Isle Bighani (Part 1)

69 3 0
                                    

Note: Short updates lang talaga ang kaya ko due to busy sched (lol). Vote and comment please. And don't mind the typos and grammatical errors hahaha. Enjoy!

PS. Thanks sa mga nag-add sa Reading List nila ng story. Grabedad ang gulat ko. 😂🤗


*****

DINALA NG MALAKAS na hangin ang nakalugay kong buhok papunta sa mukha ko. Inis kong ibinalik sa pagkaka-ponytail ang hanggang balikat kong buhok saka inis na isinuot ang aviator.

Maaga akong umalis sa bahay para dumiretso sa NAIA. Katabi lang kasi ng island of Boracay ang Isle Bighani na isang maliit na isla na maituturing mong mini Boracay. Kahit sabihing walang traffic sa himpapawid, may byahe pa kasi sa bus at bangka para makapunta sa isla. Pero isa lang talaga ang masasabi ko: worth it! Kaya nga siguro hindi ako nagdalawang-isip na bumili ng vacation house kasi nakaka-relax talaga ang ambiance sa lugar.

Ilang taon kong pinag-ipunan ang ipinundar ko para makabili ng two-storey vacation house. Nag-loan din ako sa bangko pandagdag sa gastos pero medyo malaki kasi ang bayad sa fully-furnished na bahay. Binenta sa'kin iyon ng tiyahin ni Dawn na dati naming tinutuluyan kapag nagbabakasyon kami rito sa isla. Nag-asawa kasi ulit kahit mahigit singkwenta anyos na at huwag ka, foreigner pa! Sayang nga lang at hindi na sila pwedeng mag-anak. Noong dalaga pa kasi ito hindi rin sila nagka-oras ng yumaong asawa para mag-anak. Busy lagi sa trabaho at pagpapayaman. Kung magkakaanak nga siya ngayon for sure kukuhanin akong ninang ni Tita Polly. Tuwang-tuwa sa amin nina Mercy at McKenzie iyon.

Pinagmasdan ko ang kulay asul na dagat. The sound of waves slapping against each other is music to my ears. At last, hindi puro hinaing at problema ng mga kliyente ko ang naririnig ko ngayon. Ibinalik ko ang atensyon sa pagkain nang maisaayos ko na ang dugyot kong buhok. Bukod sa magandang tanawin at tahimik ang lugar, the food here were also great. I'm currently eating a dish with shrimps that are floating in whote sauce. Ang hilig ko pa naman sa hipon kaya naman feel na feel ko pang magkamay.

Aside from the dish, mayroon ding kare-kare, inihaw na hipon, at crunchy dinuguan sa mesa ko. Nagtataka nga ang mga napapadaan dito dahil nag-iisa lang ako sa upuan pero pang-limang tao yata ang in-order ko. Pero dahil magi-explore ako at magsu-surfing mamaya, hindi ako takot sa carbs na pupunta sa katawan ko. I'm actually wearing a yellow one-piece suit na medyo conservative ang tabas. S'yempre nahihiya pa kong magladlad ng katawan na kulang na rin sa exercise.

While I'm eating my food with much gusto, I took a glimpse of my model friend striding her way towards me. Uh-oh. Mukhang may magchi-cheat sa diet niya ngayon at hihingi ng food sa'kin.

Kinawayan ko siya nang kaliwang kamay ko habang patuloy pa rin akong sumusubo. Pero hindi pa man nakakalapit sa akin si Mac ay may humarang na lalaki sa dinadaanan niya, conpletely blocking her away from my view. Nakita ko ang likod ng lalaki. Shit, bes! Ang lapad. And what makes it more alluring is the tattoo that was engraved on his back. Dahil malayo sila sa kinaroroonan ko, hindi ko matukoy kung anong object iyon. Ang nakapagtataka lang, bakit may lumapit na lalaki kay Mac? And in the end, walang Mac na lumapit sa akin. Tinangay siya nang lalaking may tattoo sa likod.


AFTER TAKING A BATH, agad akong sumalampak sa couch ng bahay ko. Binuksan ko ang television at nanuod na lang ng kung ano. Bigla kasi akong tinamad lumabas matapos ng maghapong activities na ginawa ko sa isla. Actually, nag-swim at nag-surf lang naman ako pero parang binugbog ang katawan ko. Well, bukod sa walang exercise, matagal na rin nang huli akong nag-surfing. Medyo gasgas na nga ang moves ko kaya panay bagsak ako sa tubig kanina.

Sobrang natutok ang attention ko sa panunuod ng Stranger Things nang biglang tumunog ang phone ko. Hay. For sure si Mac na 'to at hinahanap ako dahil ngayon na ang fashion show nila. Ngayon na rin siya 'lilipat' sa bahay ko para magpalipas ng gabi.

"Oh?" Bored kong sagot sa tawag.

"Anong 'oh'? Where are you? Manuod ka ng show namin, Red. Ang buti mo talagang kaibigan." Hindi ko masyadong marinig si Mac dahil maingay sa background niya. Pero um-oo na lang ako.

"Huy. Kasi naman, pumunta ka na. Bukod sa panunuorin mo kong rumampa, kailangan ko rin ng katulong magbitbit ng gamit ko." Mas malakas na ngayon ang boses niya. Natuon na sa kanya ang atensyon ko.

Bumuntong-hininga ako. Naku, gagawin pa kong katulong. "Yes. Oo na. Heto na oh, tumatayo na. Bakit naman kasi ang dami mong dalang gamit. OA nito."

"S'yempre need iyon e. Para may choices kami ng make-up and shoes."

"Bakit hindi mo na lang ipabitbit sa guy na hinila ka kanina. He might want to help, you know." Pang-aasar ko sa kanya.

"Shut up, Red!" Naku, inis na siya. "Basta pumunta ka right here, okay? I need you. Not someone who just pisses me off."

"Okay, dear frieny. Bye." Ako na ang nagbaba ng phone dahil gusto ko na talagang matulog ngayon at bago iyon, kailangan ko munang makitang rumampa si McKenzie.


THE STAGE WAS DESIGNED in a grand manner. Napakaraming ilaw at tao na gustong makapanuod ng fashion show dito sa Isle Bighani. First time lang yata may ganitong event dito kaya dinayo ng tao at siguro ng mga fashion junkies na rin, which is definitely not me. Kanina pa may nag-aayang kumuha ng drinks for me pero tinatanggihan ko. Iyong iba yummy, iyong iba naman super yummy pero kiber ako ngayon dahil pagod ako at inaantok na. Mamaya kasi kapag uminom ako ay lalo lang akong antukin.

Nang magsimula na ang fashion show, inaabangan ko anv bawat mukha ng models. Kaso sa main event pa yata rarampa si Mac kaya baka bandang huli siya. Limang fashion designer na ang nagpakita ng mga creations nila. Mga designs about summer wear ang theme ng fashion show. Magaganda naman kaya lang masyadong revealing. Hindi ko type. Okay na ko sa one-piece.

Nang dumilim ang stage at nagsalita ang host, alam kong may ipapakilala na naman siyang fashion designer. Main event na yata dahil biglang nagpalakpakan ang mga tao sa kung anu-anong sinasabi ng host. Sa sobrang out of focus ko, nakatitig na lang ako sa stage habang nagpipigil ng antok. Pero bigla akong nagising nang isa-isang rumampa ang mga models. Isa sa mga iyon ay si Mac na sobrang sexy ng suot. She wears a white two-piece swimsuit that perfectly fit her. Ang mga dibdib niya ay bahagya lang natatakpan kaya naman maririnig mo ang hiyawan ng mga kalalakihan.

Sumabay ako sa palakpakan nang humanay na ang huling set ng models, kasama siyempre ang dyosa kong freny, at bahagya muling nag-dim ang ilaw.

"We proudly present to you the spectacular creation of none other than the Goddess of Fashion herself... Miss Matthew Monteviejo!"

Naloka ako nang biglang lumabas sa kung saan ang tinawag na 'Goddess' dahil isang gwapong Greek God na may pula, wait, itim na palang buhok, ang nakita ko. Si Matthew.

Despacito (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon