya sa yakap ko. "Yeah. Nag-CR lang sila ng boyfriend niya. By the way, bakit ikaw lang ang nandito?" Umupo na siya sa upuan ko kanina. Pero wala sa tanong niya ang isip ko kundi doon sa word na boyfriend.


"Wait..." Humarap ako sa kanya. Kumunot ang noo ko sa pagkagulo. "What do you mean by boyfriend? Kuya mo.. may boyfriend?"

Tumawa siya nang mahina saka binalingan ako. "Oh, I forgot to tell you, one of my kuya's gay. His name's Matthew. You'll meet him later, don't worry." Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Akala ko pa naman love life na e. Paasa rin 'tong si Mercy!

One thing we know about Mercy, minsan maingay siya pero most of the time ay masungit siya. Mas masungit pa kay Dawn. And super secretive niya. Biruin mo, ngayon ko lang nalaman na may bakla pala siyang kuya? She never mentioned this before. She will tell us about everything but her personal life, believe me. Ganoon siya kasikreto.

Hindi na lang ako nag-comment pa tungkol sa bagay na iyon. Nagkwentuhan na lang kaming dalawa dahil matagal-tagal din kaming hindi nagkita. Busy kasi siya sa business niya at nagse-seminar pa sa ibang bansa. Mga yayamanin na 'tong mga bff ko e. Papalibre pa nga sana ako kaso biglang nagsidatingan sina Mac at Dawn. Nakita ko pang nagtaasan ng kilay at nagtarayan sina Mercy at Dawn at pigil na pigil akong asarin silang dalawa sa isa't-isa. Alam ko namang pagtutulungan lang nila ako kapag pumalag ako.

Masaya kaming nagbibiruan at nagkakamustahan nang tumunog na naman ang bell sa pinto. Unang pumasok ang isang lalaking lean lang ang katawan at matangkad. He's handsome while wearing a balck two-piece suit, halatang galing pa sa office. I don't find any resemblance on his face kaya alam kong ito ang boyfriend ng kuya ni Mercy.

"Oh, Sam! Where's kuya?" Bungad ni Mercy dito. He flased his dashing smile to each one of us and answered Mercy's question. "Nakasunod na."

My eyes never left the door when it opened again. I saw first the flaming red hair of Mercy's kuya and it almost make me cringe because I hate that color. Having my nickname as Red is enough for me to hate the innocent color. But when I looked over his face, he's so beautiful I cannot even look at him. Pustpa, mas maganda pa yata sa akin ang bakla!

When he looked at us and met my gaze, I suddenly remembered that guy whom I met two years ago. It suddenly hit me, big time. Shit. Although he had that ash grey color on his hair that time, iyang ngiti na iyan, hinding-hindi ko makakalimutan.

He's Mercy's kuya?! Bakla siya?

Despacito (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon